Ace's POV
"I'm curious kung ano ang mga susunod na hakbang ni Xander" sabi ko
"Ako din" sagot ni Melanie
Kinuha ko yung Science book--- na hiniram ko sa kanya--- sa locker ko
"Heto na nga pala yung Science book mo" Inabot ko sa kanya yung libro
"Salamat" kinuha nya sa 'kin
"Melanie? Diba ikaw si Melanie?" tanong ng isang babae
"Bakit?"
"May pinapakuha kasi si Sir. Lao"
"Ah... okay" lumingon sya sa 'kin "Mauna ka na sa cafeteria, susunod na lang ako"
"Okay, bilisan nyo ha"
Melanie's POV
Umalis na si Ace. Nagsimula na rin kaming maglakad
"Anong kailangan ni Sir. Lao?"
"May pinapakuha lang sya. Sa may Janitor's room"
"Janitor? Ano naman kukunin natin dun?"
"Basta. Turo ko na lang sa'yo"
"Okay?"
Pumunta na kami sa Janitor's room. Medyo madilim at masikip kasi ang daming cleaning equipment
"Ayun oh" turo nya sa isang paint, black ata yun
"Ano naman gagawin ni Sir. dyan?"
"Di ko alam. Basta pinapakuha nya"
Binuksan ko yung ilaw pero walang light bulb. Kinuha ko yung phone ko at ginamit ang screen bilang ilaw
Sumampa ako sa lamesa--- dahil hindi ko din abot at kasi nga pandak ako--- at inabot yung paint. Nung nakuha ko na yung paint, bigla na lang na lock yung pintuan
Its dark. OH MY GOD!!!!
Bumaba kaagad ako ng lamesa at pumunta sa pintuan. Humiling ako ng tulong pero walang sumagot
Inatake na ako ng takot at napaupo na lang ako. Lagi na lang akong napapaiyak kapag natatakot ako. Kaya ngayon nakaupo ako sa sahig, hinila ko ang tuhod ko papunta sa dibdib ko at nagsimulang umiyak
Tulong!!!! Tulungan nyo 'ko!!!!
Phoenix's POV
"Nasan na si Melanie?" tanong ni Ryker kay Ace
"May pinapakuha daw si Sir. Lao"
"Ano ba yan?" reklamo nito
Maya-maya may babaeng tumakbo papunta sa 'min
"Guys...." hinihingal sya
"Ano yun Zyra?" tanong ko
"Tungkol na naman ba toh sa boyfriend mong si Adam? Look hin---" naputol yung sasabihin ni Ace
"No, no, no. Hindi yun. Si Melanie, may nagkulong sa kanya sa Janitor's room"
Nanlaki yung mga mata namin
Tumayo na kaagad si Ryker "Tara na guys!" utos nya
Lahat kami tumakbo papunta sa Janitor's room
Pagkapunta namin dun, may narinig kaming umiiyak
"Melanie" kumatok si Ryker
"Go away!" sigaw nya na may halong takot sa boses nito
"Melanie, it's us"
BINABASA MO ANG
A Bad Boy's Love Story (Re-edited)
Teen FictionA compilation love story of four bad boys. Nang makilala ng apat na bad boy, Ryker, Ace, Phoenix at Joaquin, si Melanie ay lalong naging masaya ang high school life nila. Halos hindi matigil ang bangayan nina Melanie at Ryker. Syempre hindi naman m...