II. The Girl
“Osang! Jeng! Gising na! Yan kasi puyat ng puyat.”
Parang may walking alarm clock sila sa kwarto once na gumising na ang roommate nilang si Berna. Kaya kahit pupungas-pungas pa ay diretso na ng banyo sina Jeanne at Rosanna.
“Hindi na naman ba umuwi si Donna?”
“Baka nasa boyfriend pa niya yun,” sagot ni Rosanna sa tanong ni Jeanne.
“Eh kayong dalawa, saan naman kayo naglakwatsa kagabi at inabot kayo ng curfew?”
“Ito kasing si Jeanne sinabi nang umuwi na kami, maya-maya nagsasayaw na sa dance floor. Kala ko kung saan pumunta.”
“Ewan ko sa inyo. Dalian nyo dyan,” sabi ni Berna saka nagbihis.
Naligo na sila at naghanda para sa first subject nila. Tatlong taon na silang magkaka-roommate sa Nem’s dormitory. Nasa loob lang ito ng campus kaya madali para sa kanila ang pumasok kahit late.
“Ano ba yan Rosanna May. Para ka namang sinapak ng tatlumpong kabayo sa itsura mo,” komento ni Jeanne. Makapal ang blush-on nito at namumula ang labi.
“Girl, syempre third year na tayo so may ‘k’ na tayong magmaganda,” sagot nito habang patuloy pa rin sa paglalagay ng blush-on. “Isa pa, dagdag ganda points din ‘to pag nakita ako ng MARKEANGELO (“markianjelo”).”
“Ano naman yun?” Humarap ito sa kanya nang nakataas ang kilay. “Hah!” sigaw niya sa gulat sa mukha nito.
“Tatlong taon ka na dito sa university, hindi mo pa rin nakikilala yung magbe-bestfriend na yun? Lagi kaya namin pinagkukwentuhan yun.”
“So what? Ano sila, artista? Si Jake Cuenca nga hindi ko pinansin eh, sila pa.”
“Haayy… Girl, kapag nakita mo sila, lalaglag ang panty mo.”
“Huh! Nice try. Hindi ako naka-panty.” Nagtawanan sila. “Huwag niyo na lang silang ipakita sa’kin dahil baka maakit pa yun sa alindog ko.”
“Hoy mga dyosa ng kayabangan, ready na ba kayo? Tara na,” tawag ni Berna.
Maagang natapos ang unang tatlong subject ni Jeanne dahil unang linggo pa lang ng klase nila. Umuwi muna siya ng dorm dahil lunch break niya. May nakita siyang babae na nakatayo sa harap ng hagdan at tila nag-aalangan umakyat. May dala itong maleta.
Napatingin ito sa kanya at lumapit. “Miss, alam mo ba kung saan yung room 2224?”
“Ah, oo. Sa taas yun. Halika, samahan kita.” Hindi niya mapigilan ang mapatitig dito. Akala niya nga’y isa itong anghel sa sobrang puti. Manipis ang kilay nito at parang mala-mata ng pusa ang mata. Maganda rin ang palangiting mga labi at maliit ang matangos na ilong. Mahaba ang buhok nito at napakaamo ng mukha. Malambing pa ang boses. “Ito na yung room. Uhm, dito ka na ba titira?”
“Oo,” sagot nito sa malambing na boses.
“Ah. So dapat na pala kitang i-welcome. Ehem… Welcome miss…”
“Celize.”
“Full name please.”
Napangiti ulit ito. “Celine Elize Gaisano.”
“Welcome Celine Elize Garciano!” sigaw niya with matching taas ng kamay.
“Gaisano,” pagtatama nito.
“Sorry.” Ngingiti-ngiti na lang din siya. “Magkatapat lang mga rooms natin so kung may kailangan ka, katok ka lang.”
“Thank you.”
BINABASA MO ANG
Just Another Ordinary Girl
Teen FictionThe ending of her story is in your hands... Who would you choose? Your bestfriend who secretly loved you, Your crush who you've been stalking, or Your mortal enemy who has a girlfriend???