Melanie's POV
I decided na pumasok na. Baka kasi hindi na ako makasabay sa mga lecture na ituturo eh. Kaso inagahan ko na lang para bukas kaya pumasok ako sa loob ng gym nang nagpa-practice na sila. Malapit na rin nga pala ang laban nila
Nakahood ako habang naka-mask na pumasok sa loob ng gym
Syempre lahat nagtaka kung sino ako. At nawei-weirduhan kung bakit ako naka mask. Well, trip ko, bakit ba?
Hindi na lang nila ako ulit pinansin nang magsimula na ang practice nila
Maya-maya pa ay dumating si Monica at umupo sa kabilang bench. Pati siguro sya
Habang nagpa-pratice sila, napapansin ko na panay tingin sa'kin si Ryker siguro nagtataka din sya kung sino ako
Hehe. Lakas talaga ng tama ko ngayong araw
Ryker's POV
One minute we we're stretching to get ready for the practice the next may tao na kaagad na pumasok ng nakamaskara. I can tell, babae sya. Yung hinaharap nya kasi pambabae eh. Somehow pamilyar sya, I just don't know how, pero pamilyar sya
Habang nagpa-practice kami, panay lingon ako sa kanya, hindi ko alam basta napapalingon na lang ako
Pagkatapos nang practice ay lumapit sa'min si Monica---more like kay Ace
Lumapit din sya. Lahat ng attention namin nasa kanya
"Who are you dude? You're starting to creep us out" hirit ni Ace
"Di nyo 'ko namiss?" halatang nilalim nya ang boses nya
They all looked puzzled but for some reason, nakikilala ko ang boses nya. That made me smile and I just hugged her
"Kala ko 'di kana papasok" sabi ko
"Ryker.... ambaho mo uy!" This is what I miss most about her
Kumawala ako sa yakap namin at kunwaring napikon
"Ang reklamadora mo! At least nga namiss kita eh"
"Melanie?" tanong ni Monica
Tinanggal na ni Melanie ang mask nya
Unang yumakap sa kanya si Monica. Yayakap na sana ang tatlo nang pigilan sila ni Melanie
"Ops, ops, ops. Magsiligo muna kayo, tagaktak na ang mga pawis nyo oh"
"Thanks for reminding us. Kailangan ko na palang maligo at umalis" sabay alis ni Phoenix
"What's with him?" tanong ni Melanie
"Pupuntahan nya pa kasi ang "sweetheart" nya" with air quotation pa ang "sweetheart" ko
"Bakit kailangan may air quotation pa?"
"Paulit-ulit nyang kinukwento yun. Nakaka-diabetes nga eh"
"Psh. Ang bitter mo naman Ryker"
"Kaya nga Kuya" hirit ni Monica
"Porket di ka pa nakaka-iscore kay you know who, ganyan ka na" Tiningnan ko talaga sya ng masama
"Sinong you know who?" tanong ni Melanie
"Wala. None of your business" sabi ko
"Luh! Uy guys.... update nyo naman ako"
"Kasalanan mo yan paabsent-absent ka pa kasi"
"Ano ba yan. Tsk. Bilisan nyo na nga lang magbihis" papunta pa lang kami sa shower room, palabas na si Phoenix
Niyakap nya muna at ginoodbyan si Melanie bago umalis
BINABASA MO ANG
A Bad Boy's Love Story (Re-edited)
Teen FictionA compilation love story of four bad boys. Nang makilala ng apat na bad boy, Ryker, Ace, Phoenix at Joaquin, si Melanie ay lalong naging masaya ang high school life nila. Halos hindi matigil ang bangayan nina Melanie at Ryker. Syempre hindi naman m...