Erben's POV
Hi! I'm Erben Jose. Ako ay isang babae.. Na nakulong sa katauhan ng isang lalaki. In short bakla ako. Not probably gay, bi lang ganern.
Pasukan nanaman namin pero keri na grade 10 naman na kami malapit na din kaming lumayas sa eskuwelahang ito. Haha!
Second day of school may pumasok na di familiar ang mukha para sa'kin. At dahil dakilang echosera--i mean friendly ang lola mo kina-usap ko siya malay niyo bagong estudyante or should i say.. Transferee?! Basta ganern.
Nalaman kong bago nga siya dito. Pero saglit lang kami nakapag-usap dumating na kasi yung teacher namin.
- - -
One time ng klase namin sa A.P basta ang topic namin about Likas na Yaman. At dahil may pumasok na ideya--ideya? Lalim mamang!
Going back, ayon nga edi nagrecite ako.
"Actually sir, gusto ko pong maging Mayor dito sa'tin tapos ipupush ko po yung pangingisda ng mga tao dito kase po di'ba yun naman talaga ang kabuhayan ng mga tao dito."
Nagulat ako pero nagpalakpakan sila. Totoo naman ang sinabi ko. I want to be a Mayor in the near future, gusto ko ring patunayan na kahit ganto ako syempre alam kong may magagawa naman akong maganda sa lipunan na ito.
"Good Jose, i like your words of wisdom" sagot ng teacher namin.
- - -
Habang tumatagal ang araw, masasabi kong ang ganda naman ng nangyayari samin lalo pa't may bago kaming kaklase.. Si Riza. Matagal na siyang nag-aaral dito pero dahil napalipat siya noon kaya ngayon ko lang ulit nakita 'to.
At dahil may pagka pakielamera talaga 'tong lukaret na 'to...Charaaat! HAhaha.
Minsan marami ring galit sa kanya pero deadma lang. Pakisamahan nalang. Mas malala pa nga yung isa naming kaklase eh.. Si Ian.
- - -
Science. Sobrang gulo namin. Well, araw-araw naman ganto. Mag-eexperiment daw kami sabi nung teacher naming si Teacher Cristy. As usual may dala siyang mga formula at kung anu-ano pang anek-anek.
At dahil lumabas saglit yung teacher namin. Nakipagdaldalan muna ako sa mga kaklase ko. Nilingon ko si Riza at nakita ko siyang inuusisa yung mga formula na dala ni teacher Cristy. Di ko nalang siya pinansin, pero maya-maya lang.
May naamoy akong kakaiba ang amoy. Di ko maexplain yung amoy niya pero kumalat ito sa apat na sulok ng classroom.
Lahat kami hinimatay at.. Di ko na alam ang nangyari sa mga susunod na pangyayari.
- - -
Pagkagising ko sobrang sakit ng ulo ko yung tipong para akong natulog ng isang taon.
Paglingon ko sa paligid nakita 'ko yung isa kong kaklase na gising na rin, pero yung iba wala pa ring malay.
Nilapitan ko siya para kamustahin.
"Jess? Okay ka lang?" tanong ko.
"Huh? O-okay lang. Teka? Kamusta na sila? Ano bang nangyare?" sagot niya pero hilo padin siya.
Sadyang ang lakas lang talaga nung epekto ng formula na 'yon. Tsk!
"T-teka! Gisingin na nga natin sila. Baka magdire-diretso yan magkalamay pa dito." pinilit ko nalang magbiro kasi nararamdaman kong natatakot din siya.
Isa-isa namin silang ginising 'di kalaunan ay nagising din sila.
Lahat kami ay pinipilit alalahanin ang nangyare, pero isa lang ang paulit-ulit na dumaraan sa utak ko na ang formula ang dahilan kung bakit kami nahilo at bumagsak.
Nilingon ko silang lahat. Nakapagtataka..
Asan si Riza?
- - -
Tsaraaaaaan! Nagsabi akong last week ako mag-uupdate at dahil nagkasakit at nahospital ang otor niyo ayan na-late hahahaha! Kaway-kaway pala sa mga classmate kong nagbabasa nito😂 bwahahaha!
Vote and Comment guys. Gusto niyo na ba ako makilala? Haha😂 char. Lovelots💓
-J.
![](https://img.wattpad.com/cover/94082003-288-k569866.jpg)
YOU ARE READING
OPLAN: Kill that Sh*t (Cristy Invasion)COMPLETED!
Mistério / Suspense"It's one of POLLUX Thing that we wouldn't understand.. But we will find way to figure it out!" This is full of fiction of our class, well nasulat ko sya dala ng galit at kalokahan.. Mas more on sa kalokohan? Haha! Subaybayan nyo nalang 'to.. Kung g...