“Keanne. Come on,” sabi ni Marky.
“Sandali lang, nagsisintas pa eh.” Lumapit na siya dito at itinayo ito.
Kukunin niya sa prof ang classcard niya sa Arts and Soc. Malapit nang maglunch break kaya nagmamadali siyang makarating sa office ng prof. Paalis na sana sila nang biglang madulas ang kadadaan lang na babae. Paglingon nila ay nakita nila ang nakangiwing mukha nito. Masama kasi ang pagkakabagsak nito sa lupa.
“Ah… Ah… Arrray…”
Lumapit sila para tulungan ito at dinala sa University Health Center. Tuluyan na rin niyang nakalimutan ang pagpunta sa prof.
“Sorry dude ah. Hayaan mo, ako na lang ang pupunta sa prof mo sa Monday.” May lakad kasi sila sa Lunes kaya ngayong Biyernes na niya inaasikaso ang pagkuha ng grades.
“Okay lang. Pakisabi na lang kay Ma’am Cruz na mami-miss ko siya. Kahit joke lang. Sama ng ugali nun. Nilait si Jeanne.”
Nagseryoso ang mukha ng kaibigan nang banggitin niya ang huli.
“Nakaka-miss din pala siya no? Saan kaya yun nakatira?”
“Ang alam ko lang eh sa Maynila.”
“Sino po ang kasama ng pasyente?” tanong ng nurse.
“Kami po yung nakakita sa kanya.” Lumapit si Keanne sa nurse at ito na rin ang nakipag-usap.
Bagong sem, bagong buhay! Ngayong huling taon na niya sa kolehiyo ay nangako si Jeanne sa sarili na pagbubutihin na ang pag-aaral.
“O, andito ka!” sabi ni Osang pagpasok niya ng kwarto.
“Ay, hindi. Wala ako. Anong pinagsasasabi mo dyan?”
“Akala namin nagLOA ka o nagshift o nagdisappear.”
“Ha? Anong trip niyo?”
“Ah, wala. Kamusta ang bakasyon?”
“Boring. Ang outing lang na napuntahan ko ay yung reunion na puro matatanda at baby ang kasama.”
“Hmm. Bakit ka kasi nagbago ng sim card. Di tuloy kita nayaya sa birthday ko nung May.”
“Ay oo nga,” Ibinaba na niya ang bag at nagsimulang mag-ayos. “Eh, kasi syempre. Alam mo na.”
“Hmm! Naka-get over ka na ba?”
“Medyo.”
“Good! Dahil matindi na ang mga subjects natin ngayon.”
Diretso ang klase niya sa unang araw ng klase. Papunta na siya sa susunod na subject nang may matanaw siyang pamilyar. “Bestfriend?” mahinang sabi niya.
Mukhang nakita rin siya nito kaya lumapit ito sa kanya. “Kamusta?” Titig na titig ito sa kanya nang may dumating na babae. Ipinulupot nito ang kamay sa braso ni Keanne.
“Hey, babe. I’ve been looking all over for you,” sabi nito habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.
“Rose, this is Liza-“
“I’m his girlfriend. Tara na, male-late ka na sa next class mo. Excuse us.”
Nalilito man ay tumuloy na lang siya sa klase. Hindi mawala sa isip niya na may girlfriend na si Keanne. Isang linggo ang lumipas bago sila nagkita muli. Kasama pa rin nito si Liza.
“Rose, uhm. Birthday nga pala ni Angelie bukas so may maliit na handaan kami. Iniinvite ka ni mama.”
“Ah, sige. Pupunta ako.” Naiilang siya dahil nakatitig ang girlfriend nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Just Another Ordinary Girl
Teen FictionThe ending of her story is in your hands... Who would you choose? Your bestfriend who secretly loved you, Your crush who you've been stalking, or Your mortal enemy who has a girlfriend???