Aiden’s POV
“BRIEEELLLLE!!!!”
Takte! Nag-collapse ang manok!
Dinala ko agad ito sa clinic. Haha. Mukha syang hindi mataray kapag pikit ^_^v
Pinalagay siya sa akin ng nurse sa kama para matingnan. Nagtatanung siya sa akin ng kung anu-ano habang tinitingnan ang heartbeat.
“Anong nangyari sa kanya?”-nurse
“Nag collapse po -_-“
“Bakit nag collapse?”-nurse
“tumakbo po kasi kami ng 25 laps sa field kanina tapos nung lalapitan ko siya para ayain mag canteen eh nag collapse na”
Bakit ko nga ba siya aayain kanina??? Pssh. Tatarayan lang nman ako nito. -_-‘
“Anung pangalan niya???”
“Ahhmmm. Jessica Brielle Sanchez po -_-“
“Taga san???”
“Ate! Bakit ang daming tanong? “
“Kaw ha ang suplado mo porke pogi ka”
“-_- Bakit po ba siya nag collapse?”
“Over fatigue lang. maya maya gising na yan. Dyan ka muna. Pagpapaalam na kita , anung section mo?”
Asus ang daming tanung ng nurse na’to. May gusto lang ‘to sa akin eh!
“1-D po”
“Okay. Bantayan mo lang yan ha”
“K.” tapos umalis na yung nurse
Umupo lang ako sa tabi nung hospital bed tapos nagblank stare sa Brielle na ‘to… maganda din naman pala ito eh… pag tulog lang -_-… nac-curious tuloy ako…bakit ang taray-taray niya…bakit ang taray? At bakit mataray? Pwede naman niya akong kausapin ng matino. Siya lang ang unang babaeng nagtreat sa akin ng ganito. Sa lahat ng babaeng makakausap ko kinikilig sila lagi dahil gwapo ako. Naks. Pero hindi ako ang pinaka gwapo. XD . pero nayayamot pa din ako sa sarili ko dahil sa magaling kong ama daw ako nagmana ng kagwapuhan. Tsk. May bahid ng kasamaan ang aking looks. Hehe.
>>>30 mins. Na ang nakakalipas ah! Inip na ako dito! Tapos hindi pa bumabalik yung nurse. -_-
-_- *blank stare* slash *poker face*
Nakita ko si Brielle parang naa-alimpungatan na siya… close-open mata niya eh. XD parang bata.
“Anung ginagawa ko dito?”
“Nag collapse ka kasi”
“HA?! Talaga?” napaupo na siya sa kama
“Oo. Overfatigue daw”
“Ahh. Ikaw ba ang nagdala sa akin dito???Kanina pa ako dito???”
“Oo -_-“
“Ahhh….”
Nakatingin lang ako sa kanya *blank stare*
“Ahhh…ehhhh….uhhhhhh”
“Ano?”
“SALAMAT!” whoah! Bago ito sa pandinig ko! Ang manok nagpasalamat! Pero kahit sinigaw niya yun, ina-appreciate ko yun.
“Wala yun . may tatanung ako Brielle”
“Hmmm?” tumingin siya sa akin… wala man lang taray effect? I mean yung roll eyes tapos bigla niya akong sisigawan ng ‘ANO?!’
“Ahhh…bakit ang taray mo masyado? Don’t get me wrong pero pansin ko sa guys ka lang mataray eh.”
“Ahhh. Hehe” napatungo lang siya. Parang malungkot. binend niya yung dalawa niyang tuhod na noo’y naka-strech tapos pinataong yung baba niya dun.
“Dahil dinala mo ako dito magiging mabait ako sa’yo ngayon.”
“K.”
“Minsan lang ‘to kaya umayos ka”
“K.”
“Last year, nagkaroon ako ng first crush. He’s name is Kyle.
Nung umamin ako sa kanya, pinakitaan niya ako ng motibong gusto niya rin ako kaya naman lalo akong nagkagusto sa kanya… siguro matatawag na yung ‘love’. I was too blinded sa love ko sa kanya. Hindi ko na napapansin yung nasa paligid ko, hindi ko na napapansin mga kaibigan ko, nalilipasan ako ng gutom para lang maantay siya sa harap ng classroom nila para lang masabayan siya sa pagkain kahit habang nag aantay ako ay nagugutom na ako nun.I was so inlove that I acted insane.
Hindi ko kasi alam ang gagawin … first love ko kasi siya. Nagulat na lang ako isang araw nagtext siya sa akin na puputulin na daw niya ang lahat ng koneksyon sa amin . tanggap ko naman yun kaso sa text lang niya pinarating. I despise him. Lalu na si daddy, iniwan niya kami. Kaya naisip ko pare parehas ang mga lalaki kasi diba hindi naman pwedeng mag strike ang lightning the same place twice? “
Wow. Nung narinig ko yun parang ibang Brielle ‘to. Hindi siya yung mataray na kilala ko. She’s so fragile pala pagdating sa mga lalaki.
“Kami din iniwan ng magaling kong ama. Pinagbenta niya yung bahay namin para lang makapunta sa states. Galit ako sa ama ko”
“So that’s why nangungupahan kayo???”
“Yep.”
“Hindi ko nga pala naintroduce ang sarili ko nang maayos nung first meeting natin. Hi! I’m Jessica Brielle Sanchez, 13 yrs old at kagaya mo, iniwan ng daddy.”
Hahaha. This is fun. Mabait din naman pala tong manok na ‘to eh
“Hello! Ako naman si Aiden Lee Reyes, 14 years old at galit din ako sa aking ama”
Sabay lang kaming tumawa.
“Mabait ka din pala Brielle”
“Sinabi mo pa, teka anung oras na? gutom na ako”
“Ahhmmm…. 12:oo.”
“Aba matagal din pala ang kwentuhan natin eh. Ta mag lunch?” – wow niyaya niya akong mag lunch? Si Brielle ba talaga ito???
“Clone ka ba ni Brielle?”
“Huh? Hindi bakit?”
“Ang bait mo kasi”
“Haha. Tungaks ka. Ikaw ang unang lalaking kinausap ko ng matino after what Kyle did to me last year so dapat maging Masaya ka” –sabi ko nga diba ang taray na niya ulit.
Pero natuwa ako sa usapan naming kanina. Ngayon alam ko na kung bakit ganun siya sa akin.
Nang kumakain kami, hindi kami magkatapat parang nagde-date. Sobrang kabaligtaran.
Siya andun sa may kabilang table mag-isang nakain tapos ako nandito sa kabilang table, mag-isa ding nakain…ayaw niya daw kasing kasabay ako. Magkahiwalay kami ng table for short. Pero sabay naman kaming pumuntang classrooms. Baka kasi mag collapse nanaman, maputla pa siya eh.
Nang natapos kami sa pagkain, tumayo si Brielle. Hinabol ko siya, aba nangiiwan!
“Hey Brielle!!! …………Sorry miss”
Lumingon si Brielle at nahabol ko siya…whew…bigla daw bang umalis. Pssh. Walang utang na loob ito ah.
May nabangga kasi akong girl. Tsktsk.
Naglalakad na kami papuntang classrooms nang sinabi ko ito sa kanya. May naalala ako. Hindi ko pala alam ang daan pauwi. tsktsk
“Ahm Brielle, sabay tayo mamaya pauwi. Hindi ko alam daan pauwi -_-“
“Bahala ka. Manigas ka” – aba at kanina lang ang bait niya. Pag collapse-in ko kaya ito ulit.
“Mag aantay ako mamaya sa may front gate.”
“Mag-antay ka. Bahala ka. Wala kang dadatnan at walang dadating”
“Basta mag-aantay ako, sige bye”
Lumiko na ako papuntang room. Kung alam ko lang sana ang daan pauwi hindi ko sana siya pipilitin. Mabait naman pala siya eh. Pero really? Ako ang unang guy na nakausap niyang matino after that Kyle? That’s amazing.
BINABASA MO ANG
Silence of Love
Teen FictionSiya si Brielle. maangas. maton. siga. MEDYO feminine. pero nabigay naman pagdating kay Aiden? Anong mangyayari kay Brielle kapag napaligiran siyang flower boys na kung tawagin ay PRINCE ? may isa pa. isa pang group na V.I.P. Bumigay kaya pati ang p...