[Author's note: Pasok na po sa isang daan ang ranking ng 'My hidden Princess' sa hashtag na prince. Maraming-marami salamat po sa lahat ng sumusuporta dahil nasa 🎖#91-prince...place na po tayo 😊 road to 50 naman po ang sunod. Keep reading and enjoy it. Love you all! ]
Hmm..
" HOY KIRA! ANONG PETSA NA!!! KAILANGAN MONANG MAGBAYAD NG RENTA MO! KIRA! LUMABAS KA DIYAN AT HARAPIN MOKO! KIRAAA!!! "
Nagising ako sa malalim na pagkakatulog dahil sa malakas na ingay sa labas ng bahay.
Ang aga-aga may nambwebwesit!
" MAGBAYAD KANA! KUNDI WAWASAKIN KO ITONG TINUTULUYAN MO! " edi wasakin nyo, hindi naman sakin to eh. Kala ko ako lang tanga sa mundong ito pati din pala si Manang balyena. Hayst.
" Wala pa po akong pera Manang! Balik nalang kayo, sa susunod na buwan! " sigaw ko at tsaka bumalik ulit sa pagkakatulog.
" ANAK NG BAKA NAMAN KIRA! DALAWANG BUWAN KANANG HINDI NAGBABAYAD AH? ABA, KUNG GANYAN KA NG GANYAN MABUTI PANG HUMANAP KA NALANG NG IBANG MATITIRHAN!!! " grabe ang ingay talaga ng matabang ito.
" Oho! Hahanap po ako! "
" ABA'T ANONG SABI MO? "
" sabi ko ho hahanap ako ng pera para may pangbayad sa inyo. Advance pa ng tatlong taon! " Mukang pera talaga itong land lady ko. Ako na naman iniinitan nito palibhasa wala naman talagang nag t-tyaga dito sa luma at bulok na halos wasak niyang boarding house.
" Sisiguraduhin mo lang...kung hindi magbabalot-balot kana ng mga gamit mo at lumayas kana. Kung ayaw mong ako mismo ang kakaladkad sayo. "
Maya-maya pa ay hindi kona naririnig ang boses niya. Nakaalis na siguro. Napilitan nalang akong bumangon at maligo. Pagkatapos nun nagsuot nako ng uniform, ng makapal na eyeglasses, tsaka yung wig na sobrang sabog at kapal na mukang pang witch ang drama. Inilagay kona rin ang braces ko para sagad na talaga ang kapangetan ko.
Wala na pala akong ulam.
Teka, may bente pa ako kahapon eh hindi kopa nagagastos yun. Lumabas nako sa maliit na bahay ko para makabili na ng ulam. Nanunuot talaga sa ilong ko ang mabahong kanal na katabi nitong inuupahan ko. Idagdag mo pa ang mga basura na nagkalat lang sa kung saan tapos ang dami pang mga tao rito na hindi marunong humawak ng tabo at sabon. Hay naku, pero atleast nakasanayan kona rin ang ganitong pamumuhay. Hindi na dapat akong mag inarte pa dahil ito na talaga ang pinakamurang upahan na nahanap ko.
" Ale, pabili pong isang itlog tsaka mantika !" sabi ko sa tindera
" Ito oh " inabot naman niya saken ang pinamili ko.
" Uie Kira! Kamusta ang pag-aaral mo sa Clan High Academy? " si Mang kanor pala.
Siya pala ang nag-babantay ng bahay ko kung nasa school ako tsaka siya narin ang nagsisilbing mga magulang ko kasama ang asawa niyang si Aleng Minda. Mababait ang mag-asawang iyan kaya laking pagtataka ko kung bakit hindi sila biniyayaan ng anak.
" Ayos naman po. Medyo nag aadjust pako ng kunti! "
" Ganun ba. Oh ito! Idagdag mo sa baon mo! " nagulat ako sa pag abot niya sakin ng 50 pesos.
" Pasensiya kana ija ah, yan lang muna maibibigay ko. Wala talagang pera eh wala pang trabaho. Medyo salat pa sa buhay. Si Minda nga naglalabada nalang sa kung sinu-sino dyan basta makapera lang. " nahabag naman ako sa kanilang kalagayan.
" Ayos lang po. Salamat po dito Mang kanor! "
" Naku, walang anuman. Basta wag kang titigil sa pag-aaral ah. kapag nakapagtapos ka, at naging mayaman kana wag mo kaming kakalimutan ah? haha " biro niya tsaka napakamot sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
My Hidden Princess [ON-GOING]
RomanceHighest Ranking update: #57 in Ravens #77 in action-romance #91 in Prince Date Started: June 06, 2020 Humanda nang kiligin sa ating mga bida na sina Kira at Seon. Isang babaeng nagtatago sa isang imahe na hindi kailanman maiisipan na isa siyang pr...