Chapter 40: Mother's heart

51 14 0
                                    

Pagkatapos kong magbigay ng mga statement sa mga pulis ay kaagad akong bumalik sa sa operating room kung saan kasalukuyan paring inooperahan si Seon.

Nakaupo lang kami sa labas habang hinihintay ang doctor na lumabas ng operating room. Matagal pa kaming naghintay sa magiging resulta ng operation niya. Ni hindi kona namalayan ang pagdaan ng oras.

'' Akira...''

si Mama.

Mugto ang dalawang mata ko sa kakaiyak mula pa kagabi. Pagod din ang katawan, puso at isip ko dahil sa nangyari.

Hindi ko nilingon si Mama na nakaupo lang sa tabi ko. Hindi ko napansin ang pagdating niya dito sa ospital.

'' Ang sabi ni Lucas kayo daw ang dapat kong sisihin sa lahat na nangyari. Kung hindi dahil sa inyo hindi ako madudukot at hindi mababaril si Seon. Kung hindi niyo tinanggal sa trabaho si Kuya Lucas ay sana buhay parin hanggang ngayon ang kanyang mga magulang. Sana hindi niya nagawang ipakidnap ako! Alam mo ba ang pinagdaanan ko sa lugar nayun? Para akong naghihintay kung kailan papatayin. Kung hindi dumating si Seon para iligtas ako baka ako na ngayon ang nakahilata diyan sa operating room!'' inilabas kona lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Nagagalit ako. Sa sarili ko at sa kanya!

'' Patawarin mo ako anak. I'm so sorry. Hindi ko alam na aabot ang lahat sa ganito. I'm really sorry sweetheart! '' parang gumuho ang napakalaking pader na pumapagitan saming mag-ina dahil for the first time ay tinawag niya akong anak. Ito din ang kauna-unahang pagkakataon na humingi siya ng sorry at ramdam ko na totoo ito galing sa puso niya ang paghingi ng sorry.

Nanginginig akong lumingon sa kanya. Halata din sa kanya ang matinding kapaguran. Mugto din ang kanyang mga mata tulad ng sakin. Totoo ba ito? Umiiyak si Mama sa harapan ko?

'' Alam kong napakasama kong ina sa iyo Akira. Patawarin mo sana ako Ija. Mahal na mahal lang talaga kita kaya ko nagagawa ang mga bagay nato! Nung nalaman kong dinukot ka ng mga tauhan ni Lucas ay halos mahimatay ako sa pag-aalala sayo. Ni hindi ko magawang ipikit ang aking mata dahil sa labis na pag-aalala sa kalagayan mo! Naghire pa ako ng mga magagaling na imbestigador at detectives para malaman kung saan ka dinala ng mga taong iyon.'' hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinalikan iyon.

Nawala ang mabagsik na mukha ni Mama. Napalitan ito ng isang mukha na kahit kailan ay hindi ko pa nasilayan.

'' Bakit niyo nga ba ginagawa sakin iyon Mama? '' hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko saking pisngi.

'' Siguro ay dahil gusto kong matulad ka sa akin balang araw anak. Ayukong maging mesirable ang magiging buhay mo. Gusto kong makasigurado sa magiging kinabukasan mo kaya hinahanda kita sa mga posibleng bagay na pagdadaanan mo pa. ''

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.

'' Bata palang ako ng sanayin ako ng mga magulang ko kung pano itrato ang isang tao na naayon sa kagustuhan mo , dahil ako ang napili na magmana ng kanilang itinayong negosyo. Purong kastila ang iyong lola at lolo Akira pero dito lang sila sa pilipinas tumira dahil sa negosyo. Malupit sa akin ang iyong lolo noon. Parati niya akong pinag-bubuhatan ng kamay sa tuwing nagkakamali at nagkakasala ako. Siguro sa kanya ko namana iyon kung kaya ay nagagawa kitang saktan. Matigas ang bawat salita na binibigkas nila sa tuwing tinatawag nila ako saking pangalan. Mahirap ang napagdaanan ko sa kamay ng mga magulang ko noon. Tulad mo ay ginawa kodin ang mga bagay na ginagawa mo ngayon!''

'' Ano pong ibig niyong sabihin Mama? ''

'' Tumakas din ako sa lolo at lola mo noon. Ng mga panahon nayun nakilala ko si Kenjie na iyong ama. Siya ang tumulong sakin para makayanan ang dagok sa buhay ko hanggang sa hindi nagtagal ay napagkasunduan namin na magsama bilang mag-asawa. Nalaman kaagad ito ng lolo at lola mo kaya pwersahang dinala kami sa bahay. Marami din kaming pinagdaanan noon ni Kenjie. Ayaw sa kanya ng mama at papa dahil hindi isang Spanish ang papa mo gusto nila ay isang prinsipe ng Spain ang mapapangasawa ko. Dahil isang Japanese ang papa mo ay hindi sila payag sa aming pagsasama''

My Hidden Princess [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon