"Tara Jes! Lakad-lakad tayo." yaya sa'kin ni Jade. Kasalukuyan kasi kaming nakaupo malapit sa tent at sobrang nakakabored!
"Teka nga! Nasan pala si Christian? Nung isang araw ko pa di nakikita yun ah." limang araw na kami dito sa site at dalawang araw ko ng di nakikita ang mokong na 'yun. Kinakabahan pa naman ako kasi baka mamaya sumunod na siya kay Czarina. And i won't let that thing happen.
"Si Christian? Ayun oh." nabuhayan ako ng sabihin ito ni Jade. Nabawasan ang pag-aalala ko ng marinig ko yon.
"Saan?" mabilis kong tugon. Tinuro niya ito at napagitla ako ng makita ko iyon.
.
.
.
.
"ARAAAY GIIIRL!" sigaw niya ng pagsasabunutan ko siya.
"B-baket ba?" tanong niya. Tinigil ko na ang pagsabunot sa kanya at sumagot.
"Sira ka pala eh! Hindi si Christian Reyes ang hanap ko yung isang Christian!" bulyaw ko sa kanya.
"Aah. Ayon kase." nagturo siya ulit nang makita kung sino ito blangkong tingin ang sinagot ko sa kanya.
"Ano nanaman?" sigaw niya.
"Seriously? Si Christian Estores hanap ko HINDI SI RYRO!" sigaw ko pabalik. Nakakapikon na kase! Seryoso yung tao eh nang-aano.
"Tsaka kelan pa naging Christian si Ryro ha?!" dagdag ko pa.
"Excuse me?! Ryro Christian po pangalan niya." pangangatwiran niya.
"Ayy sorry huh? Kasalanan ko pa ata? Pasensya na ha! Di ko kasi bitbit yung birth certificate niya!" sarcastic kong sabi.
Haaay nako juicecolored! Bat dito pa ko natiyempo! Kaasar!
"Tss. Maliit na bagay." sagot niya pabalik.
"Aaarggghhh!" sa sobrang inis ko tumayo na ako at nagsimulang maglakad.
Di pa ko nakakalayo ng makatanggap ako ng text galing sa taong kanina ko pa hinahanap.
From: Christian
Jes! Wag niyo na 'ko hanapin ha? Umuwi na 'ko. Sinundo ako ng kamag-anak ko dito malapit sa site nagkaproblema kasi. Ingat kayo ha?
Tss umuwi na pala di man lang kami sinabay... Pero teka? May kamag-anak dito? Wala naman silang kamag-anak dito ah? Kung meron baket di nalang kami sa kanila humingi ng tulong? Teka! Sabi niya noon wala eh!
Flashback
Kasalukuyan kaming nakatayo malapit sa bus namin na dapat pagsasakyan namin pauwi. Pero dahil sa isang kagimbal-gimbal na pangyayari.. Ang naudlot naming pag-alis ay hindi natuloy dahil nasira ito. Kanya-kanya kaming isip ng paraan kung paano namin ito masosolusyunan.
"Baka naman may kamag-anak ka dito Russel?" tanong ni Erben kay Russel
"Wala eh. Ikaw Christian? Baka meron?" sagot ni Russel.
YOU ARE READING
OPLAN: Kill that Sh*t (Cristy Invasion)COMPLETED!
Mystère / Thriller"It's one of POLLUX Thing that we wouldn't understand.. But we will find way to figure it out!" This is full of fiction of our class, well nasulat ko sya dala ng galit at kalokahan.. Mas more on sa kalokohan? Haha! Subaybayan nyo nalang 'to.. Kung g...