The Meeting

505 18 15
                                    

“Okay I’m coming guys! Don’t make me hurry.”

Nasa kotse si Marky at binabaybay ang SLEX nang tawagan siya ng mga kaibigan. Mayroon silang boys night-out sa isang cofeeshop. This has been their habit since they were in high school. Ang pagkakaiba lang ay mas malaya na sila ngayong kolehiyo at mas malaki na ang allowance.

Binaba niya ang windshield para sana makalanghap ng sariwang hangin.

“Look! It’s Marky! Girl, yung crush mo oh.”

“Ano ba! Nakakahiya.”

Hindi na lang nagpahalata si Marky nang marinig ang sinabi ng mga estudyante nang mapadaan siya sa tapat ng unibersidad nila. Silang tatlong magkakaibigan ang tinaguriang heartthrob ng campus. They have the looks, the guts and the wealth to get such title. Siya ang may pinakakonti ang ‘fans’ dahil alam ng buong campus na may nagmamay-ari na ng puso niya. Wala rin naman siyang pakialam sa mga ito. Hindi sila mahilig makihalubilo sa mga hindi nila gaanong kakilala, lalo na siya.

“Oh! At long last, nakarating din.” Ngiti na lang ang isinagot niya sa pabungad ni Keanne. Ito ang pinakabata sa kanila. Isang taon lang naman ang agwat nila dito.

“Saan ka ba galing dude at tumagal ka?” tanong ng pinaka-serious sa kanila na si Angelo.

Umupo na siya sa pinakadulong parte ng sofa at umorder ng capuccino. “Pinahatid lang sa akin ni Mama si Lara sa airport.” Ang kapatid niyang babae ang tinutukoy niya. Nakakatanda ito sa kanya ngunit napag-usapan na nilang huwag itong tatawaging ‘ate’ dahil nakakasira sa image nitong bagets.

“Ngayon na pala ang alis niya. Hmm…” Sumimsim muna si Angelo ng inumin bago nagpatuloy. “So, anong bago sa ‘tin?”

“Okay naman ang first day ko as a junior. Just the usual.” Inubos na ni Marky ang inumin. Saglit na natahimik ang tatlo bago tila may naalala sila.

“I met a girl!” Sabay sabay at pare-parehong sabi nila. Sa sobrang lakas ng boses nila ay napatingin ang ibang customers. Natawa na lang silang tatlo.

“So…” sabi ni Marky nang pabulong, “Pare-pareho lang pala tayo ng nasa isip. No wonder we’re friends.”

“Yeah! Well, ako na ang magsisimula.” Sabi ni Keanne. “I met this interesting smart girl in the front of the university fountain…”

Katatapos lang ng klase ni Keanne sa English at balak na niyang umuwi nang madaan siya sa tapat ng fountain. Tiningnan niya ang tubig na nilulumot na sa kalumaan at punung-puno ng barya. Napailing siya.

“Silly people. Nagpapaniwala sila sa mga wish-wish na yan. Hmp! Disiplina ang kailangan para umasenso,” sa isip niya. Bumaba ang tubig na nasa fountain na kanina’y naghuhumiyaw sa kataasan. Napansin niya ang isang nakapikit na babaeng katapat niya na may hawak ng barya. Nang dumilat ang babae ay eksaktong nagkatitigan sila. Napatulala na lang siya sa babae nang hindi namamalayan. Hinagis nito ang barya sa loob ng fountain ngunit hindi umabot at sa semento lang nalaglag.

“Aaaaaarrrrgggg…!!!!” sigaw ng babae. Sa sobrang lakas ng sigaw nito ay nagising ang lumilipad niyang diwa. Lumapit siya sa babae na ngayo’y nakaupo na sa gilid ng fountain. “Ano bang kasalanan ko? Bakit ako nagkakaganito?” daing ng babae na parang ang sarili ang kinakausap at hindi siya. “Lahat na lang sa akin ipinapasa! Sige! Ako na! Ako na ang mali!!”

Patuloy lang siya sa pagmamasid sa dalaga. Maganda ito kapag tinitigan ng lubusan. Hindi siya yung tipong lilingunin ng iba ngunit may ‘something’ sa kanya na hindi mawari ni Keanne.

“Kasalanan ko bang mali yung libro? Eh parehas lang namang Campbell ang sumulat nun ah! Biology, lintik!” Pinulot ng babae ang kanyang barya na nasa sahig. “Kasalanan ko bang face cream ang nabili ko at hindi face powder? Pareho namang may face ah! Anong problema nyo?”

Just Another Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon