Nasa tapat kami ng isang Resto ni Master Seon. Dito kasi kami dumeretso pagkatapos ng klase niya. Palagi kasing nauuna magdismiss ang klase namin kaysa sa mga taga Royal class na aabutin ng 5-6 pm kaya hinihintay ko siya. Ayaw naman niya na mauna ako sabi niya hintayin ko daw siya.
'' Dito kalang may kukunin lang ako sa loob ''
'' Teka lang master---- '' iniwan na niya ako habang siya ay tuloy-tuloy lang sa pagpasok sa loob ng resto.
Ano ba kasing gagawin niya rito? Medyo madilim pa naman ang kinaroroonan ng lugar na ito. Ang tanging pinanggagalingan lang ng ilaw ay yung ilaw sa resto. Malamig din ang hangin dito sa labas na humahaplos saking balat. Babalik na lang sana ako sa kotse ni Master Seon para doon nalang siya antayin ng mapag-isipisip ko na dito nalang. Medyo malayo pa ang lalakarin ko papunta doon. Di naman siguro siya magtatagal.
Maya-maya pa ay may naramdaman akong parang may nakatingin sakin. Hinanap ko ito at hindi nga ako nabigo dahil naaninag ko ang dalawang lalaki sa di kalayuan. Mukhang mid 20s lang ang edad nila at mukang mga lasing na dahil pa suray-suray silang naglalakad palapit sa kinaroroonan ko. Parang masama yata ang kutob ko sa mga ito ah. Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko.
Nang makarating sila sa kinaroroonan ko ay binugahan ako ng usok ng isang mama.
'' Uy pare! Chicks oh '' napaubo ako sa usok mula sa sigarilyo niya.
'' Anong chicks? Pare bulag kaba? Muka ngang si Bakekang yan eh. Iyong kapitbahay mo? '' kantyaw ng isa pang lalaki.
Argh. Para naman ang g-gwapo ng mga itsura nila. Mukha lang namang adik sa kanto.
'' Pare pagt-tyagaan nalang natin ang isang yan ''
'' haha. pede narin Mukang virgin pa naman ang isang yan '' nahindik at nandiri naman ako sa mga narinig at pinagsasabi ng mga kumag nato.
Napaatras ako ng bahagya ng akmang hahawakan nila ako.
'' huwag niyo akong hawakan! '' banta ko sa kanila.
'' uy pumapalag gusto namin yan '' hinawakan ako ng dalawang lalaki sa magkabilang balikat ko at dinala sa isang sulok na hindi abot ng ilaw. Wala ding masyadong taong dumaraan.
'' Ano ba! Bitawan niyo nga ako!Tulo---'' tinakpan nila ang aking bibig at buong pwersa na pinahihiga sa may lupa.
Hindi kona napigilan ang pag-iyak ko. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nabastos ng ganito.! Matitiis kopa ang mga pang-aapi nila pero hindi ang gaya nito.
'' wala nang tutulong sayo dito'? Hmm'' nagsimula na silang hawakan ako sa leeg at binti. Pinagpupunit din nila ang upper uniform ko. Diyos ko tulungan niyo po ako.
Nasaan naba si master seon akala koba may kukunin lang siya sa loob? Bakit ang tagal naman niya.
Nagpupumiglas ako ng buong lakas. Natatakot na ako. Nawawalan na ako ng lakas. Ayuko dito! Ayuko!!!!
'' Shh. Wag kang mag-alala dapat magpasalamat kapa nga samin dahil pinagt-tsagaan ka namin. Magugustuhan morin ang gagawing namin sayo ah'----'' napahinto ako sa pagpupumiglas at inalam ang nangayayri.
'' MGA PUTANG INA NIYONG MGA TARANTADO KAYO? ANONG GINAGAWA NIYO SA KANYA? '' s-si master seon ba iyong naririnig ko?
'' Hoy! Wag kang mangialam dito---*boghs* '' nakita kong bigla siyang hinampas ni seon sa mukha gamit ang isang bagay. Hindi ko masyadong maaninag dahil madilim sa parteng ito.
'' WALA KANG KARAPATAN NA PAGSABIHAN AKO NG GANYAN DAHIL MGA PUTANG INA KAYO HINDI NIYO KILALA ANG NASA HARAPAN NIYO!! '' sigaw ni Master seon. Galit na galit na siya.
'' Siraulo ka----ampucha---a-aray'' Sinapo ni Seon sa masilang bahagi yung isa namang lalaki at walang humpay na pinagsusuntok sa mukha hanggang sa mawalan ng malay.
Doon nako nakakilos para tumabi at inayos ang nasirang bahagi ng aking uniform.
Duguan ang buong pagmumukha nung isang lalakit at hindi na makakilos habang iyong isa naman ay tumakbong umaalis sa lugar. Nakaupo parin ako sa lupa habang tulala sa nangyari.
'' Babae ayos kalang ba? Sinaktan kaba ng ng mga putang ina nayon? '' umiling lang ako habang hindi parin maawat ang pagtulo ng mga luha ko.
Muntik na akong magahasa dahil sa katangahan ko. Pano nalang pala kung hindi dumatig si Master seon? Talagang magagahasa ako ng tuluyan.
Hinubad niya ang kanyang leather jacket at Ipinatong niya saking balikat.
'' U-umuwi na po t-tayo m-master seon---'' tatayo na sana kaya lang ay bigla niya akong binuhat at dinala sa loob ng kotse niya.
Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Sobrang bilis. Kasing bilis ng pangyayari kanina. Oh my God! Si Master seon ba itong nagbubuhat sa akin? Erh. Nakakahiya. Tinago ko ang aking mukha sa dibdib niya sigurado akong ang pula na nito.
'' M-master mabigat po ako '' sambit ko dahil sa kahihiyan. Medyo kumalma narin ang puso ko sa tindi ng kaba at takot.
Hindi niya ako inimikan hanggang sa loob ng kotse niya. Maya-maya pa ay bigla siyang nagsalita.
'' I'm Sorry Kira. '' yun lang ang sinabi niya na nagpalambot sa puso ko.
Nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalala talaga siya sa akin.
Hindi ko maintindihan dahil kahit iyon lang ang sinabi niya ay napakalaking bagay nanun para maramdaman kona na sincere siya sa paghingi ng paumanhin sa nangyari though may kasalanan naman talaga siya dahil iniwan niya akong nag-iisa roon still nagpapasalamat parin ako dahil niligtas ako ng isang halimaw gaya niya.
Tapos sa ikalawang pagkakataon ay tinawag na naman niya ako sa pangalan ko. Ang sayang pakinggan. Iba talaga ang epekto sakin kapag tinatawag nako ni Master seon sa pangalan ko. Napangiti ako dahil sa naisip.
'' What's funny? ''
Nakasimangut na naman siya. Kailan ko kaya ulit makikita na nakangiti si master seon? Kahit tawa ay hindi ko pa naririnig sa kanya. Bilang lang sa daliri kung kailan sa magiging good mood.
'' Wala po Master. Tara napo ''
Narinig kopa na nag 'Tsk' bago pinaandar ang kotse niya.
May kamalasan mang nangayari kanina ay nagpapasalamat parin ako dahil iniligtas ako ng halimaw na ito sa kapahamakan. Nakita ko na naman ang ibang side ng katauhan niya. Ano pa kaya ang maipapakita niya?
***
A/N:Thank you for reading 😘
BINABASA MO ANG
My Hidden Princess [ON-GOING]
RomanceHighest Ranking update: #57 in Ravens #77 in action-romance #91 in Prince Date Started: June 06, 2020 Humanda nang kiligin sa ating mga bida na sina Kira at Seon. Isang babaeng nagtatago sa isang imahe na hindi kailanman maiisipan na isa siyang pr...