Edited na siya Idol, thanks sa comment. :)
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
Nasa isang fastfood restaurant si Angelo, hinihintay si Jeanne. Sa fastfood kung saan sila unang nag-date. Napangiti siya nang maalala ang pangungulit nito sa kanya noon.
Who would ever thought that I would fall in love with that annoying woman?
“Hi,” bati nito sa kanya nang makaupo. “Anong meron?”
“Wala, maglu-lunch lang tayo. What do you want?”
“Cheeseburger! Hahaha. Na-miss ko.”
“Puro lugaw ka kasi kina Keanne eh no?”
“Uy, masarap ang lugaw ni Tita.” Tumawa lang siya at umorder na. Kumain lang sila habang nagkukwentuhan. Hindi siya makahanap ng tiyempo para sabihin ang gustong sabihin. Gusto na kasi niyang magtapat dito. Baka kasi maunahan pa siya ng kung sino.
“Nililigawan ka na ba ni Keanne?”
“Angkulit niyo naman eh. Sinabi nang-“
“Okay, sorry. Naninigurado lang.” Ngumiti siya. “Tapos ka na bang kumain? Pwedeng sa ibang lugar tayo?”
“O sige.” Naglakad sila papuntang loob ng campus, sa may park doon. Hinawakan niya ang kamay nito, nang hindi pinapansin ang mga mata, mga nanlilisik na mata ng mga babaeng dumadaan.
Nilagay niya sa palad nito ang isang purselas.
“Ano to?”
“Bracelet.”
“Hehe. Obvious bang bracelet to? I mean, para saan to?”
“Gift. Sorry luma na yan. Actually, dapat ibibigay ko yan kay Mommy sa birthday niya noon. Kaso hindi na umabot.”
“Oh my gosh. Hindi ko to matatanggap.” Ibabalik sana nito sa kanya ang bracelet pero pinigilan niya.
“Akala ko ba hindi ka tumatanggi sa grasya?” Ngumiti siya dito, kinuha ang bracelet at isinuot dito. “I told myself that I will give this to the girl that I will truly… love… O God, this is so cheesy.”
“H-hindi mo binigay kay Celine Elize?” Alam niyang iniiba nito ang usapan.
“I have to be honest. I tried to give her this but… That’s also the time she told me she’s in love with Marky.”
“Angelo…”
“You don’t have to say anything yet. Please don’t refuse. I’ll give you time… Just… please don’t refuse.” Hindi ito tumitingin sa kanya. Hindi niya ito hinayaang magsalita dahil natatakot pa siyang baka hindi siya nito tanggapin.
Hinawakan ni Keanne ang kamay ni Jeanne. Nasa bahay siya nito, tinutulungan ulit si Angelie sa project nito na malapit nang matapos. Tumitig ito sa kanya.
“Bigay ni Angelo.”
“Alam ko. Nakwento niya sa amin noon yung tungkol dyan.” Hindi na siya mapakali nang mga sandaling iyon. Hindi niya alam ang gagawin. Nalilito siya sa dapat isipin at dapat maramdaman. Ang masaklap pa ay marami siyang exams.
“Okay ka lang ba?” tanong niya kay Keanne nang puntahan niya ito sa kwarto nito.
“Hmm. Yeah. Bakit? Tapos na ba kayo?”
“Hindi pa. Pinapatuyo pa namin yung pandikit.” Lumapit siya dito na nakaupo sa kama nito, nag-aayos ng gamit. “Sure kang okay ka lang?”
“Sinagot mo na ba siya?”
BINABASA MO ANG
Just Another Ordinary Girl
Teen FictionThe ending of her story is in your hands... Who would you choose? Your bestfriend who secretly loved you, Your crush who you've been stalking, or Your mortal enemy who has a girlfriend???