Melanie's POV
Ilang araw na akong nandito sa bahay nila Ryker. Na-hohome sick tuloy ako pero kapag ini-isip ko ang dati kong tinitirhan ay parang nawala na ang salitang home sa bahay na yun
Gabi-gabi akong binabangungot simula nang dito ako natulog. Hindi pa rin kasi nawawala sa isip ko ang scenario sa warehouse, yung kakaibang kuya na nakita ko at ang pagpatay nya kay Justin. Pero kada gabi na yun ay may nararamdaman na lang akong may gumigising sa 'kin para matapos na ang bangungot, kada gabing yun, mukha ni Ryker ang unang kong nakikita
Nagising na lang ako ng madaling araw kasi nanunuyo ang lalamunan ko
Pagkalingon ko sa kaliwa ko ay parang may anino sa may couch. Binuksan ko ang night light at nagulat ako nang makitang si Ryker natutulog nang mahimbing
Bakit naman sya natulog dito kasama ko? Meron naman syang sariling kwarto
Tumayo ako at lumapit sa kanya. I bent down para magkasing lebel na kami
"Napapansin ko lang, lagi kang nandyan kung saan kailangan ko ng mangliligtas sa'kin. Sa muntik na akong malunod mula sa extreme activity na ginawa natin hanggang sa pagtanggap mo ng bala na dapat ay tatama sa'kin
"Bakit mo ba ako laging sinasagip? Ni minsan nga ay hindi ko pa nasasagip ang buhay mo eh"
Napahawak ako sa buhok nya at hinimas ito
Ryker's POV
May nararamdaman akong humahaplos ng buhok ko pero hindi ko na lang ito pinansin until may narinig din akong boses
"Alam mo, ang amo ng mukha mo pag tulog" si Melanie ba yun?
"Gusto ko sanang makabawi sa'yo pero hindi ko rin alam kung paano" hinihimas nya pa rin ang buhok ko
Ang sarap sa pakiramdam kahit hinihimas nya lang ang buhok ko
She chuckle "Ikaw na ata ang pinaka weird na lalaking nakilala ko" weird? Paano ako naging weird
"Napaka-unpredictable mo, naninibago ako palagi kapag bumabait ka pero mga ilang minutes or hours lang iba na kaagad ang mood mo. Minsan gusto kong malaman kung ano o papaano gumana yang utak mo, para naman maintindihan kita" wag naman sana, baka may malaman kang nakakagulat para sa'yo
Naramdaman kong dumampi ang labi nya sa noo ko "Goodnight Ryker"
Puso, paalala ko lang, kumalma ka please. Pag tayo nabuking lagot ka sa 'kin
Monica's POV
"Hindi sya pwedeng magtago na lang forever" sabi ko kay Ace
Nandito kami ngayon sa likod ng school
"Alam mo naman gagawa at gagawa ng paraan si Xander para mahanap ang kapatid nya"
He chuckle "Siguro tuwang-tuwa ngayon si Ryker na nasa bahay nyo si Melanie"
"Sinabi mo pa. Kung alagaan nya si Melanie ay parang akala mo pasyente sa hospital. Ni minsan hindi ko sya nakitang inasar si Melanie. Ewan, basta ang weird ni Kuya"
"Syempre in-love eh, ganyan ka naman din Mama bear ah"
"Tantanan mo 'ko Papa bear" kiniss nya pisngi ko
I sigh "How I wish everything was the same as it was before"
"But it can't. Either we evade this situation and let it grow or face it until we resolve"
"Sana ganun lang kadali Papa bear"
"Mama bear, hindi lahat ng problema madaling lutasin. Sadyang may iba na talagang mahihirapan kang lutasin"
BINABASA MO ANG
A Bad Boy's Love Story (Re-edited)
Teen FictionA compilation love story of four bad boys. Nang makilala ng apat na bad boy, Ryker, Ace, Phoenix at Joaquin, si Melanie ay lalong naging masaya ang high school life nila. Halos hindi matigil ang bangayan nina Melanie at Ryker. Syempre hindi naman m...