Third POV
"Sinong susunod sainyo?! Sinong gustong sumunod kila Jill? Wala namang mapapahamak kung gagawin niyo lang yung sasabihin ko di ba?" Sabi nito habang naglalakad pabalik-balik sa harap nila Christian.
Puros mga nakatulala ang mga ito, pare-parehong ina-absorb ang mga nakita nila. Wala na ang kanilang kaibigan at posibleng maging sila ay mawala rin.
"Kasalanan niya rin naman eh. Sisihin niyo si Cristy! Kasalanan niya! KASALANAN NIYA LAHAT TO!" Lahat ng makita nito'y pinagbabato niya. Para siyang baliw sa ginagawa niya.
Natigil lang ito nang maalala ang totoo niyang pakay bago pa tumakas ang mga ito.
"Oo nga pala, alam niyo bang palalayain ko sana kayo ng pansamantala? Kung di lang kayo nagtangkang umalis?" Sabi nito na tila ba walang nangyari kani-kanina lang.
"Ipapaliwanag ko lang sana sa inyo yung plano ko. But before that--" ipinasok niya sa kanang bulsa ng pants niya ang kanyang kamay at may nilabas na bote at pang-injection. Itinusok niya ang pang-injection sa bote at isa-isang tinurok sa mga ito.
"--Yan para magkaintindihan tayo! Di ba?! Di ba?!" Parang baliw nitong saad.
"Natatandaan niyo naman siya di ba? *turo sa litrato sa dingding* siya si Cristy, ang matalik kong kaibigan at guro niyo. Pagpaplanuhan natin kung pano natin siya madadakip--oops madadala dito. Para naman di na niya ko iwan." Then she turned sad that moment, lalo na nang maalala niya ang kaibigan.
Pero nanumbalik ang galit at poot niya ng maalala ang nangyari kung bakit siya naghihiganti.
"Tandaan niyo!! Kailangan maidala niyo siya dito ng ligtas! Kung hindi, alam niyo na ang mangyayari!" Nagsitanguan naman sila na parang isang robot.
"Very good children, now follow me!" Sigaw niya. Isa-isa silang sumunod sa kanya.
"Malapit na tayong magkasama, Cristy." Bulong niya.
- - -
Cristy's POV
Palinga-linga ako sa kaliwa't kanan. Sinisilip kung nandiyan pa ba sila. At nakikiramdam kung eto na nga ba yung tamang oras para magharap kami.
Naglakad ako papuntang canteen, para sana uminom ng tubig, nang lumapit sakin si Jessa at Russel.
"Mam, kalma ka lang ha? Nasa likod mo lang kami anu't ano pa man ang mangyari." Nakangiting sabi ni Jessa.
"Oo nga Mam, isipin mo lang na nandito kami. Tsaka para matigil na din siya." Napatango naman ako sa sinabi ni Russel.
Tama sila. I have to motivate my self na magagawa namin to ng ayus.
'Pero pano kung papatayin niya pala ako?'
Erase. Erase. Erase.
Be positive lang!
Naalala ko nanaman yung pinag usapan namin kanina.
Flashback.
"Para makasiguro tayo, subukin muna natin yung mga clue niya." Suggestion ni Ryro.
Inisa isa nila yung mga bagay na nakuha nila.
Yung formula na ginamit nila bago sila mag-experiment-- at bago rin sila himatayin.
YOU ARE READING
OPLAN: Kill that Sh*t (Cristy Invasion)COMPLETED!
Mystery / Thriller"It's one of POLLUX Thing that we wouldn't understand.. But we will find way to figure it out!" This is full of fiction of our class, well nasulat ko sya dala ng galit at kalokahan.. Mas more on sa kalokohan? Haha! Subaybayan nyo nalang 'to.. Kung g...