Ngayon ang alis ko papuntang japan. I realize na mas mapapadali ang paglimot ko kung malayo ako sa mga taong nagpapaalala ng sakit. Atska dun ko na rin ipagpapatuloy yung pag-aaral ko. Andito na ako sa airport and I'm excited
"Bessy ingatan mo yung sarili mo don. Wag ka magpapagutom. Bumalik ka agad pagka okay ka na. Mamimiss kita" iluluhang sabi ni chloe.
Napakaiyakin talaga. Tch!
"Oo na. Alam ko ang mga dapat kong gawin kaya don't worry I'll be back when everything is okay. Trust me!" Nakangiting wika ko. At yumakap siya.
"Huhuhu Mamimiss talaga kita" umiiyak na siya.
"Shhh. Don't cry. Mamimiss din kita" pagaalo ko sa kanya.
"Balik ka agad ah!" Sabay harap sakin.
"Oo. Sige na aalis na ako. Ingat ka din" sabi ko sabay talikod at kaway sa kanya. Habang palayo ng palayo ako nakikita ko siya pinupunasan ang luha niya. Hayysss. Nandito na ako sa eroplano at naayos ko na din yung gamit ko. Sumilip ako sa bintana ang ganda ng ulap. Napangiti na lang ako
***
Ladies and gentlemen: We are waiting for take-off (landing) clearance from the Air Traffic Control tower. We expect to depart (land) in 12 minutes. Thank you for your patience.
Nagising ako dahil doon. Malapit na pala mag landing. Lumipas lang ang ilang minuto naka baba na ako.
@Japan
Shocksssss! Ang ganda \^O^/ Naaliw ako sa ganda ng lugar, Pero syempre bago ako maggala pupunta muna ako sa hotel na pinareserve ni dad for me.
-Conrad Hotels
Nandito ako sa hotel na tutuluyan ko. Maganda siya sobra. Nakakaamazed
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ohayōgozaimasu, konraddohoteru e yōkoso. Dōsureba otetsudai dekimasu ka?" Bungad sakin ng isang japanese
(Good morning ma'am, welcome to conrad hotel what can i help you?)
"Hmm. Watashi wa sudeni yoyaku h o shite imasu" sagot ko naman sa kanya.
(Hmm. I already have a reservation here)
"Daijōbudesu, anata no namae o oshietekudasai" nakangiting tanong niya
"Yes." Tanging sagot ko. Hirap kasi mag japanese nagdudugo ilong ko T____T. Pagkabigay sakin ng room no. ko umalis na din ako at hinanap ito.
"Room 69 where ka na ba? Huhu bat kase ang laki netong hotel na to. Putek naman" kinakausap ko sarili ko habang naglalakad. Kaasar!
"Hey miss. Nawawala ka ba?" Tanong nung lalaking lumapit sakin.
"Hindi. Hindi ka nagkakamali. Can I ask?" Tanong ko. Infairness ang wafu *o* niya Hahahaha Landi ko!
"What is it?" he replied
"Alam mo ba yung room 69? Kanina ko pa kasi hinahanap atska bago lang ako kaya hindi ko alam kung saan" paliwanag ko gumiti naman siya. Whahahahahhahhahaha ngumiti siya.
"Ah ikaw pala yung katapat ng room ko. Room 70 kase ako tara na" yaya niya. Sabay hablot ng maleta ko.
"Hala! Ako na dyan." Sabay kuha ko pero kinuha niya ulit
"Its okay. Atska magkakilala na naman tayo diba?" Sabi niya pero binigyan ko siya ng nakakapagtakang tingin?
"Tss. Btw I'm Drake and you are?" He introduce his self to me.
"Alena." Tanging sagot ko
"Nice name"
"You too." Sagot ko.
"We're here" sabi niya hindi ko namalayan na nandito na pala kami.
"Thanks drake" sabay ngiti sa kanya.
"Welcome. Sige na pumasok ka na" sabi niya nag nod ako at pumasok na. Pagpasok ko bumungad sakin ang isang magandang at luwag na condo. Whahahahhahahaha *o*
----
1 year ago
Maganda ang naging buhay ko dito sa japan nag-aaral na din ako. At si drake ang lagi kong kasama mabait siya, gentleman at sweet sobrang close namin. Naalala ko parin naman yung mga kaibigan ko sa pilipinas especially chloe my bestfriend. Sa ilang buwan ko dito may nanliligaw sakin kaso wala talaga I don't know wala akong matipuhan isa pa. Wala talagang makakalapit saki kase bantay sarado ako ni drake HAHAHHA naalala ko tuloy yung nangyari nung nakaraang araw
*Flashback
Maaga akong pumasok sa school kase may activity kami groupings. Nagmadali akong pumunta sa room.
"Hi alena. Good morning" bati sakin ni den classmate ko.
"Good morning din" sagot ko.
"Flowers and chocolate nga pala" sabay bigay sakin. Nagtataka kayo kung bakit tagalog ako magsalita at siya kase almost half ng students sa room ay filipino
"Thanks" tanging sagot ko. Hindi na ako nagsalita kase ayoko na may masabi ko na mamisinterpret niya. Malay nyo umasa siya. Hindi naman sa assuming pero manliligaw ko siya last month pa. Nagliligaw siya pero hindi ako pumayag pero go paren si koya! --_____--
"Alena pwede ba sabay tayo mag-lunch?" Tanong niya. Sasagot sana ako kaso naunahan ako
"No. Sabay kami atska Den right? Hindi to pwede ligawan. Atska may practice ang basketball ah! Pagpractice ka doon hindi yung nanliligaw ka!" Sabat ni drake.
"O-opo captain" sabay alis ni den.
"Hoy ikaw bat mo siya ginanon! Bad!" Saad ko
"Tss. Dapat lang yun no! Kebago-bago sa team kung ano-anong inaatupag" masungit na saad niya.
"Bat ikaw?" Tanong ko.
"Ako. Tss hindi ko na kailangan pa. C-A-P-T-A-I-N ako." Mayabang na sagot niya
"Tss. Hangin" sagot ko.
*End of flashback
"Oyy baka mahipan ka ng masamang hangin at katulala ka habang buhay" sabay pitik sa noo ko.
"Walanghiya ka talagang lalaki ka" sigaw ko kay drake.
"HAHAHAHAHHAHAH" Tanging sagot niya.
"Alam mo sa pinapakita mo na yan baka umasa ako na may gusto ka sakin" saad ko pero joke lang bigla siyang naging seryoso.
"Sana nga umasa ka din para pareho tayong umaasa na may gusto ka rin. Manhid kase!" Bulong niya.
"Ano?" Tanong ko.
"Wala. Sige alis muna ako" sabay alis niya. Hala baliw?! Ano nangyari dun?
"Siguro nabadtrip sa sinabi ko. Kase naman alena ano bang pinagsasabi mo" saad ko sa sarili ko sabay sabunot. Kakausapin ko na lang siya at magsosorry.