Prologue***

67 0 0
                                    

Tinakbo namin sya sa Ospital

Nakahintay lang kami sa labas habang sya nasa loob ng emergency room. Ilang oras na ang nakalipas at sa wakas lumabas na yung doctor

"Doc, kamusta si Nico?" tanong ko

"Bumalik ang leukemia nya" Ha?

Parang bigla na lang akong nanghina at napaupo

Bumalik? Ibig sabihin nagkaroon na sya dati?

"Doc, pwede na po ba namin syang makita?" tanong ni Tita

Tumango yung doctor

Tinulungan nila akong tumayo

Pagkapasok namin ang kwarto nya, ang daming nakakabit sa kanyang mga kung ano anong pang ospital

Tiningnan ko lang sya ng matagal. Gusto ko sana syang batukan o kaya sapakin. May Leukemia sya?! Di nya man lang sinabi sa 'kin. Umupo na lang ako sa tabi nya. Maya ko na nga 'to suntukin. Lagot ka sa 'kin pagkagising mo

Di ko namalayan na naka tulog na pala ako, may naramdaman akong bumatok sa ulo ko. Bwisit talaga to, alam ng natutulog ako eh

"Bastos lang" sabi ko habang nakatingin sa mata nya

Ngumiti sya, yung ngiti na naging dahilan nang pagkahulog ko sa kanya

"Hi bhes"

"Bhes mo 'to" sabat ko sa kanya

"Ba't di mo sinabi sa 'kin na nagka-leukemia ka na pala?" umiwas sya ng tingin

"Bumalik pala, akala ko hindi na eh" ang sad nya tuloy pero mas sad ako

"Nakaya mo naman malagpasan dati di ba? So ibig sabihin kaya mo din malagpasan 'to" 

Tumingin sya sa 'kin pero ang sad nya pa rin

"Melanie...." oh no something is wrong, I can feel it

"Baka hindi ko 'to malagpasan----" sinuntok ko sya sa braso nya

"Wag kang magsasalita ng ganyan"

Ngumiti lang sya sa 'kin habang nakahawak sa braso nya na nasapak ko 

"Kahit kelan talaga ang sakit mo pa rin manuntok---- sabi ko kasi baka, okay? kalma lang.... May ipapagawa ako sa'yo" parang kinabahan tuloy ako

Tinuro nya yung bag nya na hawak ni Tito---kanina--- na tulog kaya nalaglag tuloy sa sahig yung bag

Kinuha ko yung bag at binigay sa kanya. May kinuha syang parang notebook pero medyo maliit ng konti kaya mukha tuloy syang diary. Inabot nya sa'kin at kinuha ko naman

"Bucket list yan, gusto ko makumpleto mo yan" Ha?!! Ano?!?

Binuksan ko yung notebook. Letse!! ang dami naman

"Hoy!!! Ba't andami neto?!?" napasigaw ako pero hindi pa rin ako nakatingin sa kanya

"Hmmm...." Ay shete muntik ko na tuloy magising sina Tito at Tita

"Sige na pagbigyan mo na ako.... bhes please...." tumingin ako sa kanya tas nag puppy eyes pa ang mokong. Maswerte ka ang cute mo tsaka hindi kita matangihan kasi gusto kita

"Oo na" bumalik ulit ako sa pagbabasa ng mga bucket list..... "Lilipat ako!!!!" boom! nagising tuloy yung dalawa

"Gising ka na pala anak" sabi ni Tita

"Okay lang Ma, matulog na lang po ulit kayo ni Papa" Natulog ulit yung dalawa. Grabe, nagrush kasi sila dito nung nalaman nilang bigla na lang nahimatay si Nico

"Gusto ko kasing maranasan mo din yung magkaroon naman ng mga bagong experience sa school, especially bagong friends" tinaasan ko sya ng kilay

"Spit it out"

"Hehe... ano kasi... isa kasi dyan sa bucket list mo maging kaibigan si MONICA SANTOS" parang kumirot na naman  yung puso ko kapag naririnig ko pangalan nya. Si MONICA kasi yung gusto ni Nico for 3 years na nga daw eh. Ako naman 2 years ko pa lang sya gusto.... Haist nakakainggit naman si Monica

"Magiging schoolmate ko sya, makikipagkaibigan ako sa kanya at ipapakilala kita para mapansin ka naman nya. Yun ba ang gusto mong sabihin?"

"Nakakahiya eh... pero... oo" parang may sumaksak sakin. Shete naman ang sakit

"Kung mapakilala ko sya sa'yo. Magiging masaya ka ba?" letse naman ba't ko pa tinanong

Tumango sya "Then I'll do it"

"Talaga?

"Syempre....

"Mahal kita eh" I mumble

"Ano yun?"

"Wala, sabi ko malakas ka kasi sa 'kin"

"Ah... salamat bhes"

"Hay ewan ko sa'yo. Matulog ka na nga"

Hinalikan ko yung noo nya. 

Kinuha ko yung gamit ko at lumabas na ng room nya

Kinuha ko yung gamit ko at lumabas na ng room nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

♡♡♡♡♡♡ 

Finally na settle in ko na rin ang pag-publish. Hello po again, my lovely readers. I hope you'll like this book

Don't forget to vote 

A Bad Boy's Love Story (Re-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon