The Mortal Enemy

240 12 1
                                    

Moment ni Marky.

 Yung video ay Harana by Parokya ni Edgar.. Kayo na lang kumanta... :)

::::::::::::::::::::::::

“Random ang group assignment natin ah. Count one to five,” sabi ng prof nila sa Arts and Society.

Matapos ang countdown ay nagsama-sama na ang magkakagrupo. At sa kamalasmalasan, kagalang-galangang lipunan ay naging kagrupo  pa ni Marky si Jeanne.

“Ate, ikaw na lang leader,” suggestion ng kagrupo nilang si Mia. Hindi na siya nagtaka doon dahil madaldal si Jeanne sa klase.

“Naku. Ayoko. Hindi ako magaling sa Arts.”

“Baka magaling ka sa society.”

“Magvote na lang tayo para fair.”

“Wag na, baka pagkaisahan niyo pa ko eh. Ano na lang, maiba-taya.”

Natatawa man ay nakisakay na lang ang iba. Labag man sa kalooban niya ay nakisali na lang siya. Ang ending, si Jeanne pa rin ang taya. Nakasimangot itong pumunta sa harap at bumunot ng topic na irereport nila.

“Sorry, malas ako sa bunutan eh. Tungkol ata to sa sinaunang society chepar.”

“Ganito na lang, ipakita natin yung sinaunang mga gamit, damit, tapos yung ancient courting.”

“Ancient courting talaga ha.”

“Basta yung panliligaw dati,” paliwanag ni Sarah.

“O sige, basta ikaw yung liligawan ah.”

“Okay lang po.”

“Naku, wag mo na ko i-po. Hindi pa naman ako jutanders eh,” sabi ni Jeanne.

Hindi siya nito kinakausap pero dahil dalawa lang sila ni Charles na lalaki ay napilitan itong pakisamahan siya. Video presentation ang napag-usapan nilang gawin. Mas madali kasi at hindi na hassle.

“Pero saan tayo magshu-shoot?”

“Dapat yung parang sinauna rin. Marami namang kubu-kubo dyan eh.”

“Uy Kuya, suggestion naman dyan,” sabi ni Sarah.

Kumunot ang noo niya. “Bahala na kayo mag-decide. Sabihin niyo na lang kung ano gagawin ko. Hindi pa ba tapos tong meeting na to? May pupuntahan pa kasi ako, pwede nang mauna?” inis niyang tanong.

“Sige, text ko na lang kayo kapag nakahanap na ko ng venue,” sabi ni Jeanne na hindi pa rin tumitingin sa kanya.

“Marky, is that you?”

“Yes ma! I’m home.”

“Hey Tita,” bati ni Celize sa mama niya.

“Celize, great. Nandito ka rin. Check this out.” 

Nasa sala ang mama niya. Tumayo ito nang makita sila at may inabot sa kanyang maliit na box. “What’s this?”

“Your dad’s early gift.”

“Early gift o nakalimutan niya kung kelan ang birthday ko?” malamya niyang tanong. Parang ayaw pa nga niyang buksan kung wala lang sa harap niya ang dalawang pinakaimportanteng babae sa buhay niya na mukhang mga excited.

Isang susi ang laman nito. “A key for what?”

“Check the garage.”

Nauna na sa kanya si Celize sa garahe. “Whoah!” lang ang nasabi niya. Matagal na niya kasing gustong magkaroon ng sariling motor.

Just Another Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon