Chapter 28: Fever

106 20 3
                                    

Naging maayos naman ang daloy ng OJT ko dahil may nadagdag sa team namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naging maayos naman ang daloy ng OJT ko dahil may nadagdag sa team namin. May lima pa kaming kasamahan sa OJT na nadagdag under sa supervisions ni Master Seon. Hindi rin masyadong akward kasi marami na kami sa loob.

Feel ko na talaga na nasa loob kami ng isang malaking opisina.

'' Ms. Samonte nasaan iyong files na pinaedit ko sayo? Last week? '' biglang lumapit si master seon habang humahawak sa noo niya.

'' Nandito po sir '' kinuha ko at ibinigay ko sa kanya ang isang folder na naglalaman ng mga files. Tumalikod na siya at bumalik sa kanyang pwesto. Napakaseryuso niyang boss. Mas lalo siyang guwapo sa aura niya ngayon although napagkakamalan siyang terror executive CEO. Pano kaya kung ganito rin siya ka seryuso sa future ?

Napaisip tuloy ako. Sa future din ba ay kasama padin ako? Kinikilig ako habang iniisip ko na magkasama parin kami hanggang sa future. Hay. Sana.

Hanggang ngayon ay fresh parin sa alaala ko ang lahat ng sinabi niya ng gabing iyon. Dalawang araw narin ang nakalipas simula nun. May nabago sa pakikitungo niya sa akin kapag kaming dalawa lang. Nagiging sweet siya na hindi mo inaasahan. Ewan ang corny nga kung iisipin hindi kasi ako sanay na ganun siya sa akin mas nasanay ako na lagi siyang nagsusungit. Tuwing umaga nga maaga na siyang nagigising at minsan tinutulungan niya ako sa pagluluto (ang sweet ng halimaw diba?) at kapag gabi naman tinutulungan niya ako sa mga paper works ko. Tapos may pagkakataon pa na gusto niyang maglambing at dahil nga hindi ako sanay ay na a-awkward ako sa mga gestures niya although hindi ko naman pinagkakaila na gusto korin naman pero alam niyo iyong pakiramdam na ang dating halimaw ay naglalambing?

Siguro nga ay ganun lang talaga siya noong hindi niya pa naranasahan ang mga trahedyang nangyari sa kanya noon at nung nagkahiwalay sila ni Sandra.

Speaking of her. Wala pa naman akong nababalitaan tungkol sa kanya at hindi korin siya nakikita na pumunta siya ulit rito. Hindi ko na alam kong ano na ang nangyari sa kanya. Baka bumalik na sa america at nagpatuloy sa pag-aaral don diko alam.

Nong dumating na ang lunch time ay umalis muna iyong iba para kumain sa cafeteria dahil ayaw naman ni master sa cafeteria at tinatamad siyang lumabas ay ako nalang ang bibili (lage naman).

'' Kira---'' napalingon naman ako sakanya.

Bakit parang pagod na pagod siya? Nahihirapan ba siya? Ang stress nang mukha niya.

'' Bakit? May ipapabili ka pa bang iba master---este sir? ''

'' Pwedeng bilihan mo ako ng may mainit na sabaw? '' nanghihina yata ang boses niya tapos paos pa.

'' Oo. sige po. '' sabi ko at iniwan na siya sa loob para bumili ng pagkain pang lunch.

Nang makabalik ako sa loob ay naabutan ko siyang natutulog sa pwesto niya. Kawawa naman ang Master ko mukhang pagod nga siya. Ang hirap ng ginagampanan nila sa school. Tiningnan kong mabuti ang natutulog niyang mukha balak ko sana siyang gisingin ng maramdaman ko na mainit siya.

My Hidden Princess [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon