chapter 3-my crazy heart beat <3

206 15 7
                                    

(^u^)// a/N

ung nasa picture ay si kieffer..>>>>>>>>>>>>>

Yvon**pov

Nakalabas na kame nang gym. Hanggang sa labas naririnig ku pa din ang ingay na nilikha ko. si menchi naman ay hatak-hatak ko pa din.

Binagalan ko na ang paglalakad. “Menchi ok ka lang!” my pagaalala sa tinig ko kasi hindi siya naimik. Baka masyadong dinibdib yung sinabi nang babaitang yun.

“WOW!” bumaling ako sa kanya at nakita ko na gulat-nagulat ito at parang amaze na amaze. Tapos ngumiti sakin na lagpas langit at hinuli ang dalawa kong kamay at hinawakan yun. “Wow… Yvon napakatapang mo, biruin mo napahiya mo si najia…” napangiwi ako at napamaang. “Si najia samonte, ang perfect sa paningin nang lahat. Bilib na talaga ako sayo.” tapos niyapos niya ako na tuwang-tuwa tumatalon pa siya kaya napipilitan akong tumalon din.

Tapos nilayo uli niya ako at tinignan. Tumawa naman ako nang alanganin. “He-he-he… mukhang ok ka na nga!” sabi ko sa kanya. Nang nakita naman niya ang pagkailang ko umayos siya at inayos ang sunglass niya.

“Pasensia ka na. masyado lang talaga akong natuwa sa ginawa mo.” Nakayuko siya na parang kawawang bata na pinagalitan.

Hinawakan ko naman siya sa ulo. “Ok lang… syempre friend kita ayaw kung Makita ka na ginaganun!”

Napatingin sya’ sakin na parang maluha-luha pa na Masaya na di mawari. “T-talaga fr-friend mo ko!” nanginginig at parang nauutal pa siya.

Ngumiti naman ako at ginulo nang konti ang buhok niya. “Oo naman… ayaw mo ba, wala pa naman akong ibang friend dito at sa totoo lang ayaw ko nung mga ganun na kaibigan kagaya ni najia… at sa tingin ko kailangan mo nang friend.” Tuluyan na siyang umiyak. Nataranta ako napalinga-linga ako baka may tao buti na lang at malapit kames a pool walang nagsswimming.

“Oi bakit ka naiyak diyan!? Mamaya may makakita sayo at sabihin pinapaiyak kita!” kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko at pinahid ko sa kanyang mga pisngi. Feeling ko tuloy nakakatandang kapatid ako na pinapatahan ko ang bunso kung kapatid na pinaiyak nang kaibigan niya. Siguro masarap magkaroon nang kapatid. Nasabi nang kabila kong isip.

“Salamat ang bait mo sakin kasi ee..” iginayat ko siya sa malapit na bench para maupo kameng dalawa.

“Matagal mo na bang kakilala yun sina najia!?” tanong ko sa kanya. Inayos niya ulit ang eye glass niya dahil natuluan nang luha nang  yumuko siya.

“Oo, since elementary… lagi ko silang nagiging kaklase. Nung first year ako kala ko magiging Masaya ang high school ko kasi hindi ko siya naging classmate kaso kahit ganun parin tuwing dumadaan ako sa kanila o nakakasalubong ko siya ginagawa niya yun. Minsan pinupuntahan pa ako nang group niya para lang asarin bored na daw sila ee…” may paiit sa bawat salita niya. grabe naman mag-bully nang mga yun. Naisaloob ko.

“Lahat sila inaaway ka kahit yung mga lalaki na kasama nung mga babae?!” hindi ko mapigilan magtanong. Bakit hindi mo na kasi diretsyohin gusto mong malaman kung pati yung kayapos nung babaeng impakta!. Shut up sabi ko na lang sa iniisip ko.

“Hindi naman sila lahat although tumatawa din sila. Mabait sakin si kieffer at Eroel.”

“Sino dun!?” tanong ko sa kanya.

My Damage HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon