Chapter 1- New School ***

36 0 0
                                    

Melanie's POV

Heto na. Heto na talaga. Ang bago kong school.

Sana wag naman ako ma high blood today. Ang aga aga ko kayang pumasok. May kalahating oras pa ako bago magsimula ang klase kaya dumiretso muna ako sa Principal's Office para kunin yung ID ko

"Sir. Meron po bang Student Councilors dito?" Tanong ko. Ayoko kasing maloko na naman ako ng kung sinong loko loko dito

"Wala naman pero may mga rules pa rin"

"Ah... okay po"

Bago ako nakalabas may sinabi yung Principal

"Good luck"

Good luck? Anong ibig nyang sabihin dun? Bakit may mga patibong ba dito sa school na 'to at may pa good luck good luck pa syang nalalaman?

Kinuha ko muna yung Bucket List para ma tsekan ko na yung paglipat ko dito

Binasa ko na lang muna yung mga nakasulat dito

Putspa!!! Andami neto!!!! Pinapahirapan ba ako ng mokong nayun.... hehe... pogi naman

Habang naglalakad ako, may nakabanggaan ako, nahulog ko tuloy yung ballpen ko tsaka yung Bucket List

"Sorry..." sabi ko tsaka pinulot ko na lang yung ballpen ko at yung Bucket List

"Sa sususnod kasi alamin mo kung sino binabangga mo"

Humarap ako sa kanya.... Sayang gwapo pa naman sya kaso ang sama naman ng ugali

"At least nga nag-sorry eh"

"Aba!! Bago ka ata dito!!! Di mo kasi alam ang rules eh"

"Wag kang mag-aalala tapos ko nang basahin yung Rule Book" may mga student na nagsi lapit sa 'min 

"Ryker tama na yan... bago lang sya hayaan mo na" sabi ng isa sa mga kasamahan nya

So Ryker pala ang name ni yabang

"Hindi porket baguhan sya hahayaan na natin sya Phoenix" Psh... hoy Kuya!!! kaya kitang patumbahin dito. Ayaw ko lang kasing magkarecord at baka hindi pa ako mavaledectorian nyan eh 

"Tsk. Tara na" tara na daw eh.... kaya umalis na rin ako, baka malate pa ako ng dahil sa Ryker nato

Ryker? San ko ba narinig yung name na yun? maliban ngayon 

"Hoy Panget!!!!" sigaw nya

Lumingon ako sa kanya "Oh bakit yabang?" tiningnan nya ako ng masama at tinaas ko lang yung kilay ko

Nagbulungan na yung mga student. Ngayon gets ko na yung sinabi ng Principal na "GOOD LUCK." Tao pala yun hindi tungkol sa school

"Inaasar mo ba ako?!?"

"Depende kung napipikon ka na" kita ko dito yung papigil na tawa nung mga kasama nya

"Sino naman nagsabi na napipikon na ako?" pa cool pa sya pero kita naman na umusok na yung ilong nito

"Sabi ko depende, bingi ka ba o baka naman paminta ka lang?"

Tumawa na ng malakas yung tatlo "Paminta ka pala eh"

"Shut up Joaquin!!!"

"Totoo naman eh, di ba Phoenix?" tumungo na lang si Phoenix kasi tumatawa pa rin sya

"Hoy ikaw Panget!!! Alam mo ba na wala pang nagtangkang mang asar sa'kin"

"Wow ha!!! Edi your welcome. Kasi finally may nagtangkang mang-asar sa 'yo" tumawa na naman yung tatlo at lalong lumakas yung bulungan ng mga tao

A Bad Boy's Love Story (Re-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon