Chapter 12- Talent Contest ***

13 0 0
                                    

Melanie's POV

Okay bukas na ang contest, kaya ngayon na ako nag make-over, nagpa-eye surgery na ako two days after nung extreme weekend trip namin

Nagparebond ako at nagpagupit na rin. Ngayon ko na pinatanggal ang braces ko, it was a torture, for three years yun at konti lang ang nakakain ko dahil baka ma-istuck sya, mahirap pa naman yun tanggalin. Bumili na rin ako ng mga bagong clothes para bumagay naman sa transformation ko

Hapon na ng matapos ako. Hindi na ako nakapag breakfast o lunch

Pumunta ako sa KFC at nag-order

Naghintay ako dun ng ilang minutes at dumating na ang order ko

Kumain na ako ng walang kaarte arte

Habang nginunguya ko yung pagkain ko, nakita ko si Ryker na papasok sa KFC

Hindi nya ako pwedeng makita ngayon, ang boring tuloy kung hindi sya masha-shock bukas sa transformation ko

Binilisan ko na yung pagkain at lumabas. Pagkalingon ko, wala na sya sa loob, hay salamat

Pumasok na ako sa isang elevator, mabuti na lang at walang tao, syempre maluwag

Sisirado na sana kung hindi may pumigil. Guess who? Yup.... si Ryker

Lumingon na lang ako sa kanan ko para takpan na lang ng buhok ko yung mukha ko

Haist bakit ba kasi nandito sya?

Bumukas yung elevator at nagsipasok na ang mga tao. Ako naman lumabas at naghanap ng ibang elevator

Yung elevator na nahanap ko ay malapit ng mapuno pero mas okay na dito kesa mahuli

Pagkadating ko sa parking lot, hinanap ko si Pablo

Habang hinahanap ko sya may nakabanggaan ako

"Ay sorry, ms?" Oh no sana wag nya akong mamukhaan

Pinulot ko na yung mga nalaglag na shopping bags ko

"I'm fine sir. Thank you" wag ka, may accent pa yun

"May kamukha ka"

"I'm sorry what was that?" Sabi ko without looking at him

"Uhm... nothing" yes inakala nya akong amerikana

Umalis na sya at nakahinga na ako ng malalim

Hinanap ko na ulit si Pablo. Finally nakita ko na sya na nakasandal sa kotse

"Hi Pablo"

"Ms. Melanie?"

"Sino pa ba?"

"Wow. Hindi ko po kayo nakilala"

"Thank you. Kumain ka na ba?"

Sakto tumunog yung tyan nya

"Ah... don't worry magpapaluto ako kay manang"

"Wag na po"

"Hindi. Naghintay ka dito ng matagal, that's the least I could do"

"S-salamat po"

Kinuha nya yung mga pinamili ko at nilagay sa loob ng sasakyan. Pumasok na ako sa loob ng passenger's seat at umalis na kami

Pagpunta namin sa bahay, pumunta ako ng kusina at sinabi kay manang na magluto

"Ms. Melanie? Kayo po ba yan?"

"Believe it or not manang, ako talaga si Melanie"

"Ang ganda nyo po"

A Bad Boy's Love Story (Re-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon