Nagdiriwang kaming lahat ngayon kasi finally! Finally makakabalik na din kami sa kaya-kanya naming bahay! Nakakatawa pa nga mga reaksyon namin ng ibalita ito samin.
Flashback..
"Pollux! Lapit kayo may good news ako sainyo." full smile na sabi sa'min ng teacher na naka-assign para bantayan kami. Di namin siya totally kilala kasi yung adviser namin na dapat kasama namin sumama pabalik kasi she has emergency in their house so ibang teacher naassign sa'min. Buti nga hindi si Teacher Cristy eh kasi kung nagkataon.. Wala, sobrang gulo nanamin. Kahit sa room pa naman eh. Haha!
Going back, nagsilapitan nga kami at kinakabahang hinintay ang susunod na sasabihin ng teacher sa harap namin.
"Tomorrow or today after tomorrow, darating yung bus na susundo sa'tin. Much better na ayusin nyo na agad yung mga gamit mo para pag dumating yung sasakyan natin mabilis tayong makakauwi. Yung wala dito, for sure nasa tabi-tabi lang, sabihan agad okay?" litanya ng teacher sa harap. Napalingon ako sa paligid. Bakit parang kulang nanaman kami? Asan na kaya sila? Hmm... Baka nasa galaan lang?
- - -
Matapos marinig yung good news na yun. Kanya-kanyang ayos na kami ng gamit namin.At ngayon na nga yung hinihintay naming araw. Dumating na yung bus namin at para kaming nabunutan ng tinik. Sobrang relieved! Nakakagulat naman kasi ngayon lang nagpakita yung iba naming kaklase.
"Huy Jill! Buti alam nyong darating yung bus natin. San kayo nanggaling?" tanong ko kay Jill. Nakapagtataka naman kasi tumingin lang siya sa'kin at di ako pinansin. Tss, nangyare dito?
Sunod ko namang nilapitan si Princess. You know me!? Di ako napapakali hangga't wala akong nakukuhang sagot.
"Psst Cess! San kayo galing?" kinalabit ko pa siya pero wala. Wala! Di rin ako pinansin. Halos sabay-sabay sila ng tropa ni Jill at Princess. Magkakasama sila? Himala?
Dati-rati kasi hindi mo makikitang magkakasama 'tong mga 'to. Pero malay mo naman di ba? Pero iba talaga eh! Pare-pareho din silang walang kibo. Haaays.
Hanggang sa gitna ng biyahe ay di padin mawala sa isip ko 'tong mga 'to.
- - -
"FINALLY!! NAKAUWI NA! NAKAKA-MISS DIN PALA!" sigaw ko pagkababa ng bus. Nasabi ko na bang maingay din ako? Kung di pa, you can judge me now. Haha!But seriously, sobrang saya talaga. Pagkauwi ng bahay diretso kwarto na 'ko kailangan ko ng sapat na tulog! Ilang araw akong walang tulog kasi di ako sanay na sa ibang bahay or lugar natutulog. Na-miss ko din 'tong kwarto ko! Huhu!
- - -
I know i'm dreaming again. Sana'y na 'ko. At okay lang na mangyari 'to kasi alam kong makatutulong 'to sakin.. Samin. Kailangan ko ng malaman kung sino ang gumagawa nito sa'min.Nasa isang lugar ako. As usual nandito din yung mga kaklase ko. Sobrang creepy ng mga nangyari. Pakiramdam ko may isang taong pumupwersa sa'ming gumawa ng masama. Pero, bakit kami? Anong ginawa namin? Related ba sa'min yung mga ginagawa niya? Frame up ba 'to?
"Madadamay ang dapat madamay, Mamamatay ang dapat mamatay."
Isang nakakakilabot ng tinig nanaman ang dumaan sa tenga ko. Ngunit sa tuwing lilingon ako sa pinanggalingan nito.. Nagigising ako.
- - -
Araw ng pagbalik namin sa school. Ilang araw din kaming 'di nakapasok no. Nilingon ko ang kabuuan ng classroom namin. Inobserbahan ko ang mga kaklase ko. Ito ang lagi kong ginagawa sa araw-araw ng pagpasok. Minsan nga iniisip koBakit kaya di nalang ako maging Observer ng room? Eh, yun naman lagi kong ganap di ba?
But base on my observations today, isa lang talaga yung nakakapanibago.. Yung galaw nung iba kong kaklase. Naging sobrang tahimik sila. Di ko nga alam kung ako lang ba nakakapansin ng ganito eh. Haaays.
Hopefully, malaman na din namin ang katotohanan.
- - -
Short UD. Akala ko mapapabilis update ko😣 Akala lang pala! Pero!! Goodbye Junior High na kami! Ma-mimiss ko ang Pollux. Pero pramis tatapusin ko 'to.. Kahit late UD's ko😂 labyu guys💓-J.
YOU ARE READING
OPLAN: Kill that Sh*t (Cristy Invasion)COMPLETED!
Mystery / Thriller"It's one of POLLUX Thing that we wouldn't understand.. But we will find way to figure it out!" This is full of fiction of our class, well nasulat ko sya dala ng galit at kalokahan.. Mas more on sa kalokohan? Haha! Subaybayan nyo nalang 'to.. Kung g...