A/N: Comment po kayo about my story (My hidden Princess) kasi nakaka inspire magsulat kapag may nag p-push sayong magsulat diba?. 😄 A big hug to everyone
Chapter 24
Pagkatapos ng anunsyong iyon ay hinayaan muna kami ng mga guro namin na lumabas at umuwi na dahil bukas pa kami magkakaroon ng normal class. Sa ngayon ay medyo abala pa sila dahil pinag hahandaan nila ang mga gagawin sa OJT para sa aming mga nasa senior high.
Nakaupo lang ako ngayon dito sa may bench kaharap ang field kung saan may iilang estudyanteng naglalaro ng ibat-ibang laro(Sports). Wala namang mga kampon ng dilim ang pagala-gala rito kaya kahit papano safe ang mukha ko sa ngayon. Hinihintay ko lang si Master Seon baka kasi may ipag-utos siya sa akin mabuti nang dito muna ako.
'' Hi Kira? '' lumingon ako sa bandang kaliwa ko kung saan nakita ko si Justine Lee na papalapit sa akin na may dala-dalang gitara (yata) sa likod niya.
'' Oh Justine. Tapos naba ang klase niyo? '' tanong ko sa kanya.
Tumabi siya sa akin habang inilagay mona sa tabi ang dala nitong gitara. Naalala ko musician nga pala ang lalaking ito. Gusto ko tuloy marinig siyang kumanta o makitang tumugtog ng gitara.
'' Oo tapos na. Pero iyong iba hindi pa may kailangan pa silang tapusin alam mona. Malapit na mag OJT may i hahandle na naman kaming intern. '' isa rin kasi siya sa mga taga Royal class kaya malamang paghahandaan talaga nila iyon.
'' Ah Oo nabanggit nga nila kanina. Teka may ibibigay pala ako sayo. '' inilabas ko iyong nabili kong keychain.
Ibinigay ko sa kanya iyon.
'' Wow. Sa akin ba ito? '' masayang tanong niya kaya naman tinanguan ko siya.
'' Oo. Naalala kasi kita sa pusang iyan kaya naisip ko bilhan kita ng ganyan. Nagustuhan mo ba? '' siya naman ang nakangiting tumango sa akin.
Masaya ako na nagustuhan niya.
'' Naks! Lakas ko talaga sayo Kira. Thank you ah.'' at inakbayan niya ako habang nakangiting nakatingin doon sa key chain na iniwagayway niya sa ere.
Ang cute talaga ng mokong nato. Mukha siyang batang inosente. Napahagikhik tuloy ako.
'' Ano kaba. Ayos lang iyon. Mura lang naman iyan eh '' nakakatawa lang kasi umutang pa ako ng pera kay master seon kasi kulang ang nadala kong pera ng mga sandaling iyon.
'' Pumunta pala kayo sa beach? '' tanong niya sa akin habang hindi tinitigilan ang kakataas baba niya doon sa keychain.
'' Oo don kami nagbakasyon '' actually dahil iyon sa pamilyang Ellieson kaya nasama ako.
'' Sino naman mga kasama mo family mo?'' Sad to say but hindi sila.
'' huh? ah oo '' pagsisinungaling ko. Sorry Justine hindi ko pwedeng sabihin sayo na magkasama kami ni Master Seon at ang pamilya niya. Konti lang nakakaalam mas makakabuti at mas safe.
'' Kira. Tumingin ka doon sa may rooftop. Parang may masamang nakatingin banda rito? '' sinundan ko ang sinasabi ni Justine.
Teka nga. Hinanap ko kung saang banda. Di niyo kasi naitatanong marami kasing rooftop dito na pwedeng puntahan ng estudyante o faculty dahil medyo safe naman. Iyong isa ay building ng royal class, iyong building namin, building ng student council, at building ng mga taga faculty(which is bawal ang students na maligaw don para lang iyon sa mga faculty and staff ng Clan High Academy).
Nang makita ko ang tinutukoy ni Justine ay nakaramdam ako ng para bang malamig na hangin sa paligid ko.
S-Si Master Seon ba iyong nakatingin banda rito? Bakit parang pakiramdam ko galit na naman siya?
BINABASA MO ANG
My Hidden Princess [ON-GOING]
RomanceHighest Ranking update: #57 in Ravens #77 in action-romance #91 in Prince Date Started: June 06, 2020 Humanda nang kiligin sa ating mga bida na sina Kira at Seon. Isang babaeng nagtatago sa isang imahe na hindi kailanman maiisipan na isa siyang pr...