Chapter 27: Confession

107 19 2
                                    

Umuulan ng hapon na iyon at wala ako dalang payong o pananggala sa ulan. Naghihintay ako kay master seon sa labas ng office.

Maya-maya pa ay nakita kona siya na papalabas na.

'' Let's go '' sabi niya.

'' Pero umuulan pa Sir. Hintayin nalang natin na tumila ang ulan? '' pigil ko sa kanya dahil sa lakas ng ulan sa labas. Isa pa wala kaming dalang payong. Mababasa kami.

'' Mukhang hindi na titila ang ulan. Kung hindi pa tayo aalis ngayon ay baka maabutan tayo ng pagbaha. '' tama siya. don.

Pero paano to? Wala kaming payong nasa labas pa naman nakaparada ang kotse niya.

'' Pero mababasa naman tayo! '' nakanguso kong saad.

'' Wear this '' nagulat ako sa ginawa niya. Hinubad niya kasi ang suot nitong coat (part ng uniform sa OJT) at ipinatong sa ulo ko.

'' huh? Ikaw pano ka? '' mababasa siya.

'' ayos lang ako tara na . ''

nauna na siyang naglakad papalabas. Nakosensiya naman ako kasi nababasa na kasi siya ng ulan kaya naman hinabol ko siya.

'' Share na tayo Master ''

Hindi naman siya kumibo sabay kaming naglalakad sa daan palabas habang umuulan. Dahil sobrang tangkad niya ay siya na ang humawak sa coat napasiksik  nalang tuloy ako sa katawan niya. Argh. Para akong naloloka na naman.

Nang maka abot na kami sa kotse niya ay dali-dali kaming pumasok sa loob.

'' Are you okay? Nabasa ka ba? '' tanong niya.

'' Hindi po. Kayo? Ayos lang kayo? ''

Napansin ko na medyo nabasa siya dahil nauna siyang sumulong sa ulan. Nakonsensiya tuloy ako.

'' I'm alright '' tsaka niya pinaandar ang kotse.

Ng makarating kami sa bahay niya ay kaagad akong nag init ng tubig para makapagtimpla ng kape.

Nauna na kasi siyang pumasok sa loob at ng makalabas na siya sa kwarto niya ay nakabihis na siya ng black jogging pants at black loose t-shirt habang pinapatuyo ang basa nitong buhok gamit ang puting tywalya. Grabe ang gwapo talaga nito. Para siyang nasa isang commercial ng isang shampoo o commercial ng tuwalya.

'' Bakit hindi kapa nakapagpalit? '' napakurap ako sa sinabi niya. Ayan titig pa more!

'' Ah. Nag init pa kasi ako ng tubig para hindi tayo magkakasipon. Mainam daw kasi ito sa katawan kapag nabasa kaya pinag-init kita. Maliligo lang ako at magbibihis ''

Tumango lang siya at tinungo ang kusina.

Ang lakas ng ulan sa labas. Tama nga si master mukhang hindi titila ang ulan. Mabuti nakauwi na kami bago magkabaha sa labas baka ma stranded pa kami sa daan. May bagyo kaya?

Ng matapos akong maligo ay pinili kong suotin ang white loose t-shirt at pink na pants(pantulog). Kapag nasa bahay ay hindi ko na binabalik ang pang desguise ko kasi alam naman na ni master ang totoong itsura ko. Isa pa, sabi niya ayos lang kahit hindi na ako mag desguise basta nandito na kami sa loob ng bahay hindi ko na daw kailangan gawin sa harapan niya at naiinitan din daw kasi siya sa suot kong wig. Ang bait niya diba?

Nang makalabas ako sa kwarto ay nadatnan ko si master na nakaupo sa Sofa habang nanonood ng TV at umiinom ng kape. Napagpasyahan ko na mag luto na ng sinigang na bangus at nagsaing narin ako sa rice cooker. Habang hinihintay kong maluto ang kanin ay pinuntahan ko muna si master at tinabihan.

Breaking news: Paalala po sa mga mamamayan ng Luzon na may signal no. 2 po sa lugar ng *** Binabalaan ang lahat na mag-ingat po tayo sa bagyong ito. Mainam po na sumunod sa mga kinauukulan para sa kaligtasan ng nakakarami.

My Hidden Princess [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon