Chap. 11: Famed Fighter

615 61 44
                                    

[4/19] New non-combat class updated: Entertainer.

Long chapter ahead. Enjoy!

--

Si Iris at Kite ay kasalukuyang tinatahak ang madilim na daan papunta sa liblib na lugar sa elvenwood forest. Ang plano nila ngayon ay puntahan ang Elven Fighter na isang class instructor para maging isang ganap na Fighter class na si Iris, at walang makaka-pigil sakanya.. 

Kahit ang level 16 na wild boss na kaharap niya ngayon.

"Tara na Iris, sign na yan na huwag ka na daw mag-fighter." Ang kasama niya ngayon na si Kite ay naka-upo sa isang malaking sanga ng puno at wala siyang balak na tulungan si Iris kahit siya ay mismong level 16 din.

< Level 16, Assassin Vine >

< Wild boss >

< HP: 798/798 >

Ang Level 16 na wild boss ay isang malaking vine na may kalahating tao ang laki. Meron itong mga baging na iba't iba ang laki at kulay berde. Pero kung titignan ang pinaka-malapad na baging nito, may lapad ito ng isang braso ng isang malusog na tao at mukhang may kakayahang sakalin ang isang player. Tinignan naman ito ng mabuti ni Iris kung may bibig ito dahil ayaw lang naman ni Iris na makagat siya at buti nalang na wala, pero ang masaklap ay may mga thorns ang vines nito.

< HP: 271/271, MP: 147/147 >

Tinignan ni Iris ang sarili niyang level 10 status, buti nalang ay nag-dadagdag siya ng points sa kanyang Vitality attribute dahil kung hindi, mababa lang ang kanyang life points. Dahil sa busy siya, suot-suot parin niya ang kanyang newbie armor at gamit lang niya ay basic dagger na may base damage na 10. Dahil doon wala pa siyang dagdag HP and defense points, kahit isang matinong equipment ay wala siya. Ayaw na isipin ni Iris kung ano ang rate ng kanyang defense, dahil wala ng pag-asa doon.

Habang tinititigan niya ang mga thorny vines ng monster ay nag-iisip na siya ng plano kung paano ito i-defeat. Thanks to her several gaming experiences and knowledge, mabilis ang utak niya pagdating sa diskarte.

Iris serious mode on!

'I have to fully rely on my bleed skill and movement speed.' Sa ngayon ay meron siyang Level 6 Bleed na may 18 dmg per 5 seconds at meron na itong duration na 1 minute, hindi katulad sa level 1 skill niya noon. 'Baka masyadong overpowered kaya nilagyan ng limit.' At nagsimula na mag-calculate si Iris.

'Kapag hindi ako na-dead within 1 minute, may pag-asa pa ako, merong twelve 5 seconds within 1 minute, times 18 is 216 damage over time. Plus fierce strike at critical hits ko, kaya naman pala, lalo na pag naka-2 layer bleed ako, mas malaki DoT.' (note: Damage Over Time)

Tuloy-tuloy pa rin si Iris sa pag-iisip kahit na siya ay kasalukuyang naka-kapit lang sa isang sanga at ang wild boss ay nasa paanahan ng puno na sinasabitan niya, kaya hindi siya pwede malaglag. Napansin naman ni Kite na tila ba'y malalim ang iniisip ni Iris at kinukutuban na siya sa gagawing kalokohan nito.

"Iris? T-censored, huwag 'mong sabihin na kakalabanin mo talaga yan, sht."

"Censored-censored-censored oi mahal mo pa naman sarili mo diba?"

"G-censored ka ba! Level 10 ka lang!"

Ding!

Fate Online: Dreams of Tomorrow [World building in progress..]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon