Chapter 4: Lilipat na Kami !!! ~

103 3 0
                                    

Aiden’s POV

Lumayas na nga pala kami ni mama sa bahay na inuupahan namin. Yung kina Ka Sonya.  Grabe sigawan nina mama kanina. Naalimpungatan tuloy ako sa pag tulog.

~~~

“Lagi na lang kayong walang bayad!!!! Mabuti pa lumayas na kayo dyan!!!!”.

-_- “Mama, si Ka Sonya nanaman ba yon??? -_-“

“Oo anak. Sandali lang ha”. Lumingon uli si mama sa may pinto.

 “Hoy Sonyang makapal ang nguso! Pasalamat ka nga at may nagtiyagang mangupahan diyan sa sira sira mong bahay! Lalayas na talaga kami dito ng anak ko!!! ANAK TARA NA!!!”

Sira sira na nga naman to. Inaanay na din. Kahoy kasi ito. Tska walang taas. Isang floor laang.

~~~

Tapos nun, nag impake na kami ni mama at Chloe.

“Mama, san naman tayo pupunta ngayon? -_-“

“Bahala na anak. Tawagan natin papa mo???*anticipating*”.

Naglalakad na kami paalis ng compound nina Ka Sonya. Haaaay. May magagawa pa ba ako??? Just go with the flow Aiden

“Mabuti kung sana sasagot yang lalaking yan”

“Hello? Mabuti naman sumagot ka Ramon. Ha? Ah…eh…”

“Akina nga yan mama!” Inagaw ko ke mama yung phone. Ayaw pang diretsahin si papa…este yung lalaking yun

“Oy lalaki. Lumayas na kami ni mama dun sa bahay na sinaggest mo sa amin. Sa susunod galingan mo ang pagpili ng uupahan ng pamilya mo ha”

Yun ang nasabi ko sa lalaking yun. I despise him to call him PAPA

“wow anak…-“

“Wag mo nga akong tawaging anak. “

“Okay, Aiden…meron akong kakilalang pare. Dun sa Incheon Street”

(a/n: Incheon-isang city sa South Korea. hehe)

“Oh, what do you expect me to do there?!?”

“Well, siya si Danny, mabait yun. I’ll call him para sabihin na kayo ang uupa dun sa bakante niyang unit. Magmall kayo para sa mga gamit niyo. Withdraw from my account dear-“

“Don’t ‘dear’ me”

“Aiden, alam naman ng mama mo ang account ko.”

“K.”

 tapos binababa ko na. Pssh. Kunwari concerned.

“Mama mag withdraw ka daw tapos mamili daw tayo sa mall para sa mga gamit natin sa lilipatan daw natin mamaya -_-“

“Bakit ba ang harsh mong magsalita sa papa mo”

“Oo nga kuya bakit ang harsh mo kay papa??!”-Chloe

“Kung hindi niya lang tayo iniwan…pssh. Tama na nga!”

“Hay nako anak. Buti nga pinapaalam pa niya account niya sa banko”

Naglalakad na nga pala kami papunta sa banko

“Yun na nga lang ang nagawa niya sa atin eh. Wag mo nga siyang kampihan mama!”

“Okay anak. Hindi na”

>>Fast Forward

Pagka withdraw namin sa banko nagdiretso na kami sa mall.Iniwan kasi ni mama yung mga gamit naming dun. Ang nadala ko lang ay gamit ko sa skul at siyempre mga damit ko. 

Mamimili kami ng sofa, tv, ref, 3 single beds,mga cabinet at divider at kung anu pa ang kaya ng budget namin.

Diba sabi ko naman sa inyo… may kaya kami, pinagbili lang nung lalaking yun ang bahay namin para umalis ng bansa. Kaya isa yun sa mga rason kung bakit kinamumuhian ko siya.

Nung nakapasok na kami ni mama sa mall, parang may nakita akong familiar face, tatlong girl? Parang taga school namin sila. WHAT THE??! Si Miss Manok yun ah? Si Brielle? Haha. Mukhang palabas na sila ng mall.

Nung napatingin siya sa akin kinindatan ko siya tapos nag roll eyes lang siya sa akin. Ang taray ng manok na yun ah. Pssh.

>>>Fast Forward

Kasunod ng sinasakyan naming taxi yung truck na naglalaman ng aming mga pinamili.

Inabot na nga kami ng closing nung mall. Eh! Grabe talaga si Chloe, my lil sister, ang tagal naglaro nung Tekken, I mean kami pala, haha. Kahit first grade pa lang si Chloe, magaling yun sa tekken. Salitan lang kaming manalo kaya ang tagal namin dun.

“Anak andito na tayo. Gisingin mo na si Chloe.”

Asa unahan si mama, katabi yung driver ng taxi. Tapos kami ni Chloe tulog dito sa likod.

“Psst! Chloe!”

“Oo kuya, narinig ko”

“Pssh.”

Lumabas na kami sa taxi. Ayus naman yung unit. Kaya nga lang masyadong kadikit yung kabilang bahay. Lalo na pagdating sa terrace, isang hanggang bewang lang na railing ang naghahati dito -_-.Ano naman ang naisipan nung Mang Danny??! Oh well. Sana na lang hindi annoying yung sobrang-kapit-bahay namin.

Pinasok ko muna ang bago naming titirahan. Umakyat na ako.

Parehas  kami ng kwarto ni Chloe. Malaki naman yung room namin. Dun sa isang pinto paglabas mo yun yung terrace. Tiningnan ko yung view mula sa terrace. Grabe, katabing-katabi talaga yung kabilang bahay. Kita ko mula sa baba si Chloe,  parang nakangiti siya dun sa kabilang terrace.

Nung tiningnan ko kung sino…. Look who’s here. Hehehe. Matitigan nga ‘to.

“AAAAAAHHHHHHH! A-a-anong ginagawa mo dito??!” Wow ha! Grabe naming maka sigaw ‘tong si Miss Manok! Wagas eh!

“Bakit masama ba?”

“Oo!”

“Psh. Hindi naman ikaw si Mang danny eh. So pwede kaming tumira dito.”

Hihi. We’re actually neighbors ^_^v Magiging Masaya ‘to.

Silence of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon