Chapter 8: It's Ann~

80 3 0
                                    

Louise’s POV

(picture of Ann and Louise on side)

Hello po! Ako nga pala si Louise. Kababata ko si Ann. May ari kami ng isang company ng kotse at gayun din sina Ann kaso mas malaki ang company nina Ann sa amin. Nung bata pa ako, pinakilala sa akin nina Daddy si Ann. Naging magkalaro kami ni Ann at naging mag bestfriends na din.

Nakakapagtaka naman na parang hindi na ako humiwalay kay Ann mula nang makilala ko siya.

Isang araw, nalaman ko na lang na bumabagsak na ang company namin at kailangan naming ang investments ng company nina Ann.

Lumapit ako kaw daddy at sinabi sa akin ni Daddy na kailangan daw mabait ako kay Ann kasi nga, anak siya ng nagsalba sa company namin. Kaya naman malaki ang utang na loob naming kina Ann.

Habang tumatagal, nagbabago ang ugali ni Ann. Minsan nga pinakikisamahan ko na lang ang ugali niya.

Habang lumalaki siya, nananapak na siya ng tao porke alam niyang mayaman siya. Lumipas ang maraming taon , nalaman namin na may Histrionic Personality siya:

Personality 1: Mabait

Personality2: Lahat ng masamang ugali

Personality3: Plastik

Oh diba? Parang Tricia Santos lang eh.

Ngayon, Year 1 na kaming dalawa at sa Central High namin naisipang pumasok. Oo, kasama ko siya pamula nung 1st Grade kasi wala nang siyang kaibigan kasi nga dahil sa ugali na na-develop sa kanya.

Nung 1st grade kami, ayaw niya na may mas-maganda sa kanya, ayaw niya na may mas-magandang laruan sa kanya, ayaw niya na nalalamangan siya.

Pagkatapos ng klase namin, nag-gala lang kami sa mall malapit sa Central High. Andami na nga namin napamili.

“Louise, I think we need an assistant para dalahin ang mga bags na’to”

“Ha? Eh hindi naman natin kasama mga yaya mo eh”

“Edi humanap tayo ng alalay”

“Ha?! Okay ka lang Ann?! Paano---“ Hindi na niya ako pinatapos at lumapit na lang siya sa isang school girl, mukhang sa Central High din siya napasok eh.

Sumunod na lang ako sa kanya

“Hi Miss! Ako nga pala si Ann and this is Louise.”

“Ahh. Hello ^^”

“What’s your name miss?”

“Ahh…Brielle”

Inabot nung Brielle ang kamay niya sa amin pero hindi siya kinamayan ni Ann . Ako na lang ang kumamay kay Brielle.

“Nice to meet you Brielle”

“Ah! Ang bigat naman ng pinamili namin ni Louise” Pssh. Halata naming nag aacting lang si Ann.

“Ah, ako na lang ang magbubuhat nung iba, ayus lang ba?”

What?! Sa bagay, ako lang naman ang nakakahalata kapag nag aacting si Ann

“Naku Brielle, wag na, may pupuntahan ka pa ata eh” Acting nanaman ni Ann

“Naku wala naman.” Kinuha na ni Brielle yung ibang bags sa mga kamay namin.

“San ba kayo pupunta ni Louise?” Brielle, I’m so sorry, wala akong magawa. Hanggang ngayon nakadepende pa din ang company namin kina Ann.

“Pauwi na eh, sama ka sa kotse huh. Thanks”—Ann

“Una ka na sa may parking Brielle, kakausapin ko lang si Ann”

Naglakad na si Brielle paalis sa amin

Silence of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon