The Big Revelation

301 13 1
                                    

“’San na kayo?” tanong ni Berna sa dalawang kaibigan.

“Sa may… Teka,” alanganing sagot ni Jeanne sabay kuha ng schedule list, “Sa may Anex III mamaya pang 3pm.”

Iiling-iling na lang ang dalawa. “Hindi mo pa rin kabisado ang sched mo? Two weeks na tayong pumapasok ah,” sabi ni Osang.

“Sorry po. Alam mo naman ang…”

Napahinto rin siya nang mapansing wala na ang mga kausap. Nang lingunin niya ang mga ito ay nakita niyang nakatitig ang mga ito sa kaliwang parte ng daan.

“Hoy!” gulat niya sa mga ito nang lapitan niya ngunit hindi pa rin niya natinag. Nilingon niya ang direksyon na tinitingnan ng mga ito.

May tatlong matatangkad na lalaking naglalakad kasama ang isang babae. Si Celine Elize ang babae kasama ang jowa nito. Hindi niya kilala ang isa pang lalaki na nakangiting nakikipagkwentuhan sa magjowa ngunit kilala niya ang isa na tahimik at medyo seryoso ang mukha. Napangiti siya nang may maalalang kaganapan na isa sa mga rare events na hindi niya basta-basta malilimutan. “Teka lang mga alipin ah, may pupuntahan lang ang reyna,” aniya sabay lakad patungo sa direksyon ng apat.

“Uy! Jeng, ‘san ka pupunta?”

“Pupuntahan ko ang Hari ko! Hehehe.” Nakilala ata siya ng lalaki kaya’t kumunot ang noo nito. Ang isang lalaking palangiti ay nakatitig din sa kanya na parang nakikilala siya nito. Ang jowa ni Celine Elize ay nanlalaki ang mata na parang takot na ewan. Ngunit hindi na niya pinansin ang iba. Dumiretso siya ng tingin sa puntirya niya. “Hi! Remember me?”

“You again?” anito na hindi nagtatanong. Parang gusto nitong sabunutan siya at sabihing ‘Lumayas ka bruha’…hehehe.

“Me again. Yeah. Hihi…” Lumapit pa siya rito. “Hindi ka kasi nakapag-thank you sa akin last week so baka gusto mong bumawi.” Lumapit pa siya dito muli.

“I don’t…” Hindi niya pinatapos ito at nilapat ang hintuturo sa bibig nito. Nasobrahan yata kaya’t nabaliko ang labi nito.

“Shh… No need to thank me. Okay na sakin ang pangalan mo, number, address, e-mail, suking tindahan and proof of purchase,” sabi niya nang nakangiti.

Tinanggal nito ang kamay niya na nasa bibig nito. “In your dreams,” sabi nito sabay lakad palayo. Sumunod na rin ang tatlo pang kasama na ngingiti-ngiti maliban sa jowa ni Celine Elize na masama rin ang tingin sa kanya.

“Okay. See you in my dreams.” Kinawayan pa niya ang mga ito habang papalayo. ”Bye Celine Elize! Bye honeypie!”

Lumapit na rin ang dalawa niyang kasama nang makaalis ang apat. “Ang plastic mo ah!” sigaw ni Osang.

“Bakit?”

“Hindi daw kilala ang Markeangelo. Tapos nilalandi. Hmp!”

“Hah? Sila yun?”

“Come on! Andaya mo talaga.”

“Teka, kilala nyo yung kausap ko? Anong pangalan niya?”

“Hindi mo alam?”

“Magtatanong kaya ako kung alam ko?”

“Angelo De Padillo. Pa’no mo siya nakilala? Bakit hindi mo alam name niya? Nakalimutan mo, ano?” sunud-sunod na tanong ni Berna.

“Pumasok na nga lang tayo at baka makalimutan ko pang pumasok,” pag-iiba niya ng usapan at nauna ng naglakad.

“Andaya talaga. Mamaya pa pasok mo eh.”

Hindi maalis ni Keanne ang tingin sa likuran. Maya’t maya ang lingon niya at nagbabakasakaling makita muli ang babaeng nangulit kay Angelo kani-kanina lang.

Just Another Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon