Ace's POV
Okay na sana yung umaga ko, kaso nung nakita ko si Melanie, parang naging gloomy din yung araw ko. Ang sad nya kasi at parang pasan nya yung mundo sa balikat nya
Lumapit ako sa tabi nya pero parang hindi niya ako napansin
"Melanie" no response
"Melanie" wala pa rin
Tinapik ko sya at dun na sya napalingon sa 'kin
"Oh Ace, ikaw pala" walang gana nyang sinabi
"May sakit ka ba?" Hinawakan ko yung noo nya
"Wala ka namang sakit pero bakit parang ang tamlay mo?"
"Ayos lang ako Ace. No need to worry about me"
Naglakad na lang kami papasok ng room
"Oh, anong nangyari dyan?" Tanong ni Ryker
"I'm fine"
"Mukha kang namatayan ng alaga. Condolence ha" sinubukan nyang patawanin toh pero blank expression lang ang natanggap. Nakakatawa sya pero hindi na rin kami natawa dahil hindi naman sya natawa
Naka-upo lang kami dito. Ang tahimik naming lima, kung tutuusin dapat eto na nga yung mga oras na nagtatawanan na kami sa pang-aasar ni Melanie kay Ryker
Pagkalingon ko kay Melanie, nakita ko syang nagbabasa pero paliktad yung pagbabasa nya, nakita din ni Ryker kaya inayos nya ito
"Paniki ka na ba para magbasa ng upside down?"
"Thanks"
Melanie's POV
Kanina pa nila ako sinusubukang pangitiin o patawanin pero wala talaga, di ko pa rin kasi maalis sa isip ko yung dun sa EK
Ang saya nya siguro dahil nakameet nya na yung crush niya. Eto naman talaga yung reason kung bakit ako nandito di ba? Sya lang naman talaga yung reason kung bakit din ako lumipat sa mismong school na ito eh
Mabuti pa sya may Ace na may Nico pa. Samantalang ako, heto nga nga
"Hindi ka ba gutom?" I snap out of my thoughts
"Ha?"
"Kanina mo pa pinaglalaruan yang pagkain mo eh. Something wrong?" Tanong ni Joaquin
"W-wala, wala lang akong gana. Sige kumain na lang kayo guys. Dun muna ako sa library" tumayo na ako at pumunta ng library
Natapos na ang lunch pero hindi pa rin ako makatapos ng isang page. Yung feeling na binabasa mo yung mga salita pero wala ka namang natututunan
Pumunta na ako ng room. As expected, sinubukan pa rin nila akong pangitiin o patawanin
Uwian na. Wala akong natutunan ngayong araw, ang gulo kasi ng utak ko eh
Pagkapunta ko sa may parking lot, bigla ng bumuhos yung ulan
Kinuha ko yung phone ko para magpahatid kay Pablo kaso nung pagkatingin ko, low bat pala
Naglakad na lang ako pauwi. Feeling ko, sobrang manhid ko ngayon, kasi ni yung lamig ng ulan hindi ko nararamdaman
May narinig akong naghonk, pagkalingon ko, nanlaki yung mata ko nung nakita ko yung truck na padating. Bigla na lang na-stuck yung mga paa ko sa kalsada, hindi ako makagalaw
Akala ko talaga mababangga ako pero may naramdaman akong may humatak na lang sa kin at niyakap nya 'ko
Pagkatanga ko ng ulo ko, akala ko si Prince Charming ko, akala ko isang pair of black eyes, akala ko isang lalaki na maiksi ang buhok, akala ko... si Nico. Pero hindi, isang pair of chocolate brown eyes, messy ang buhok at.... prince charming ba talaga o villain, prince charming sya dahil niligtas nya ko pero...... prince charming ba talaga kita Ryker?
Inexpect ko na sisigawan nya ko sa galit o pagsasabihan pero iba
"Are you okay?" May concern yung tono ng boses nya, tumungo na lang ako
Pumunta kami sa kotse nya, pinagbuksan nya ako ng pinto and I unconsciously hopped in
Ryker's POV
Nagpatugtog na lang ako para hindi naman masyadong tahimik. Pinlay ko na at nagsimula na akong mag-drive
Papatayin ko na sana dahil ang lungkot ng kanta pero bigla naman siyang umiyak
"Bakit ganun? Ako naman yung laging nasa tabi nya pero iba pa rin yung hinahanap nya? Mas maganda lang naman sa 'kin si Monica ah yun lang" si Nica? Anong kinalaman nya dito?
"Alam mo Ryker, tama ka eh. Kahit naman anong ginawa kong pag-aayos, wala pa rin namang nagbago eh, pangit pa rin ako...." di naman yun ang ibig kong sabihin. Kaya lang naman walang pinagbago kasi maganda ka pa rin naman eh
".....mas maganda pa rin talaga si Monica sa paningin nya. Ang sakit, ang sakit talaga" kung ikaw nasasaktan mas lalo na ako
Umiyak lang sya ng umiyak hanggang sa nakatulog sya
Ang sakit sa pakiramdam na umiiyak sya dahil sa ibang lalaki. Siguro nga hindi ito ang tamang oras para mag-confess, kasi may mahal pa pala syang iba, ang problema lang na-in love naman yung ugok na yun sa kapatid ko. Kung sa tingin nya payag ako sa kanila, hmp! Asa sya, guguho muna ang mundo bago ako pumayag
Pumunta na lang kami sa bahay este mansion ko. Lumabas si Brian na may dalang payong. Bumaba ako ng kotse at pumunta sa passenger seat. Pinayungan ako ni Brian habang buhat-buhat ko si Melanie
Pumunta ako sa taas at binuksan ko yung guest room at inihiga ko sya sa kama
Kumatok ako sa kwarto ni Monica. Maya-maya pa at bumukas na rin ito
"Yes kuya?"
"Pahiram ako ng mga damit mo"
"Bakit?"
"We have a guest at basang-basa sya, ikaw na rin magbihis sa kanya"
"Okay kuya"
"Thanks Monica"
Pumunta na ako ng room ko para magbihis. Pagkatapos kong magbihis lumabas ako at pumunta ng guest room. Kumatok muna ako
"Saglit lang...... okay, you can come in now"
Pumasok na ako ng kwarto
"Anong nangyari? Ba't kayo basang-basa" tanong nya nung nakaupo na ako sa kama, katabi ni Melanie
"Naabutan ng ulan"
"Kuya naman eh hin----"
"Kilala mo ba kung sino yung ini-ibig ni Melanie?"
"Uhm.... ano, kasi.... oo. Si Nico, yung bespren nya"
"Hindi ako payag sa inyo"
"Ano?!"
"Over my dead body"
"Kuya anong pinagsasasabi mo?! Ni di ko nga gusto si Nico"
"Mabuti"
"Iwan ko na kayong dal'wa" tumayo sya at lumabas ng kwarto
Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihimas ang buhok nya
Haist. Ba't kasi sa iba ka pa na-in love?
♡♡♡♡♡♡
Ba't kaya ganun? MADAMING TANGA? HAHAHA
Char lang. Syenpre pagnagmahal ka, may time din na masasaktan ka
Don't forget to Vote ☆
BINABASA MO ANG
A Bad Boy's Love Story (Re-edited)
Teen FictionA compilation love story of four bad boys. Nang makilala ng apat na bad boy, Ryker, Ace, Phoenix at Joaquin, si Melanie ay lalong naging masaya ang high school life nila. Halos hindi matigil ang bangayan nina Melanie at Ryker. Syempre hindi naman m...