Nandito na naman ulit ako sa Student Council office at kaharap si Master Seon. Hindi siya nagsasalita habang masamang tingin lang ang ginagawa niya sa akin. Walang ibang tao dito ngayon sa SC office kundi kaming dalawa lang. Masyadong tahimik at tanging tunog lang ng aircon ang maririnig sa loob ng opisina. Hindi ko alam kung bakit walang mga tao dito dahil ba nandito ang apo ng Clan High Academy at tinakot ng isang ito o talagang abala lang kung ano pa ang dahilan ay diko alam.'' Speak woman! '' singhal niya na kaagad nagpabalik sa ulirat ko.
Kinabahan na naman ako sa paraan ng pagkakabigkas niya. Bakit ba palagi nalang siyang ganyan? Para siyang hari na kapag nagkamali ka nang pagsagut sa kanya ay puputulan ka niya ng ulo. Ganong uri ng pakiramdam ang nararamdaman sa tuwing nakakausap o nakakasama ko siya.
'' A-ah Master Seon dapat kasi nabanggit kona ito noong nagsimula akong magtrabaho sa inyo. Kasi a-ano eh hindi kasi pwedeng malaman nila na nag t-trabaho ako bilang katulong ninyo? Baka kasi masira at ma tsismis kayo kapag ang isang gaya ko ay kinakausap ninyo. Baka ma misinterpret po nila iyon at madawit na naman kayo sa gulo! '' paliwanag ko habang hindi nakatingin sa kanya.
Wala akong lakas ng loob na makipagtitigan sa kanya dahil diko kaya masyadong matalim.
'' Sino kaba para pangunahan ako? Personal Maid kita kaya kung ano man ang gusto kong gawin ay gagawin ko. Hindi ba't nasabi kona sayo yan? ''
Argh. Ang hirap naman e please nang taong ito.
'' Besides, ano naman ang pakialam nila kung maid kita? Ang aangal at babastos sakin ay bibigwasan ko! Kaya pwede ba wag kang maarte na para bang ikaw pa itong nahihiya sating dalawa! Baka gusto mong tanggalin nalang kita--- '' kaasar huh. Di naman ako nag iinarte!
'' Ay naku. Wag niyo pong gagawin iyon Master Seon. Nakikiusap po ako. Sige promise po hindi na ako mangingialam sa kung anong gusto po ninyo. Promise. '' bahala nga siya.
'' Tsk. Ibili mo ako ng makakain. Nagugutom ako '' prenting saad niya at parang hari na nakadekwatro sa upuan habang naka cross armed. Ganon padin ang mukha niya madilim. Nakasimangot.
'' Okay po Master ''
Sarap talagang upakan nito kahit minsan lang! Hay naku. Makabili na nga lang ng pagkain ng kamahalan.
This is my 2nd day bilang Maid ng isang halimaw. Kakatapos kolang mag haponan at nililigpit nalang itong pinakain. Sinilip ko si Master seon sa may sala na may kausap ata sa cellphone niya. Salubong na naman ang mga kilay habang parang galit na galit sa kausap. Ang laki talaga ng galit nito sa mundo.
'' Bwesit! Bakit ba kailangan kong gawin lahat ng iyon? Akala koba nagkakaintindihan na kami ng matandang yon!? Humanda sakin ang tanda nayon bukas '' singhal niya at bigla nalang tinapon sa kung saan ang cellphone niya.
Nakakatakot ah. Errr.Habang abala parin ako sa pagliligpit at paglilinis ay bigla nalang sumulpot ang halimaw sa likuran ko. Medyo nagulat pa ako sa pagsalita niya. Anak ng tinapa naman oh! Wag naman sana ako ang pagbuntungan niya ng galit.
BINABASA MO ANG
My Hidden Princess [ON-GOING]
RomanceHighest Ranking update: #57 in Ravens #77 in action-romance #91 in Prince Date Started: June 06, 2020 Humanda nang kiligin sa ating mga bida na sina Kira at Seon. Isang babaeng nagtatago sa isang imahe na hindi kailanman maiisipan na isa siyang pr...