Angelo's Moment
::::::::::::::::::
"Hi." Nilingon ni Angelo ang pinanggalingan ng boses pero hindi siya sumagot nang makita kung sino iyon. "Wala kang payong?" Hindi niya ito pinansin kahit pa nga kailangang kailangan niya ng payong para makauwi. Hindi rin kasi siya masusundo ng driver nila dahil day-off ito. "Uy, pansinin mo naman ako. Papasukubin kita pero kailangan ko rin ng help." Hindi pa rin siya sumasagot. "Pahatid naman kina Keanne Ross. May kukunin lang ako sa kanila."
"Keanne? Pati si Keanne nilalandi mo na ngayon?"
"Grabe naman to. Selos kagad. Friends lang kami nun." natatawa pang sabi nito. "Anyways, kasi pumunta ako sa kanila dati tapos naiwan ko ata dun yung phone ko kaya ayun."
Pinag-iisipan niya kung totoo ang sinasabi nito pero hindi rin siya makapag-isip dahil sobrang ingay nito. "Please. Please. Please. Libre na kita ng pamasahe. Pati food, libre ko na, kahit kelan, kahit saan."
"Wait! Ang-ingay mo naman. Sige na nga." Kinuha niya ang payong nito at binuksan. Napansin niyang hindi pa rin ito umaalis sa kinatatayuan. "O, anong hinihintay mo dyan? Bilisan mo."
"Kala ko nanakawin mo payong ko eh. Gentleman mo pala." Akmang hahawak ito sa braso niya.
"Hey! Don't even think about it."
"Okay. Anong klase mo kanina? Same building pala tayo pag last class." Hindi siya sumagot. "Ano pabango mo? Ambango ah." Aamuyin pa sana siya nito pero lumayo siya. "Uy, mababasa ako. Payong ko po yan." Nanahimik naman na ito nang nasa jeep na sila. Pareho silang nasa dulo, magkatapat. Parang nagde-day dream ata ito dahil hindi na siya ginugulo. "Malayo pa ba?"
"Ako na ang magpapara pag nasa tapat na tayo ng eskinita nila. Natatandaan mo na ba dun? Diretso lang tapos yung unang pulang gate yung bahay nila." Nakatitig lang ito sa kanya. "Naintindihan mo ba?"
Unti-unti itong ngumiti. "Yun na yung pinakamahaba mong nasabi sa akin ever mula nang magkakilala tayo." Yung matandang katabi nito ay kinilig pa ata sa kanila dahil ngingiti-ngiting tumingin sa kanya.
"Para!"
"Bye, honeypie. Thanks," sabi pa nito pagkababa. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis. Hindi niya namalayan na nakatingin pa rin ang matanda at nakangiti na parang nanunukso. Sumiryoso ang mukha niya na nun niya lang na-realize na nakangiti pala siya.
Matapos ang boring na subject niyang CWTS ay nagpahuling lumabas ng auditorium si Angelo. Malaki kasi ang klase nilang iyon kaya marami ang makakasabay paglabas. Paglabas niya ay napasimangot kaagad siya nang makita si Jeanne.
"Anggwapo talaga kahit nakasimangot. Pano pa kaya pag ngumiti?"
"Alam mo bang nakakasuhan ang mga stalker?"
"FYI honeypie. Hindi ikaw ang pinuntahan ko dito. Hinihintay ko yung roommate ko dahil sabay kaming magdi-dinner. Wanna join?"
"No thanks." Naglakad na siya pero hinabol siya nito.
"Angelo!"
"Ano na naman?"
"Wala lang. Di ba sabi ko libre kita ng foods pag hinatid mo ko kina Keanne..."
"I insist na huwag na." Dumiretso na siya sa paglalakad. Nagtaka siya dahil akala niya ay susunod ito. Lumingon siya at nakita itong nakatayo pa rin.
"Nagbago isip mo?" Hindi niya ito pinansin at kunyare ay may hinahanap.
"So anong balak mo? Every CWTS eh susunduin mo ko para makita lang siya?"
"Pwede rin. Haha," sagot ni Jeanne sa tanong ni Donna.
BINABASA MO ANG
Just Another Ordinary Girl
Teen FictionThe ending of her story is in your hands... Who would you choose? Your bestfriend who secretly loved you, Your crush who you've been stalking, or Your mortal enemy who has a girlfriend???