Chap. 8: Elion and 'friends'

535 67 22
                                    

(A side chapter dedicated for the supporting & extra characters. This will be short.)

From Elion's Perspective

Kasalukuyang nasa isang tavern si Elion kasama ang kanyang party mates. Kakatapos lang nila kalabanin ang boss monster na tinatawag na King Blob sa elvenwood forest. Ang boss ay isang Level 10 monster at sila namang lima na magkakasama ay Level 8, kahit na mas mataas ang level ng boss ay madali parin itong talunin dahil sa isa lang itong beginner boss. Masaya silang kumakain at umiinom habang nagkukwentuhan silang lima, maliban lang sa isang male ranger na si Elion na tila ba'y para siyang lutang at hindi aktibong nakikisali sa kwentuhan ng kanyang party.

Naalala pa niya ang pangyayari kung saan nakasalubong niya ang isang female player.

Isang magandang elf.

Three hours ago..

Papunta na sana siya sa mga kasama niya para magplano kung paano talunin ang boss monster. Naglalakad siya sa village 'nang may namataan siyang isang female player, sa 'ding elf. Nakita niya itong nakangiti habang may hawak-hawak ito sa kanyang kamay, ang buhok niya ay blonde at ang pares ng mata niya ay kulay lila na may  kaunting bahid ng asul. Tila ba'y nabighani si Elion sa ngiti ng babaeng elf at habang papalapit siya dito ay hindi niya namamalayan na nabangga niya na pala ito.

"Pota."

Nagulat si Elion sa nangyari at napatingin siya sa mukha ng babaeng elf. Dalawa lang ang dahilan kung bakit nagulat si Elion, una dahil sa nakita niya ng malapitan ang babae at pangalawa dahil nanlilisik ang mga lilang mata nito na para ba'y galit na galit. Nakita niya ang isang sirang slime bubble na nasa paanan niya at saka napagtanto ang lahat.

Agad siyang humingi ng tawad at binigay niya lahat ng slime bubbles na nasa kanyang satchel. Pagkatapos non ay kumaripas siya ng takbo paalis pero hindi niya makakalimutan ang mukha at pangalan ng babaeng elf.

< Iris, Level 2 Elf >

"Haaa.." Napabuntong-hininga nalang si Elion at sabay laklak sa hawak niyang inumin. Napatingin naman ang kanyang mga party mates sakanya, napapansin na din nila na parang iba ang kinikilos ni Elion simula na kitain nila to kanina.

"What's with that face? Did you get dumped by some chick?" Ang isang miyembro ng party, si Henry, ay kaibigan ni Elion sa real world, kaya kabisadong-kabisado niya ang kinikilos ng kanyang kaibigan, isa lang naman ang naisip niyang dahilan kung bakit malungkot ito, babae lang naman.

"Don't worry, this is only our first day in fate, we will find beautiful girls soon!" Humalakhak si Henry at nag-simula siya magkwento sa mga female players na nakasalamuha niya. Masaya na nakikinig ang tatlong partymates at tahimik na pinapakinggan ni Elion ang kwento ni Henry.

Kakatapos palang niya sa unang parte at nagsisimula na si Henry sa ikalawang kabanata ng nangyari sa araw niya ng napukaw niya ang atensyon ni Elion. 

Hinawakan ni Elion sa balikat si Henry at seryosong tinanong siya. "What did you say?" at masaya namang sumagot si Henry dahil akala niya ay interesado na si Elion sa mga kwento niya ngayon.

"I met a pretty female player at the stream, she had this gorgeous blonde hair and a pair of lovely purple eyes.." Hindi maintindihan ni Elion kung bakit bigla siyang kinutuban sa kinukuwento ng kanyang kaibigan na si Henry.

"With a touch of blue?" Tanong ni Elion.

"Yes with a touch of blue.." Nagtataka si Henry kung bakit nalang naging sobrang interesado si Elion ngayon na nagkukwento na siya about sa blonde elf na nakasalamuha niya.

"I didn't know that you were into blondes now, tell me next time okay." at pinagpatuloy nalang ni Henry ang pagkukwento niya kung sa anong ginawa niyang kalokohan sa female player. 

Habang tumatagal ng tumagal ang kwento, ay palamig naman ng palamig ang katawan ni Elion ng maalala niya ang galit na mukha ng babaeng elf.

"..Then she got really mad! I thought she would run away in anger but that girl grabbed me and hit me repeatedly with the bucket!" at tumawa silang lahat habang si Elion naman ay parang mahihimatay nalang sa ginawa ng kaibigan niya.

"It's still not enough for her so she tried drowning me in the stream! I didn't expect her to that because supposedly, rocks are non-living objects." Tinutuloy ni Henry ang kanyang pagkukwento habang si Elion ay nararamdaman niya ang kanyang kaluluwa ay paalis na sakanyang katawan. 'Why did I become friends with this guy..'

"Well, she's really pretty but too hot-headed for me, she was suppose to stab me but when I transformed in my human form, she punched me in the face-" Naputol ang kwento ni Henry ng tinanong siya ng mga ka-party mates niya kung ano ang pangalan ng female player.

"I saw it's Iris.. yeah, its definitely Iris, her name." at sa sagot niyang iyon ay tumahimik ang table nila. Ang tatlong unnamed partymates ay biglang nagsi-tinginan sa isa't-isa na para 'bang may naalala sila.

"I think we met her too, it's when we located the queen blob to kill it.. and we saw that player named Iris was draining all the slime liquid from the dead queen blob, she's really scary, I can't believe that she killed that boss monster alone." Ang partymate nilang si Von, isang warrior class, kinuwento ang lahat sa nangyaring initan ng nagkita sila ni Iris.

"I doubted her and said that she's only level 6-"

"So she got really mad too! When the queen blob re-spawned and tried to attack her, she kicked it with force, it landed on my left leg and bit me, I died because of the bleeding effect." Sumingit pa ang isang party member, isa siyang mage, si Carlo. Level 9 na sana siya dapat ngayon, pero ng namatay siya dahil sa queen blob, bumaba ang kanyang level.

"Yeah she's really scary!"

"Elion did you also met her? It will be wonderful coincidence if all of us met her hahaha!"

Elion: I'd rather die..

Habang pinagchichismisan nila si Iris, hindi na matiis ni Elion ang naririnig niya galing sa mga kapartido niya, hinanap niya ang kanyang menu at saka naglog-out.

"Elion?!"

---
Author's Note:
Kailangan kong bigyan ng buhay at kulay ang mga side characters na naipasok ko sa fate para Happy!

At thank you sa lahat ng mga nagbasa at nagvote sa sa Fate! #50 siya ngayon sa kategoryang Adventure! akhierex iamQueso xMomoiro CruZerkie Mystic3Angels DexterGongob AaronHernandez_10 prettyliljumi
Hindi 'to maabot ng Fate kung wala kayo. ♡

Iris: waves and gives a heart sign.

Fate Online: Dreams of Tomorrow [World building in progress..]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon