chapter 10- break up scene

119 13 6
                                    

Kieffer**pov

Narinig kong nagmura na si najia… hindi ko pa din siya binibitawan at patuloy kami sa paglalakad. Hanggang sa makarating kami sa isang park na wala ganung tao.

“Bitawan mo na sabi ako!” pinilit niyang kumawala kaya binitawan ko na siya. humarap naman ako ngunit pagkaharap ko ay agad naman niya akong sinampal.

“G*** ka kieffer!” napahawak ako sa pisngi ko kong san naglanding ang kamay ni najia.

“Huh!” my inis at galit sa bosses ko. “Ako pa ngayon ang g***…” pinilit kong ngumiti ngunit hindi ko magawa. Tahimik lang si najia. “Anu yung sinabi mong Boyfriend mo siya… huh! My kasabay pala ako hindi mo sinabi… anung gusto mong gawin ko matuwa.. o paghandaan ko pa kayo.” Tinignan ko siya nang masama.

Inapakan na niya pagkalalaki ko wala pa akong gagawin…

“Nakakatawa ka pala ee! Wala na tayo… hindi na kita dapat sabihan pa nun!”nakapamewang na siya at nakasalubong ang mga kilay.

Hindi ko alam ang susunod na sasabihin… kailan pa kami nag break? Tanong ko sa isip ko.

“Hindi na kita mahal wala na akong paki sayo! kaya wag mo na akong papakiilaman… alam mo sa totoo lang nagsawa na ako sa iyo ee! Pagod na akong makipaglaro… kaya pwede ba tigilan mo na ako. magsama na lang kayo nang yvon na yun. Tutal naman mahal mo siya diba..” tumawa siya nang pagak. “Wala na akong paki sa inyong dalawa.. magsama kayo..” sabay walkout.

Habang ako parang nakalutang sa mga pinagsasabi niya.

Najia**pov

iniwang kong nakatulala dun si kieffer! Masakit man ang mga sinabi ko wala na akong paki sa kanya… kahit mahal ko pa siya alam kong hindi ko na makukuha ang buong pagmamahal niya. at ayaw kong magmukhang tanga sa kanya na nagmamahal ako habang siya my nararamdaman sa iiba.

Mas mabuti nang unahan ko siya.

Pero ngayon umiiyak ako habang palayo sa kanya. Kanina pigil na pigil akong umiyak sa harap niya. ayaw kong maawa siya. hindi ako sanay sa ganun at hindi ako sanay na iniiwanan kaya kailangan ako lang ang mangiiwan.

Hindi pa din ako matatahimik hanggang hindi kita magantihan Yvon… humanda ka…

*****

Yvon**pov

Naglalakad ako ngayon pauwi sa bahay. Aish kapagod naman kasi inutusan pa ako nang teacher naming na icheck yung papers… tuloy naiwan ako sa school. Buti na lang hindi pa ganun madilim.

“Hindi na kita mahal wala na akong paki sayo!”  napahinto ako sa malapit sa my park kasi dito ang daan ko pauwi. “kaya wag mo na akong papakiilaman… alam mo sa totoo lang nagsawa na ako sa iyo ee! Pagod na akong makipaglaro… kaya pwede ba tigilan mo na ako. magsama na lang kayo nang yvon na yun. Tutal naman mahal mo siya diba..” tumawa siya nang pagak. “Wala na akong paki sa inyong dalawa.. magsama kayo..”

Nang sinilip ko kung sinu ang magsyota na nagaaway nagulat ako nang Makita ko si najia at kieffer.

Natutop ko ang bibig ko.. masakit ang sinabi ni najia… pero wait lang bakit nasama ang pangalan ko…

>>>>loading…………

….magsama na lang kayo nang yvon na yun. Tutal naman mahal mo siya diba..

My Damage HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon