Chap. 7: Iris' Job

624 71 20
                                    


Kasalukuyang nasa 'backroom' ng healer's hut si Iris, pagkatapos niyang mangolekta ng salve ingredients. Natapos na din niyang kumuha ng 'two buckets of water' kanina. Nakaupo siya sa isang mataas na upuan habang pinapanood niyang gumawa ang village healer na si Elder Ran ng salve. Makikita sa mukha ni Iris ang pagka-irita at inis.

"So Iris, tell me why did you come back with a broken foot?" Tanong sa kanya ng matandang elf, kahit na may edad na ang Elven Healer, nanatili pa rin ang pagkabata ng kanyang kutis at mukha. Sa tanong na iyon, hindi sumagot si Iris at sumimangot lalo.

"You did a good job killing the queen blob in that dangerous forest without sustaining injuries, but when you came back from the stream, which is a safe place, you suffered from an injury?" Ngayon, nagdidikdik ng mga dry herbs ang Elven healer habang hinihintay ang sagot ni Iris. 

Kanina lang, pagkatapos na dalhin ni Iris ang slime liquid at aloe leaves kay Elder Ran, pumunta siya sa isang stream para kumuha ng tubig.. pero may nangyaring hindi inaasahan ni Iris.

Ngayon ng tinanong siya ulit ni Elder Ran sa mga nangyari, inalala niya ang mga scenario na naranasan niya sa pagkuha niya ng tubig;

Malapit lang ang pagkukuhanan ng tubig ni Iris sa healer's hut. Dala-dala ang dalawang balde, pumunta siya sa gilid ng sapa at lumuhod. Bago siya kumuha ng tubig ay uminom muna siya dahil sa uhaw na nararamdaman niya.

"Psst."

Kukuha na sana siya ng tubig ng may narinig siyang ingay at para bang tinatawag siya. Pagkalipas ng ilang segundo binaliwala niya nalang ito at pinagpatuloy ang pag puno ng tubig sa balde. Nang matapos niyang punuin ang isang balde ay isinantabi niya ito at kinuha ang pangalawang balde.

"Psst." Napatigil si Iris sa ginagawa niya, tumingin siya sa paligid niya at wala naman siyang nakitang kahina-hinala. Kung meron man, ito ay isang bato lang na medyo out-of-place. Halos lahat ng bato sa paligid niya ay may lumot at ang bato na tinitignan niya ngayon ay sobrang kinis at para bang bagong ligo, isa pa nito ay kasing laki ito ng ulo ng isang tao. Napagdesisyunan nalang ni Iris na huwag pansinin ang sitsit at punuin nalang ang pangalawang balde.

Mapupuno na sana ang balde na hawak ni Iris ng may narinig siyang malalim na tunog at pagtapon ng tubig. Pagkatingin niya sa nasabing tunog ay nakita niya ang kanyang unang balde na wala ng laman at tumapon ang lahat ng tubig.

"..."

At tumingin si Iris sa bato na nakatabi sa kanyang balde. Ang bato kanina na ilang metro lang ang layo sa kanya ay katabi na niya ngayon. Kinuha niya ang balde na nakataob at tinignan ang bato. Pero nagulat nalang si Iris ng biglang tumalon ang bato at binangga ang pangalawang balde na hawak niya. Na-bitawan ni Iris ang balde at nalaglag ito sa sapa bago ito agusin palayo.

Sa sobrang inis ni Iris ay hinawakan niya ng mahigpit ang bato at pinagpupukpok ito ng balde. Sa ginawa niya ay tila 'bang parang nasasaktan ang bato dahil nanginginig ito. Hindi pa nakuntento si Iris sa ginawa niya, binuhat niya ang bato sabay nilubog ito sa sapa.

"P-censored censored hayop ka malunod ka ngayon!" Hindi man alam ni Iris kung ano talaga ito, basta ang alam niya ay walang respiratory system ang bato na nilulunod niya. Gumalaw ang bato at pilit na kumakawala sa mga kamay ni Iris, at dahil sa makinis ito, dumulas ito at nakawala. Tumalon ito palabas ng tubig at nag-rough landing sa kanang paa ni Iris.

"Aray!" Pero hindi talaga aray sinabi ni Iris (If you know what I mean.) Nag-ding ang system notice niya at nakita niya ang kanyang status.

< Iris' foot has been injured >

Fate Online: Dreams of Tomorrow [World building in progress..]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon