Aiden’s POV
Sura talaga yang Ann na yan!
Tinext ko siya
To Ann: bumalik ka sa café namin, mmayang 3:00.
Reply: okay Aiden baby! Muah!
Yack! Pwede ba Ann!
Maganda nman si Ann, at cute pa, pero ayoko ng ugali niya!
Sabi ko nga, sa hitsura ako nagkakagusto at sa ugali naman ako naiinlove!
Pagtingin ko sa relo dito sa café namin, 12:00pm na.
“Hoy manok, tara mag lunch?”—ako
“Hoy utak manok, libre mo?”—Brielle
Hirap ba niyan!
“Dito nman tayo kakain sa café, natural libre”—ako
“Sir, order na kayo?”—Betong
“Sir, Shark’s fin po for lunch”—Mae
“Sige, un na lang. two servings”—ako
“Ano pong drinks?”—Mae
“coke na lang! dalawa! Tapos pakidalahan mo na rin ako ng isang basong tubig”—Brielle
Tss…
Umalis na si Betong at si Mae para gawin ung kakainin namin ng manok na ‘to
“Bakit ka naka ngisi dyan?!”—Brielle
Tss, napa ngiti ako mag isa kasi parang kalian lang di kami magkakilala ng manok na ito.
“WALA!”—Ako
“EH BAKIT KA NASIGAW?!”—Brielle
“Trip ko!”—ako
“Pssh. Utak manok”—Brielle
“TOMBOY!”—Ako
“ANO?!”—Brielle na akmang ibabato ung menu na nakalagay sa table nang may dumating sa café
“Aiden beiibeh!”—Ann
Naknang! 12:30 pa lang ang usapan namin 3:00!
Hirap ba niyan.
“Aga mo naman”—ako
“Excited eh!”—Ann
“May date kayo ngayon?!”—Brielle
Kung alam mo lang Brielle…
“OO! So, alis ka na? okay?!”—Ann na hinihila si Brielle palabas
“TEKA! Kakain pa kami, diba Aiden???”—Brielle
“Ahh…ehhh…”—ako na di makasagot ng ayos kasi binibigyan ako ni Ann na look na kapag di ko pinaalis si Brielle eh baka mapatigil siya this year. Konsyensiya ko pa, DIBA?!
“Oo, kakain pa kami, ni Ann. Next time na na lang Brielle”—ako
Sorry Brielle.
“WHAT?! Magsama kayo! >:p “—Brielle
Pagkaalis niya, umupo na si Ann sa harap ko.
“Bakit naman kailangan mo pa siyang idamay dito???”—ako
“Eh kasi alam kong mahalaga siya sa PRINCE.”—Ann
“Ano?! Ano ang ibig mong sabihin?”—ako
“Kapag kasama niyo siya, Masaya kayong lahat. Kaya naisipan kong siya ang pag tripan”—Ann
“Hindi magandang trip yan Ann”—ako
“Simple lang nman dba? Date me!”—Ann
“Hayy. Kapag ba pumayag ako sa gusto mo? Papayagan mo nang maka enroll si Brielle?”—ako
“Sureness!”—Ann
“Hay, sige na, pumapayag ako. Sa isang kundisyon”—ako
“REALLY?! ANO ???”—Ann
Pssh, tuwa naman ‘tong isang to!
“Bawal ang HHWW, bawal ang hug, bawal ang subuan, bawal ang PDA”—ako
“What?! That’s unfair!”—Ann
“Eh kasi! 14 pa lang tayo! Tska din man talaga kita gusto nu!”—ako
“Palibhasa si Brielle ang gusto mo, deal.”—Ann
“Wow sir! Nag transform yung ka-date niyo ha!”—Betong
“Sira! Amin na nga yan!”—ako
Kumain na lang kami dun ni Ann.
Kung hindi lang manok yang Brielle na iyan, nakuu! Hindi ako papayag sa gusto nitong Ann na ito!
“Hoy Ann, walang sisira ng deal ha”—ako
“Oo naman”—Ann
Tapos nag smile siya… tuloy kain.
Parang… first time ko lang siyang nakitang mag smile na ganito?
Normal person din pala ito… paminsan
“Oh? Bakit ka nakatitig?”—Ann
“Wala lang. Para kasing hindi ka si Ann na kilala ko. Baka naman clone ka?”—ako
“Sira! Syempre seryoso din naman akong tao. Kumain ka na nga lang. baka gusto mong subuan pa kita dyan?”—Ann
“Kakapangilabot ka Ann”—ako
“Ha? Bakit naman?”—Ann
“Eh kasi, ah…if you don’t mind, bakit ka kasi mataray?suplada?spoiled?maarte?”—ako
“Wow ha, salamat. Eh pinalaki kasi ako ni daddy na nakukuha lahat ng gusto. Mag isa lang akong anak kaya sa akin lang nila binaling atensyon nila. Kaya nasanay akong lahat ng atensyon, sa akin. Alam ko naman na paminsan, over the line na ako, di ko maiwasan eh. Lahat talaga ng gusto ko talaga, nasanay ako na nakukuha ko. Sorry kung ganon, gusto talaga kita Aiden.”—Ann
May narinig akong suminghot
“Betong? Umiiyak ka?”—ako
“Eh, sir, akala ko kasi sa teleserye lang nongyoyori yang mga ganyang kwento”—Betong
“Sira ka talaga! Sir, wag niyo na lang siyang pansinin! Anu ka ba Betong!”—Mae sabay hila kay Betong sa loob ng kusina
“Weird”—Ann
Mabait naman pala ito, mukhang magiging madali lang ang deal na ‘to kung pagpapatuloy nya ang “kakapangilabot” side nya.
Pagkatapos naming kumain, tinanong ko siya kung magpapahatid siya sa isang pogi na kagaya ko. Sabi niya hindi na raw, magpapasundo na lang daw siya sa kanyang driver.
Okay.
Umuwi na ako, mga 4:00 na ako umalis sa café kasi nagpalipas ako dun ng oras.
Ayos ah! Tamang tambay sa café namin.
Pagka-uwi ko sa apartment. Tumambay agad ako sa terrace.
Narinig ko ang usapan sa kabilang kwarto.
Panu ba nman hindi ko maririnig eh dalawang manok ang naguusap,
Si Brielle at mommy niya.
“MAAAMMMYYY!!!”—Brielle, mula sa kwarto niya
“BAKIT ANAK?! NAHULI MO NA YUNG DAGA?”—tita
Matalik na kaibigan siya ni mama kaya tita na lang tawag ko
“TINANGGAP NA ULI AKO SA VARSITY!!! KYAAA”—Brielle
“TALAGA?! AYOS YAN ANAK!!!”—tita
Grabe, may pinagmanahan tlaga si Brielle.
Napa sigh lang ako. Tapos napangiti, bakit ko nga ba ginagawa ito? Para kay Brielle?
Naku, ikaw manok ka, nang dahil sa’yo makikipagdate ako sa Ann na iyon!
BINABASA MO ANG
Silence of Love
Teen FictionSiya si Brielle. maangas. maton. siga. MEDYO feminine. pero nabigay naman pagdating kay Aiden? Anong mangyayari kay Brielle kapag napaligiran siyang flower boys na kung tawagin ay PRINCE ? may isa pa. isa pang group na V.I.P. Bumigay kaya pati ang p...