Melanie's POV
I still can't believe it
No, I'm dreaming, this can't be
"Nico is dead" nang marinig ko iyon bigla akong nabalik sa realidad
Hindi, hindi yun totoo. Hindi pa sya patay
Tumayo ako at lumabas
I need to see it for myself
Nasa labas na ako ngayon ng school, kailangan kong matawagan si Mang Pablo
Hinalukay ko ang bag ko para kunin ang phone ko
Bwisit nasan na ba yun?
Di bale na nga, magtatawag na lang ako ng masasakyan
Hay naku, nasan na ba ang mga taxi dyan
May naramdaman akong humahatak sa 'kin. Pagkatinging ko sa taong yun, si Ryker lang pala na naka blue jersey, yung iba din naka blue jersey pa rin
Tumatakbo kami ngayon papunta sa parking lot
"Sakay" sabi nya sabay bitaw sa'kin
Sumakay ako sa passenger seat at sya naman sa driver seat
Nauna na kami kaya yung apat sumakay na lang sa kotse ni Ace habang nakasunod sa 'min
Tinuro ko kay Ryker ang daan
Narinig kong tumunog ang phone ni Ryker pero ako na lang ang sumagot kasi baka maaksidente pa kami
Pagkatingin ko sa ID caller, mabuti at si Phoenix
"Hello Phoenix"
"Melanie, pakibigay Ryker ang phone, wala sila sa bahay. Sabihin ko na lang sa kanya ang address" tumango ako at binigay kay Ryker ang phone
"Sige, sige" sabay baba nya ng tawag
Pumunta na kami sa kung saan man ito
Pagkababa ko pa lang nakita ko na ang mga tao sa labas
Hindi, hindi sya ito
Parang may sariling isip ang mga paa ko at kusa nalang itong naglakad papunta sa lamay
Nang makita ko kung sino ang nasa picture frame, nanghina ang mga tuhod ko at napaluhod na lang ako habang umiiyak
Bakit? Bakit kailangan nyang mawala?
Phoenix's POV
Pagkadating namin ay nakita namin si Melanie na nakaluhod habang umiiyak, si Ryker naman pinapatahan sya
Lumapit kami sa kanya
"Melanie, tahan na" sabi ni Monica pero hindi pa rin sya tumigil
"Melanie?" pagkatingala namin, may mag-asawang lumapit sa'min at lumuhod din
"Tita... bakit?...Kailan... pa?" tanong ni Melanie while sobbing
Nagkatinginan muna sila bago magsalita
"Noong isang araw pa. Nakiusap sya na sabihin na lang sa'yo after ng bakasyon mo. Ayaw nya raw kasi masira ang linggo mo" paliwanag ng Nanay ata ni Nico
"Huli nyang bilin sa'min ay ang ibigay 'toh sa'yo" inabot kay Melanie ang isang envelope
Pinapasok na kami sa loob pero bago ako pumasok kinuha ko muna cellphone ko para tawagan si Isabel. 10 Miss calls at 23 Unread messages, lahat galing sa kanya
Tinawag ko sya, sa unang tunog pa lang ay sumagot na sya
"Hello Phoenix. Pupuntahan sana kita sa gym pero nalate lang ako. Kaso pag dating ko dun wala na daw kayo. What happened?"
BINABASA MO ANG
A Bad Boy's Love Story (Re-edited)
Teen FictionA compilation love story of four bad boys. Nang makilala ng apat na bad boy, Ryker, Ace, Phoenix at Joaquin, si Melanie ay lalong naging masaya ang high school life nila. Halos hindi matigil ang bangayan nina Melanie at Ryker. Syempre hindi naman m...