Chapter 24: His Side~

67 2 3
                                    

Kyle Cho’s POV

Mga ka trupa! Ako nga pala si Kyle Cho, half Korean! ^_^v! First time kong magka eksena sa kwentong wala namang kwenta ni author kaya pag tiyagaan niyo.

Meron akong first love…

Jessica Brielle Sanchez…

Nung grade 6 ko siya nakilala.

Alam kong wala pa akong muwang nun pero iba talaga ang feeling pag kasama ko siya.

Masayang masaya ako.

(sige ikaw na masaya)

Mas lalo na akong sumaya nung sinabi niyang gusto niya din ako.

Ase! Feeling ko cloud nine!

Kaso everything changed nung sinabi ni papa na aalis kami papuntang states!

Aba, iiwan ko si Brielle?!

Tsk.

Wala akong nagawa kungdi putulin ang konksyon namin.

I ditched her para madali niya akong makalimutan…

Sorry Brielle…

2 years lang naman ako sa korea.

Umalis agad ako dun kasi miss ko na siya.

Mapatawad niya kaya ako?

Ewan.

Ngayong second year, sa Central High ako pumasok.

Transferee, sabi nung trupa ko na si Lucas, gagawin daw niya akong leader ng VIP kasi nawala yung leader nila.

Anu ba yan. Hirap ng pogi.

Tinamad akong pumasok sa first and second subject kasi…tamad ako.

Sa algebra na lang ako papasok.

“Kyle Cho, you are late”

Weh? Kelangan buuin ang pangalan ko Sir?

“Sorry Sir”

Tapos umupo na lang ako dun sa katabi ng nagiisang babae sa last row, katapat nina Lucas.

“Pare, akala ko absent ka”—Lucas

“Akala mo lang yun bro”

Nagda-dakdak nanaman si sir dun.

“Hi miss, ako nga pala si Kyle ^_^v”

“Ahh…ehh…”

What the?! Parang pamilyar boses niya ah. Di ko makita ang mukha niya kasi hindi nman siya nakaharap sa akin kungdi sa pader.

“Brielle?”

Imposible. Ang ikli ng buhok niya, sa pagkakatanda ko ayaw niyang ipagupit yun.

“Ahh… ehh. Hi, long time no see”

What? Hindi siya galit? Yes! Joah!

“Hindi ka galit sa akin?”

“Ha? Ehh…”

Anu ba yan! Ang hirap kausapin. Nawala lang ako hindi na marunong magsalita ang mahal ko (ase)

“Brielle, we need to talk”

Wala na akong pake sa sasabihin ni sir.

Hinila ko siya palabas ng room at nagpunta kami dun sa lumang quadrangle.

Nakita ko nakatambay dito yung kaklase kong kamukha ni Kean Padua.

“Kyle, bakit mo naman ginawa un? Magagalit si Sir Algebra!”—Brielle

“Brielle, sorry”

“Balik na tayo dun”—Brielle

“Makinig ka muna sa akin. Umalis ako ng bansa kaya ko pinutol ang koneksyon nating dalawa kasi sabi ni papa na dun na daw ako magtapos ng pag aaral. Pero umuwi agad ako kasi na-miss kita Brielle. Pinilit ko si mama na bumalik na kami. Kahit dito na ako magtapos ng pag-aaral tapos saka na lang bumalik dun. Miss na talaga kita Brielle. Mianhae(sorry), eh?”

Nangingilid ang luha niya.

Sorry Brielle.

Wag ka na umiyak. Andito na ulit ang Kyle mo.

“Di mo ba alam kung ano ang epekto ng ginawa mong pagputol ng lahat?!”—Brielle na naiyak na tapos hinampas nya ako sa dibdib

“Di mo ba alam na kinamuhian ko lahat ng lalaki dahil sayo?!”

“Di mo ba alam na dapat na galit ako sa’yo ngayon pero di ko magawa kasi may malaking space para sayo dito sa puso ko! Nakakainis ka Kyle!!!”

Pinaghahampas niya lang ako.

Hinawakan ko parehas ang kamay niya.

Tapos pinulupot ko sa akin.

Ang peg, nakayakap kami sa isa’t isa.

“Sorry Brielle, sorry. Andito na ulit ako ha”

“Nakakainis ka Kyle Cho!”

“Sya tama na! gusto mong bumalik na sa room?”

Umalis siya sa pagkakayakap sa akin.

“Tara na. at baka magalit si Sir Algebra”

“Bati na tayo Brielle?”

Naglakad na kami pabalik ng room

“Wala akong sinasabi”

“Ano! Eh nakayakap ka nga sa akin kanina!”

“Ikaw may gawa nun”

“Brielle naman.”

“Ligawan mo muna ako!”

“Nag-sorry na nga ako at lahat, tapos ganyan ka pa?!”

“Ang sorry, nagpapawi ng galit, hindi nagtatama ng mali!”

“Brielle naman. Miss na nga kita, halikan kita jan eh! Tutal teens na tayo!”

“Magtigil ka nga jan Kyle”

Tapos narrating na namin ang room..

Magkatabi lang kami sa likod ni Brielle.

Siya walang pakielam sa pagsuyo ko sa kanya.

Liligawan? Un lang naman pala eh!

Tss. Easy!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Silence of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon