Chapter 17- Abnormal Virus ***

13 0 0
                                    

Joaquin's POV

Kahapon pa ako hindi mapakali. Ba't kaya absent si Melanie? Coincidence lang ba at pareho pa sila ni Ryker na absent? Sana nga mali yung asar nito ni Ace na nag-date daw yung dalawa. Sana nga hanggang asar lang yun

Habang naglalakad ako ng hallway, nakita ko si Melanie

"Melanie!" Tawag ko

Lumingon sya ""Oh! Ikaw pala Joaquin. Ano yun?"

Nasa tabi ko na sya "Ba't ka absent?"

"Ah... nagkasakit kasi ako eh"

"Ah... akala ko naman nag-date kayo"

"Ano yun?"

"Wala, sabi ko namiss lang kita"

"Ah.... miss din kita" medyo napangiti ako dun pero bigla na lang nawala nung dinagdagan nya pa

"Kayo-kayo nila Ace"

"Tara na nga, pasok na tayo" irita kong sabi at pumunta na sa room namin

Melanie's POV

Langya! Ano bang problema nito? Kung kahapon si Ryker yung parang ewan, ngayon naman si Joaquin. Virus na ba ngayon ang pagiging abnormal? sana naman hindi ako mahawaan

Pumasok na lang din ako sa room

Pagkapasok ko, nakita ko kaagad si Ryker. Pagkatama pa lang ng mata namin bigla na lang akong may naramdamang kakaiba. Nung ngumiti sya---- as in ngiti hindi yung signature smirk nya, parang nalusaw na lang ako

Luh! Ano ba tong nararamdaman ko?

Okay, erase, erase, erase, erase. Nahahawaaan na talaga ako ng abnormal virus

I brush these feelings off and went to my chair

"Feeling better?" Tanong ni Ryker

"Ha?... ahm... oo naman"

"Uy, uy, uy update nyo naman kami. Anong nangyari sa inyo kahapon? Nag-date kayo siguro noh?" Asar ni Ace

"Hindi ah..... nagkasakit lang sya kahapon at nagkaroon lang ako ng emergency"

"Ah ganun ba?.... teka nga lang.... ba't alam mo na may sakit sya?"

"Ahm.... ano kasi...."

"Kaya nga Ryker, paano mo nalaman na nagkasakit sya eh sa 'kin nya pa lang nakwento yun" singit namin ni Joaquin

"Ahh.... Ehh....." tumingin sa 'kin si Ryker para humingi ng tulong

"Sa mall" sagot ko

"Ay Oo, sa mall, dun nya sinabi sa 'kin"

"Ano namang ginagawa nya sa mall? May sakit sya diba?" Tanong ulit ni Ace

"Ahm.... nung..... hapon na yon. Nung nakasalubong ko sya. Tinanong ko kung ba't sya absent"

"Paano mo naman nalaman na absent sya?" Napupuno na ako dito kay Ace ah. May balak ba syang ibuking kami?

"Nasabi ni Monica"

Magsasalita pa ulit si Ace pero pinigilan ko na sya

"Alam mo Ace. Magaling na nga ako pero parang magkakaroon ulit ako ng sakit eh. Sakit sa ulo"

"Sorry naman bessy, curious lang ako"

Humarap sya kay Ryker at nag-smirk. Ano kayang problema nito? Si Phoenix na lang ata ang hindi pa nahahawaan ah

Ace's POV

"Sinong niloloko mo Ryker? Alam ko na kung bakit kayo parehong absent, sinabi na sa 'kin ni Monica" nanlaki yung mata ni Ryker

A Bad Boy's Love Story (Re-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon