Missed Call

41 3 2
                                    

Sobrang nakakapagod ang araw na'to lumaban kasi kami ng sayaw para sa subject naming MAPEH.

Nagmuni-muni muna ako sa kwarto ko. It's been a month since Czarina died at hanggang ngayon wala padin kaming balita kung sino ang gumawa.

Sa totoo lang natatakot na din ako kasi baka mamaya isa sa'min ang sumunod.

'Tsk! Ano ka ba wag ka ngang mag-isip ng ganyan!'

Konsenya. Nakakaloka!

Haaays! Sana malaman na kung sino at bakit niya 'to ginagawa.

*Christian is calling*

Bumalik ako sa ulirat ng tumunog ang phone ko.

"Hello? Ba't ka napatawag?" sagot ko

"A-aah kase Jess alam ko ikaw lang ang makakatulong sa'kin eh"

"Bakit? Anong p-problema?"

Kinakabahan ako. Related din ba 'to sa formula?

"Uhm Jess, simula kasi nung alam mo na yung nahilo tayong lahat?" parang natatakot niyang sabi.

"A-anong meron?"

"P-parang.."

"Parang ano?"

"Parang.."

*Booogsh*

Nagulat ako ng biglang may bumagsak na kung ano sa labas.

Nanginginig akong bumaba para silipin kung ano yun.

Dahan-dahan..

"H-hello? Andyan ka pa ba?"

Nalimutan ko may kausap pala ako.

"Wait lang, parang may kung ano sa baba eh"

Kinuha ko yung walis tambo para incase na magnanakaw ko mahahataw ko ng tambo.

Pababa na ko ng pababa...

Ng pababa..

Ng pababa..

Ng..

"Aaaahh!"

"Araaay!"

Halos sabay naming sabi.

T-teka kilala ko 'to ahh.

"C-Christian? Anong ginagawa mo dito? Kanina lang kausap kita sa phone ahh." sunod sunod kong saad

"Hahahahah! Oo nga! Sosorpresahin ka kasi namin kasama ko sila Jade."

"Bakit anong meron?"

"Wala! Movie Marathon." sabi ni Jade

Nakapasok na pala. Balak ko pa naman magpahinga. Nakakainis naman.

"Eh ano naman paandar yung sinasabi mo about sa formula?"

"Wala! Napakaseryoso mo? Wag mo kasing seryosohin yung ganap nung sa formula na yun!" sagot ni Christian.

"Haaays! Ilang beses ko bang ipapaliwanag sa inyo--"

"NA THERE'S SOMETHING SA FORMULA NA YON" sabay na sabi nila Christian, Erben at Jade.
"Exactly! Kaya please wag niyong gawing biro"

- - -

Maaga ako nagising ngayon kasi may flag kami ngayon. Nakasakay ako ng tricycle ng buksan ko ang phone ko.

Hmm? 15 missed calls? And galing lahat kay Christian.

Anong meron dun?

- - -

Short UD. New character next ud. Patayin ko na ba agad siya or habaan ko pa buhay niya😂 Haha✌

-J.

OPLAN: Kill that Sh*t (Cristy Invasion)COMPLETED!Where stories live. Discover now