Phoenix's POV
Nandito kami ngayon sa bahay ko, nag-iinuman. Nakakailang bote na nga kami ng Jack Daniel's eh
"Alam mo pre. Nakakahalata na ako sa 'yo eh" sabi ni Ryker kay Ace, medyo lasing na nga sya eh
"May gusto ka ba sa kaptid ko?"
"Ha?"
"Lagi ko na lang napapansin na ang sweet mo ata sa kanya. Teka.... pinopormahan mo ba si Monica"
"Hindi, parehong hindi. Kasi mahal ko sya"
Natawa ng mapait si Ryker pero nanahimik lang kami ni Joaquin, unexpected naman kasi yung sinabi nya
"Nagpapatawa ka ba?" Hindi sumagot si Ace
Bigla nya na lang kinwelyo si Ace
"Mahal ko si Monica at alam kong mahal nya rin ako" sinuntok ni Ryker si Ace kaya napatumba ito
Hinawakan namin ni Joaquin si Ryker sa magkabilang braso para hindi na nya sugudin si Ace
"Hoy! T*ngina ka! Anong mahal? G*g* di uso sa 'yo ang salitang yun. Tandaan mo Ace, hindi si Monica katulad ng mga babae mo, kaya t*ngina ka, lumayo ka sa kanya o kalimutan mo nang magkaibigan tayo" binitiwan na namin si Ryker
Lumabas na sya ng bahay at nag-drive papunta sa bahay nila
Nilapitan namin si Ace
"Dude, are you okay?" Tanong ni Joaquin
Tumungo lang si Ace "What have I done?"
Melanie's POV
"Pst. Ace!!!" tawag ko sa kanya
Lumingon sya at ngumiti
Lumapit ako sa kanya at nakita ko yung sugat sa labi nya
"Anong nangyari dyan? Mafia Dragons?"
Lumungkot yung mukha nya "Alam na nya"
"Ha? Sino? Alam ang alin?"
"Si Ryker. yung tungkol sa 'min ni Monica"
"Ha?!?!"
"Arghhhh, Ace you're such an idiot!!!" sigaw nito sa sarili nya sabay suntok sa pader
"Hey, calm down" grabe talaga ang effect niya
"Stupid, stupid, stupid" marami na ring mga student ang nakatingin sa 'min pero ayaw nya pa ring tumigil
"Ace?" napalingon kami sa nagsalita
"Monica?" nagtitigan lang sila pero unang umiwas si Monica
"Monica!" sigaw ng isang pamilyar na boses at lumapit sa 'min
Tiningnan ni Ryker si Ace ng masama. For the first time, ngayon lang ako natakot sa kanya, ang worst pa dun, hindi naman ako ang rason ng ganyang aura nya
Hinila nya si Monica palayo, nakita ko ang kalungkutan sa mga mata ni Monica pati na rin sa mata ni Ace
"Bessy, kaya pa ba?"
Ngumiti lang ito ng pilit at parang iiyak na "Ayos lang ako. Mauna ka na. Pupunta pa ako sa clinic" tumungo na lang ako at pumunta na sa loob ng room
Pumasok ako sa loob ng room. Nakakatakot pa rin si Ryker, ni hindi nga sya kinakausap ni Phoenix at Joaquin
Walang nagsalita sa 'min. Buti na lang at lunch na kaya pumunta na kami sa cafeteria. Wala pa rin si Ace
Kaming tatlo lang ang nandito, kumakain. Si Ryker kasi, umalis, nawalan na nga ng ganang makipag-usap, pati ba naman kumain. Naiinis na talaga ako dun. Makausap nga
BINABASA MO ANG
A Bad Boy's Love Story (Re-edited)
Teen FictionA compilation love story of four bad boys. Nang makilala ng apat na bad boy, Ryker, Ace, Phoenix at Joaquin, si Melanie ay lalong naging masaya ang high school life nila. Halos hindi matigil ang bangayan nina Melanie at Ryker. Syempre hindi naman m...