Seon Kyle Ellieson
Hindi ako makatulog sa kakaisip sa nangyari kanina sa school. Hanggang sa pag-uwi wala akong makuhang ideya kung bakit bigla nalang may umalma sa kaguluhan sa school. Hindi maalis sa isipan ko ang mukha ng taong nagtanggol sakin kanina. Para siyang siga sa kanto kung kumilos. Ang pinagtataka ko ay bakit ganun nalang ang takot ng mga tao doon. Ano ba talaga siya? Prince lang naman siya sa Royal class eh ano ngayon??
Bad boy type. Iyon ang description ko sa istilo niya.
Hayst. bakit koba iniisip iyon? Makatulog na nga lang.
Kinabukasan ay usap-usapan na nga ang biglang pagbabalik ng Seon nayun. Sa cuiosity ko ay gusto kong malaman kong sino ba talaga siya kung bakit takot ang lahat sa kanya. Lider kaya yun ng gang dito? hay naku. mukang posible yun. Sa bagsik ba namang kumilos at magsalita nun.
Pumunta ako sa student council office para sana tumingin sa student file. Hindi naman mahirap pumasok don kasi kilala na nila ako at palagi akong nag v-volunteer na maging assisstant ng mga teachers kunwari may pinapakuha sila ni Maam sakin pero ang totoo'y magpupuslit lang talaga ako.
Pagpasok ko sa loob ay nakasalubong ko kaagad ang Librarian namin. Bakit nandito siya?
'' Oh, Ms. Samonte? What's bring you here? '' bungad sakin ni Mrs. Santos
Ako nga dapat magtanung niyan eh. Diba dapat sa library sa ngayon? May pagka istrikto pa naman ang isang ito.
'' A-ah Goodmorning po ma'am may kukunin lang akong files dito, kay Mr. Seon po na files? '' magalang kong tugon sa librarian namin.
'' Huh? Seon ba kamo? '' Tinaasan na niya ako ng kilay. Naku heto na naman siya
'' Opo maam '' kabadong kung sagot sa tanong niya. Relax lang dear hindi ka kakainin ng masungit na ito.
'' Seon...bakit sino daw ang nagpapakuha? Hindi kasi pwedeng ibigay basta-basta ang mga information dito lalo na sa mga estudyante. Hmm? ''
dugtong pa niya na halos matumba na ako sa lambot ng mga tuhod ko. Di ko ata gusto ang takbo ng usapan namin.'' Sabihin mo nga sakin Ms. Samonte kong sino itong humihingi ng files ng isa sa mga istudyante? Ng makomperma ko? ''
'' Po? A-ah nakalimutan kopo ang name ma'am eh. Bago lang kasi ako kaya di ko papo kabisado ang mga pangalan ng mga teachers. Sige po ma'am salamat nalang po '' pagdadahilan ko para hindi na humaba ang usapan namin. Patong-patong na talaga ang mga kasinungalingan na pinagagawa ko.
'' Teka Ms. Samonte sinong seon?---- ''
Hindi kona pinatapos si Mrs. Santos at dali-dali na akong umalis sa Student council office. May nadadaanan din akong mga taga SC. Nagtataka sila siguro kong bakit nandoon na naman ako.
Kakalimutan ko nalang ang plano kung paghahanap ng background info nung si Seon dahil ang higpit ng taga Council. Di naman pwede na sa registrar office ako magtanung edi lalo lang akong malintekan.
'' Uy, nabalitaan moba na pumasok na daw ulit si Seon ng taga Royal Class ''
'' Oo naman noh. Kahapon pa siya nagbalik at nakakaloka ah kasi kahapon alam mobang siya mismo ang nakakita sa pambubully ng grupo nila Monica at Sherry dun sa transfer student na weird at panget panamit? ''
Hindi ko sinasadya na marinig ang usap-usapan ng dalawang babae na naglalakad saking unahan. Nasa likod lang ako at tahimik na sumusunod sa kanila. Hindi naman ata nila nahalata ang presinsiya ko sa likurang bahagi. Nagbigay din ako ng distasiya para kahit papano ay hindi nila ako maramdaman pero sinuguro ko muna na maririnig ko sila.
'' Andoon kaya ako kahapon at kita ko kung gaano talaga nakakatakot ang isang Seon ''
'' Diba, ang sabi-sabi na suspende daw yan dahil may binugbog sa kabilang eskwelahan? ''
'' Yun ang tsismis. Meron pa ngang nahuli daw siyang nag eskandalo sa isang convenience store eh. Pinagsisira daw niya yung mga nakatinda doon! ''
'' Napakalaki at napakarami na ng mga naging kaso niya kung magsama-samahin. ''
'' Eh, Anong magagawa nung mga nagrereklamo sa dami ba namang pera ni Seon at ng pamilya niya plus apo pa siya ng may-ari ng school natin ''
Ano? Apo si Seon ng may-ari ng Clan High academy?
'' College na dapat yan kaya lang hindi pinagraduate last year kasi na suspende na naman dahil sa isang trahedya. Abot-abot na kahihiyan ang natanggap ng eskwelahan dahil sa pagiging deliquent attitiude niya ''
'' Hmm. ''
Hindi kona sila sinundan pa at lumiko nako sa kabilang bahagi ng hallway para maupo sa isa sa mga benches doon.
Tama naba ang narinig ko para masabing naging masama ang isang seon?
Ngayon lang ako nakatagpo ng isang tao na naging miserable din ang naging buhay. Wala man akong karapatan na husgahan siya base sa narinig ay tiyak akong may pinagdadaanan din ang tulad niya.
Pero di parin ako makapaniwala na apo pala ang isang iyon ng may-ari ng school? Kaya ba malakas ang loob niyang maghanap ng gulo? Para ano? Hayst. Bakit ba ako apektado sa mga naririnig ko? Ano koba siya? Tama na nga ito. Wala na akong pakialam kong sino pa siya o ano basta tuloy parin ako sa pag-aaral at makagraduate ako this year.
Kailangan kolang mag focus sa studies ko.
***
A/N:Thank you for reading 😘
BINABASA MO ANG
My Hidden Princess [ON-GOING]
RomanceHighest Ranking update: #57 in Ravens #77 in action-romance #91 in Prince Date Started: June 06, 2020 Humanda nang kiligin sa ating mga bida na sina Kira at Seon. Isang babaeng nagtatago sa isang imahe na hindi kailanman maiisipan na isa siyang pr...