Chapter 12: Smile

197 34 3
                                    

Araw ng sabado.

Kasalukuyan akong nag-grocery ngayon para malagyan ng laman ang ref ni master seon paubos narin kasi ang mga nakaimbak doon.

Bumili narin ako ng mga pasalubong para kina aling minda at mang kanor. Pagkatapos non ay bumalik nako ng condo unit niya para maihatid ang mga pinamili ko (kabisado kona ang password ng pintuan niya kaya madali lang sa akin ang makapasok. Katunayan ay nung unang punta ko rito ay wala naman talaga siyang nilagay na password sa pintuan niya. Dahil nga ayaw na niyang maulit ang nangyari noon na basta-basta nalang daw akong nakapasok sa pamamahay niya ay pinaglagyan na niya ng security lock kaagad ito).

Naabotan ko siya na abalang nanonood ng TV sa may sala. Hindi ko na siya inistorbo pa at nagtuloy-tuloy lang ako sa may kusina. Inisa-isa kong inilagay ang mga na grocery ko sa lalagyan at tsaka ipinasok sa loob ng ref. Maya-maya pa ay natapos narin ako. Oras na para magpaalam ako sa kanya.

'' Master seon, aalis na po ako '' nilapitan ko siya sa may sala.

'' Saan ka nga pala pupunta? '' biglang tanong niya habang sa TV screen parin nakatutok.

'' Kina mang kanor at aling minda po. Dadalawin ko lang sila. Babalik din po ako '' malumanay kong saad.

'' kahit wag na '' mahinang sabi niya pero narinig ko parin.

Kita mo itong tao nato pagkasama-sama ng ugali.

'' Wala ba kayong lakad ngayon? '' natanong kolang naman. Kasi napapansin ko na wala ata siyang plano para pumunta sa mga kaibigan niya o di naman kaya magliwaliw.

'' Anong pakialam mo babae? '' asik niya.

Nanlilisik na naman mga mata niya. Tsk. Kahit kailan napaka nito.

Hmm. May naisip ako.

'' Sumama nalang kaya kayo sakin Master? '' suhestiyon ko sa kanya

'' What do you mean? ''

'' Nabanggit kasi ni Aling minda na naging malapit daw kayo. Sigurado akong gusto ka niyang makita! Kilala niyo si Aling minda master seon? '' magiliw kong sabi.

Naalala ko noong nabanggit ni Aling Minda na naging malapit daw siya sa nag-iisang anak ng dati ng mga amo naisip ko si Seon ang tinutukoy niya. Baka kahit papano ay maalala niya si Aling Minda.

'' Si Yaya Minda ba ang tinutukoy mo babae? '' takang tanong niya sakin

Tumango lang ako at ngumiti. Ilang minuto rin siyang hindi nagsalita hanggang sa bigla nalang niyang pinatay ang TV gamit ang remote at tsaka tinapon ng basta-basta.

'' Let's go '' Diba, Hindi naman halata sa itsura niya na excited siya.

Salamat sa driver na halimaw na nagkarerahan sa kalsada ay ligtas parin naman kaming nakarating sa lugar kung saan naninirahan sila aling minda at mang kanor. Pinarada lang ni Master Seon ang kanyang kotse sa tapat ng isang tindahan at nilakad na namin ang daan papunta sa bahay nila Aling minda dahil medyo masikip ang daan at di na makakadaan pa ang kotse.

'' Aling Minda! Mang Kanor? Andiyaan po ba kayo? '' tawag ko sa mag-asawa.

Hindi nagtagal ay pinagbuksan kami ng pintuan ni Mang kanor.

'' Kira! Ija! Nandito na kayo! Halikayo pasok. Pasok sa aming munting bahay '' masaya at magiliw na paanyaya samin ni mang kanor

'' Si Aling Minda po Mang kanor? ''

'' Naku, may binili lang sandali. Andito narin iyon maya-maya. Sino itong gwapong binata na kasama mo Kira? Nobyo mo ba siya? '' nagulat naman ako sa klase ng tanong ni Mang kanor.

My Hidden Princess [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon