- - -
"M-may sasabihin ako sayo. Kailangan niyo ng malaman 'to."
Kumunot ang noo ko. Anong alam niya? Pakiramdam ko siya na ang sagot sa mga katanungan namin.
"Sige mam pero wag dito." Sabi ko sabay punas sa luha ko.
- - -
Nagpunta sila sa SSG Office at doon hinintay ang iba pa nilang kasama. Their teacher felt tense that time. It is her first time to share this sensitive kind of her past.
Ilang beses muna siyang bumuntong hininga bago magsalita. Hinintay rin muna nila yung iba pa nilang kasama. Once na dumating na sila, nagsimula na rin siyang magsalita.
- - -
Cristy's POV
I'm actually on my way sa loob ng school ng makarinig akong may sumigaw. Nagmamadali kong inakyat ang hagdan paakyat kung saan nanggaling ang ingay na iyon. Nakita ko na lang yung isa kong istudyanteng gulat na gulat at parang nakakita ng multo. Pumasok ako sa loob at nakita doon ang isa ko pa ding istudyante. Luhaan ito at nakatingin sa iisa lang na direksyon. Sa gitna ng classroom, kung saan may nakatayong walis at pandakot. 'Di lamang ito basta walis at pandakot, nakadikit rin dito ang dalawa kong istudyante. Di ako nagkakamali sina Jill at Jona ito.
Di ko maiwasang mapaisip... At matakot. Di kaya kagagawan niya 'to? Pero imposible matagal na siyang patay? O baka di talaga siya namatay? Kailangan ko na bang sabihin 'to sa iba?
I'm aware that this is really going to happened, but parang di ako handa? Dapat di ba handa na ko? Sa sobrang tagal ng nakakaraan dapat handa na ko para sa bagay na 'to!
Hinawakan ko sa balikat si Jessa at tumingin sa kanya.
"M-may sasabihin ako sayo. Kailangan niyo ng malaman 'to."
Nagulat pa siya sa sinabi ko. Ngunit kalaunan ay tumango siya at sumagot.
"Sige mam, pero wag dito."
Tumalikod siya at naglakad, hudyat na kailangan kong sumunod sa kanya.
Pagkarating namin sa Office, tinawagan niya muna yung iba pa niyang mga kaibigan. Matapos nun ay lumapit siya sa'kin
"Pasensya na kayo ha? Pati kayo nadamay." Panimula ko. Napansin ko naman sa mukha niya ang gulat at pagkalito.
"P-pano niyo po nalaman yung tungkol dito?" Nakakunot-noo niyang sabi.
"Actually noon ko pa kayo napapansin, bago pa tayo mag-camping. Nung mga pana--" Naputol ang sana'y sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nun sina Jade, Russel at Ryro.
"Nandyan na pala kayo." Sabi ni Jessa.
"Nasan si Erben?" Pagpapatuoy niya pa.
"Wala mukhang may hada kagabi ang bakla." Sagot ni Jade.
Naglakad sila palapit samin at umupo sa bakanteng upuan sa tabi namin.
"So anong meron? Ba't nandito si Ma'am?" Tanong ni Russel.
Bago pa magsalita si Jessa ay inunahan ko na siya.
"Meron kayong dapat malaman. Noon ko pa 'to gustong sabihin sa inyo, kaso natakot ako. Tsaka, gusto ko ring siguruhing kung tama ba ang hinala ko." Pagku-kwento ko. Nakikinig naman sila sa sinasabi ko kaya alam kong maiintindihan nila ang sinasabi ko.
"Pero bakit?" Nagtatakang tanong ni Jessa.
"Dito nagsimula ang lahat...."
(Italic means Flashback)
YOU ARE READING
OPLAN: Kill that Sh*t (Cristy Invasion)COMPLETED!
Mystery / Thriller"It's one of POLLUX Thing that we wouldn't understand.. But we will find way to figure it out!" This is full of fiction of our class, well nasulat ko sya dala ng galit at kalokahan.. Mas more on sa kalokohan? Haha! Subaybayan nyo nalang 'to.. Kung g...