Phoenix's POV
Nakita kong nakasimangot si Melanie. Siguro iniisip nya pa rin ang bet na napag-usapan namin. Kasalanan nya, natalo sya eh
"Oh, ano nangyari sa'yo?" tanong ni Ace
Tiningnan nya lang sya saglit then lumingon na sa harapan
Tumawa ako ng mahina
Tiningnan nya ako ng masama
"Uhm... ano meron?" tanong ni Ryker
"Wala" sagot nya
"Natalo sya sa bet namin" sagot ko
"Shut up!"
"What was the bet?" tanong ni Joaquin
Tiningnan nya ako nang super sama na at tumawa lang ako
"You'll find out" hindi ko na sinabi kasi gusto ko rin ma-shock sila, especially si Ryker
Isabel's POV
Excited na talaga ako para mamaya. Si Sweetheart kasi ang nag-request ng bet at naikwento nya din sa'kin ang lihim na pagtingin ni Ryker kay Melanie
Nandito kami ngayon sa cafeteria, kumakain
"I've heard magiging mahirap daw ang makakalaban nyo" inform ni Monica
"Mas mahirap kaysa sa nakalaban nila bago magsembreak?" tanong ni Melanie
"Yun ang narinig ko"
"Edi kung mahihirapan sila, ihanda ang cheer o yell, diba Melanie?" tiningnan nya 'ko ng masama natawa tuloy ako
"Anong meron? Ba't ka natawa Isabel?" tanong ni Monica
"Wala. Malalalaman nyo din mamaya"
Pagkatapos namin kumain ay nagsipuntahan na kami sa kanya-kanyang room pero sinamahan at inihatid pa rin ako ni Phoenix hanggang sa room ko
Ang sweet nya talaga
Melanie's POV
Hay naku....
Do I have to do it? Ay bahala na nga
Pumunta ako sa restroom at nagpalit ng jersey na may palda na ibinigay sa'kin ni Isabel. Pagkatapos kong magbihis ay pumunta ako sa locker room at kinuha ang banner na binigay din sa'kin ni Isabel
Kung hindi nyo pa rin gets---- mag-che-cheer ako sa team namin while wearing this Jersey, by team I meant Ryker. Hindi ko nga gets kung bakit nila gustong i-cheer ko si Ryker. Siguro pampa-boost ng confident slash ego din nya
Medyo nagpahuli talaga ako para ma-cheer ko sya kung saan nasa kalagitnaan na sya ng game
Pagkapunta ko dun ay nakisingit ako sa crowd
Ayun na, nakikita ko na syang naglalaro
Kailangan ko kasing makahanap ng tyempo kung saan di ako mapapansin kung i-cheer ko man sya
Sakto ishu-shoot nya na ang bola. Pagka-shoot nya sa ring, nag-cheer ang crowd at syempre naki-cheer din ako
"Woohoo! Ang galing mo Ryker!" I think medyo napalakas ang cheer ko kasi may ibang tao napalingon sa'kin pati sya
Nung una nagulat sya pero maya-maya ay ngumiti rin sya
Syempre patuloy pa rin ako sa pag-cheer kahit hiyang-hiya na ako. Letse kasing bet yan
Nanalo ang team namin. Isa ang lamang namin sa kalaban
Mabuti naman, kasi sayang din ang effort ko sa pag-che-cheer kung matatalo lang kami
BINABASA MO ANG
A Bad Boy's Love Story (Re-edited)
Teen FictionA compilation love story of four bad boys. Nang makilala ng apat na bad boy, Ryker, Ace, Phoenix at Joaquin, si Melanie ay lalong naging masaya ang high school life nila. Halos hindi matigil ang bangayan nina Melanie at Ryker. Syempre hindi naman m...