Chapter 17: Hopeful

187 29 6
                                    

[Author's Note: So ito na iyong shout out na hinihintay ninyo.
Shout out po pala kina @gangstererism47, @justlove1434 at @btskimtae_24 😊👍 follow niyo po sila dahil newbie pa po sila sa wattpad. Maraming salamat sa pag follow at sa pagbasa nang 'My Hidden Princess'. Doon po sa gustong magpa shout out din ay comment down below lang po kayo kung ano ang inyong masasabi about sa story. Feel free to vote and comment lang kayo. Godbless us all]

Chapter 17

Nakarating na kami sa isang private hospital kung saan na naka confine ngayon si Papa. Habang papalapit ako sa isa sa mga silid kung nasaan nasa loob niyon si papa ay doble-doble naman ang kabang nararamdaman ko. Nanginginig ako sa sobrang takot at lungkot dahil may nangyayari na namang hindi ko inaasahan.

Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba o hindi kasi I'm sure nandoon ang babaeng iniiwasan kong makatagpo.

'' Pumasok na po kayo Princess Akira. Naghihintay lang po sila sa loob '' sabi ni Josef na nasa aking likuran.

Tinganggal ko narin muna ang suot kong pang desguise.

Pinihit ko na iyong pinto para pumasok na sa loob. Pagpasok ko ay nadatnan ko si Mama na prenteng nakaupo sa tabi ng kama kung saan nakahiga si Papa. Hindi ko siya pinansin at tinungo ang kinaroroonan ni papa sa kanya lang nakatuon ang aking atensiyon ng mga sandaling iyon. Si Papa na walang malay na nakahiga sa puting kama habang may nakatusok ng mga tubo sa bibig at mga kamay nito. Hindi kona napigilan ang umiyak na naman dahil sa kalagayan ng aking ama. Awang-awa ako sa itsura niya ngayon.

Lalapitan kona sana siya kaya lang ay pinigilan na ako ni mama.

'' Wag kang magkakamaling lapitan siya Akira! You know what, I don't understad why are you here of all the sudden? Hindi ba't umalis kana! Meaning wala kana dapat pang babalikan at wala kanang karapatan dito! Besides, This is all your fault! Kung hindi ka sana nagmatigas at hindi ka sumuway ay ikaw na sana ang namamahala ng kompanya ngayon at ng hindi na mangyari ito sa iyong ama! '' natahimik ako sa sinabi niya. She's right I'm the one who deserves to blame because of this mess. It is my fault. I'm being selfish all this time ni hindi ko inisip si Papa at basta nalang naglayas at iniwan siya. Patawarin niyo po ako Papa. Patawad po.

'' Get out here! Bago pa ako mawala sa sarili at masaktan kita! Get out now!!! Josef bring this young woman outside! Paalisin mo niya siya rito---'' pinutol kona ang sasabihin niya at nakiusap.

'' Please give me time to talk to my father. Just a minute and then I will go and you will no longer see me again. I promise that. Just let me '' pagmamakaawa ko sa kanya.

Wala na akong pakialam kong tuluyan konang iwan sila ang gusto kolang ay magkaroon ako ng oras with my dear father. Gusto kolang siya makita at makasama kahit sandali lang.

'' Deal. After that you will go! '' pagkatapos nun ay iniwan na niya kami sa loob ng silid.

Umupo ako sa tabi ni Papa at hinawakan ang kamay niyang may nakatusok na tubo. Hinahaplos ko iyon habang taimtim na nanalangin na sana gumaling at maging ayos na siya.

'' Papa. Ako po ito si Akira! Nandito na po ako.'' garalgal na naman ang boses ko dahil nagbabadya na naman akong umiyak.

'' Papa. Alam kong malakas pa kayo kaya makakaya niyo ito diba?. Kayo paba eh mas malakas pa kayo kay Thor anoh! '' pinahid ko ang mga luha ko sa pisngi at nagpatuloy sa pagsasalita.

'' Patawad po Papa kong ang nag-iisang prinsesa ninyo ay hindi kailanman naging mabuting anak sa inyo. Patawarin mo po ako dahil iniwan ko kayo ni Mama. I was being stupid and selfish Papa! Please papa wake up! Please wake up! I know youre going to be okay. You're a strong man, you're smart and my only great king in our family. Mahal na mahal po kita Papa! Pangako balang araw babawi din ako sa inyo! '' humagulgol na ako ng tuluyan dahil sa bigat at sakit na nararamdaman. Napakasakit nitong makita mo ang iyong mahal sa buhay na wala sa maayos na kalagayan at nag-aagaw buhay. Oh God.

Maya-maya pa ay may biglang nagbukas ng pintuan. Iniluwa niyon ang babaeng nagluwal sa akin.

'' It's time. You are free to leave now '' malamig niyang saad habang pinagkrus ang mga braso.

Ayaw ko mang iwan si Papa sa ganung kalagayan ay wala na akong nagawa pa kundi ang tumayo na lamang. Bago ako tuluyang umalis ay hinalikan ko muna si Papa sa noo.

Magiging maayos ka papa. Babalikan kita!

Nilagpasan kolang ang Mama ko at nag paalam na kay Josef. Sumakay na ako ng Taxi papunta sa Condo unit ni Master Seon. Hindi na ako nag abala na ibalik pa ang pang desguise ko dahil gulong-gulo ngayon ang utak ko sa nangyari. Sa buong byahe ay wala akong ibang iniisip kundi ang kalagayan ni papa.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng pintuan ng Condo Unit ni Master Seon. Bubuksan kona sana ito kaya lang ay naunahan ako sa pagbukas ni Master Seon na gulat na gulat ding makita ako.

'' Good evening Master Seon '' bati ko at mapakla akong ngumiti sa kanya tsaka pumasok sa loob.

'' Aalis poba kayo? '' takang tanong ko.

'' No. I'm not going anywhere. Actually I was waiting f-for you '' napahawak siya sa kanyang batok at parang nahihiya (nag b-blush din siya).

Napangiti naman ako dahil sa cute ng gestures niya. Hinihintay niya daw ako? Bakit? Teka kumain na ba ito?

'' Master Seon kumain na ba kayo? Ipagluluto ko muna kayo kung hindi pa--- ''

'' Don't hesitate. I can manage. Ikaw kumain na? '' umiling lang ako sa tanong niya. Papano ko magawang kumain ni wala akong gana.

Umupo muna ako sa sofa at nagbuntong hininga.

'' Where did you go? '' sabi niya at tinabihan ako.

'' Pasensiya na po kayo kung hindi na kita natawagan para sana mag paalam ng paayos. Galing po akong ospital kinamusta kolang ang lagay ni Papa '' naiiyak na naman ako.

Hayst. Napahilamos ako saking mukha.

'' How's your father? '' naalala ko na naman ang imahe niya kanina.

'' H-he's n-not okay--- '' and then I cried again.

I felt his hand on my back he's patting it with gentle. Nalulungkot ako.

'' I'm sorry master kong nakikita mo ngayon ang pag-iyak ko. Nalala kolang kasi si Papa '' nakakahiya man sa kanya pero hindi kona napigilan ang mga luha ko.

'' Spill it out. Makikinig ako. What happened? '' napatingin ako sa kanya dahil hindi ko inaasahan na magtatanong siya ng ganun na parang nag-aalala siya sakin ngayon.

I sighed before I spoke up.

'' Mas lalong lumalala ang sakit ni Papa. Sa lagay niya kanina parang hindi maganda. Nagkasagutan din kami ng aking ina. ''

'' I'm sorry to hear that. Kaya mo iyan Kira! '' nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya ka sincere sa mga sinabi.

Hinayaan lang ako ni Master Seon na umiyak. I feel the pain in my heart and it's really sucks.

Kailan ba matatapos itong kamalasang dala ko? Ano ba talaga ang dapat kong gawin sa buhay ko? Hindi kona alam.

***
A/N:
Thank you for reading 😘

My Hidden Princess [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon