Chapter 12: Lex~

84 3 2
                                    

Lex’s POV

Ginabi pa! Pssh. Gawa kasi ng mga lecheng assignment! Tinapos ko.

Nang malayo na ako sa school.

Nakita ko si Brielle, may hinahabol.

Sundan ko nga.

Wala lang, trip ko eh!

Nang masundan ko.

Nagpunta siya sa isang abandonadong lote.

Sira ulo ba ito?

Kita ko na lang ay palapit ng palapit sa kanya yung lalaking matanda

Mukhang manyakis pa!

Nang sobrang lapit na, wala nang nagawa si Brielle kundi pumikit

Sira ulo nga, ayaw lumaban

Aiisssh! Dinala ako ng mga paa ko sa harap ni Brielle at nasuntok ko pa yung matandang yun

“Lex?”—Brielle

“Anung ginagawa mo?!”—ako

“Bakit ka andito?!”—Brielle

“Kung wala ako dito? Edi kung anu nang nangyari sayo???! Tara na nga!”

Hinigit ko siya sa braso

“Wait lang, may kukunin lang ako kay Manong”

Lumapit siya dun sa manyakis tapos kinuha yung panyo

“Sa’yo yan?”—ako

“Oo, teka lang ha”—Brielle na papalapit na sa akin pero bumalik dun sa manyakis

Tapos sinipa niya kahit nakahiga na yung manyakis

“Eh wala ka naman palang binatbat dito eh!” – Brielle tapos tinuro niya ako.

Pssh. Sira ulo nga.

Naglalakad na kami paalis dun sa lote

“Ahhhmmm…ui, Lex, salamat huh. Importante kasi sa akin itong panyo eh”

“Pssh. Sa susunod kasi bumili ka na ng bagong panyo. Mura lang kaya”

“Eh may sentimental value kaya ito!”

“Ha?!”

“Bigay kasi ito ng crush ko!!!”

Ewan ko pero parang napa-simangot ako sa narinig ko

“Talaga? Sino?”

Pake niyo? Curious ako eh!

“Wag mong pagkakalat huh. Tska wag mong sasabihin”

“Pssh”

“Si Aiden”

Lalo namang sumama ang mood ko! Pssh.

“Ta, kain na tayo ng hapunan dun sa karinderiya dun oh”—Brielle

Pssh.

“Tara, libre mo?”—ako

“O sige ba! Kakakuha ko lang kasi nung allowance ko galling sa basketball team”

Tapos nun. Pumasok na kami sa karinderya at naupo.

Hindi ako sanay kumain dito kasi maingay tska mayaman kaya kami! Joke!

“Manang! Dalawa nga pong adobo na may kanin tska dalawa na din pong coke”—Brielle

“Hindi mo man lang tinanong kung gusto ko nun?”

“Ah hindi mo bang gusto ang adobo? Sorry MANAN—“

“Hindi, paborito ko nga yun”—ako

“Talaga?! Ako din !”

“Pssh”

*kain* *kain*

Ang tahimik! Sobra!

Maingay naman sa loob ng karinderiya pero sa aming dalawa ni Brielle…walang naimik

*kain* *kain*

Biglang tumunog yung cellphone ni Brielle

“munjawassyong! Munjjawassyong!”

Teka..parang

“Secret Garden?”

“Oo! Nanunuod ka nun? Eh lalaki ka ah?”

“Masama?! Gawa kasi ni mama, fave. Un!”

“Ahh. Hehe. Nga pala, hinahanap na ako ni mommy. Salamat talaga kanina. Wala na akong utang sa’yo ha! Na-ilibre na kita!”

Tapos ngumiti siya sa akin…

Naniniwala ba kayo……

“Pssh. Sa susunod kasi lumaban ka na”

…..sa love at first sight?

Pssh.

Kukwentuhan ko nga muna kayo tungkol sa buhay ko.

Ako si gLEnn Xavier de Vera, Lex for short. Yung LE sa ‘glenn’ at X sa ‘xavier’ kaya Lex.

14 years old ako ngayon na nasa 1st year highskul sa Central High.

Mayaman kami. Walang aangal.

May business kami sa ibang bansa. Kaya lang nung pinapatakbo ni papa ang business namin sa California, nagkasakit siya kaya namatay siya. Dahil doon, umuwi kami ni mama sa Pilipinas. Meron din naman kaming branch dito.

Di nagtagal, may nakilala si mama. Nagkagustuhan sila ng konting panahon kaya lang bumalik ulit kami sa California. Kaya lang nagulat ako nang biglang sumunod yung syota ni mama sa amin sa California.

Naging step father ko siya. Kaya lang, namatay din si Mama dahil sa sakit kagaya nung kay Athena Tizon? Yung sikat? Sa puso ata yun.

Naulila ako sa mga magulang ko kaya nman siguro ganito ang ugali ko. Parang galit na ako sa mundo.

Buti na lang nandyan ang step father ko…. Mabait siya. Kaya lang, sa pagkakaalam ko may pamilya din siya sa pilipinas. Edi may step mom at step bro na ako. Cool. Pero miss ko pa din si papa at mama.

Galit talaga ako sa mundo maliban sa stepdad ko dahil siya na ang nag-aruga sa akin.

Hindi rin ako umibig kasi sabi ko….. ang iibigin kong babae ay ang babae na magtatanung kung paano naging “LEX” ang Glenn Xavier….at si Brielle ang unang nagtanung nun sa akin.

Pinauwi ako ni stepdad sa pinas para dun mag 1st year. Susunod na lang daw siya.

Ayy. Ang pangalan nga pala ng stepdad ko ay….

Ramon Reyes.

Silence of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon