Chapter 7: Sabay Tayo~

87 3 1
                                    

Brielle’s POV

Pasalamat yung Aiden nay un at hindi ako sinapian ng masamang espiritu nang kausapin niya ako sa loob ng clinic. Well, may ginawa naman siyang mabuti sa akin kaya susuklian ko. Kung mabuti ka sa akin mabuti din ako. ^^

Pero sabi niya sabay daw kami mamayang pauwi? Asa! In his Face!Tama na ang isang beses na napalapit ako ng konti sa lalaki. Tama na.! manigas siya dun. Kasalanan na niya kung hindi siya makauwi. Nek nek niya. (oa)

Last class na, TLE amboring. Tinuturuan lang kami ng weaving. As if naman magagamit ko yan kapag umasenso na ako sa buhay. Pero sa tingal-tagal ng pagiging first year ko…bakit ngayon ko lang nakita yung Aiden??? Well, pogi siya. Pero hindi muna ngayon . wala muna akong crush. Stupid Kyle. Pero teka…iniisip ko si Aiden???! Yuck.  Ka-aura at ka-uri siya ni Kyle. No!

“ui Brielle, may try-outs nga pala mamayang hapon para sa varsity ng basketball, wanna try?”-Louise

“Oo nga Brielle, tska para hindi ka na makasama sa pupuntahan namin mamaya”-Ann

“Huh?! San naman???”

“Edi sa puso mo” – silang dalawa

Ang korny ng friends ko diba? Hehe. Kaya naman nahahawa ako ng kakornihan eh.

“Teka anung oras ng try out?”

“5:00pm”-Ann

“Ohh?! 4:30 na, siya sige, una na ako, magpapalit pa ako ng PE sa locker room…. Salamat”

“Bye Brielle”-Louise

“See yah!”-Ann

Nasabi ko naman siguro na mhirap kami? Kelangan kong makapasok sa varsity para libre allowance ko, scholar ako eh. Hindi naman ako masyadong magaling sa basketball pero yun lang ang nasalihan kong laro nung elementary…well…kasi varsity si Kyle kaya … aisssh! *erase the mokong* *erase the mokong*.

“Okay next, free-throw, Jessica Brielle Sanchez”-coach

Naka shoot naman ako ng 15 na sunod sunod, walang sablay, nung pa-16 na kasi naalala ko na ‘baka’ nag-aantay sa akin, si Aiden, pero di na siguro, kanina pang 4:00 ang dismissal naming, , 5:30 na ngayun eh.

Naglaro pa kami ng practice match…ambulok ng kalaban, ‘di naman, joke. Ang init nga ng laban eh, masyadong dikit. 30 mins lang yung practice match. 6:00pm na.

Nag-shower na ako at nagpalit ng uniform.

Pero ako ay binagabag ng aking konsiyensiya “Kawawa naman si Aiden, kaninang kanina pang nag-aantay sa ‘yo”

“Baka sipunin yun, lamig eh”

“Umuwi na siguro yun”

Shut up voices in my head!!! Imposible namang andito pa yun.

Naglalakad na ako palabas ng Central High,

“Bye Brielle, Nice game”

“Yeah, kayo din”

“Sana matanggap tayo neoh?”

“Oo nga eh”

“Una na ako Brielle ha, punta pa ako sa locker room”

“Sige”

Magisa na lang akong naglalakad papunta sa may gate nang may naaninag akong isang gwapong nilalang…naka sandal sa lightpost malapit sa may gate ng Central High, tapos nakapamulsa tapos mukhang cool …teka… si Aiden??? Andito pa din???... nyaahh. Just my imagination siguro? *kusot ng mata*

“AIDEN??!” napalingon naman ito sa akin . mukhang annoyed

“Tsk, pasalamat ka hindi ako mainipin, tska pasalamat ka hindi ako nilamig”

Silence of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon