Parang napakabilis ng panahon at malapit na naman ang pagtatapos ng ikalawang semestre. Pero para kay Jeanne, mabagal pa ito. Gusto na niyang matapos ang lahat. Ang mga exams, deadlines, utang sa dorm, problema sa lovelife. Well, buti nga siya may lovelife…
Pinatay ni Jeanne ang TV matapos maasar sa pinapanood na palabas. Nasa bahay siya nang araw na iyon, nanonood ng movie: “Barbie and the cheparlu The Movie”. Naaasar siya sa happy ending. Wala siya sa mood para manood ng love story.
Eh bakit mo pinanood?
“Ewan!”
“Anong problema mo Jeng?” tanong ng papa niya.
“Wala po. Naalala ko lang yung exam ko nung isang araw.”
“Akala ko ba magshishift ka na dapat last sem?”
“Eh, ang-hirap po ng proseso eh.”
“Kaya mo pa ba yang Chem? Baka naman naghirap ka lang sa wala.”
Hindi siya sumagot. Ayaw naman talaga niya ng course niya. Gusto niya ay Accountancy at balak na sanang lumipat ng school kung hindi lang siya nanghihinayang sa pinag-aralan at sa perang nagastos na. At hindi niya rin naman maiwan ang mga kaibigan…
At mga boylets.
“Hay… Isa pa yun!” bulong niya sa sarili. “Bakit ba kasi angganda ko?”
“Ano?”
“Wala po. Sabi ko anggwapo niyo.”
“Ah. Okay. I know.” Natawa na lang siya sa kayabangan ng ama.
Habang nasa byahe pabalik sa unibersidad, isang desisyon ang nabuo niya…
Nilapag ni Jeanne sa mesa ang bracelet. Tinitigan lang iyon ni Angelo.
“I’m sorry. Talaga namang crush kita noon pa… Akala ko kasi pwede eh… Pero talagang hanggang dun lang. Ayaw ko namang masaktan ka pa lalo.” Hindi umiimik si Angelo, o kahit gumalaw man lang. Natakot nga siya na baka hindi na rin ito humihinga.
“Celize is not gonna leave him, you know. And Marky will stick to his promise.”
“Alam ko. Wala naman akong sinabing aagawin ko yun.”
“I don’t want you to get hurt.”
“Promise. Hindi na ako masasaktan. Ikaw rin… Kayo rin.” At umalis na siya. Pero bumalik din siya para kunin ang cheeseburger. “Naiwan ko.”
Pagdating niya sa dorm ay nakita niya si Marky. Nakaupo sa waiting area. Lumapit ito sa kanya.
“Kamusta?” Tumingin ito sa kamay niya. “What happened?”
Nagkibit-balikat lang siya. “Anong ginagawa mo dito?”
“Nagpatulong si Celize.”
Medyo disappointed siya. “Tulong saan?”
“Maglilipat ng gamit. Lilipat na lang daw siya sa apartment.”
“Ahh…” Hindi na niya alam ang sasabihin pero hindi pa rin siya lumalayo dito. “Malapit na kayo gumraduate ni Angelo.”
“Oo nga eh. Akalain mo yun?”
“Sure na ba yun?”
“Oo naman. Grabe to. Wag kang ganyan, baka hindi pa matuloy.” Tumawa sila.
“Marky,” tawag ni Celize na dala na ang ibang bagahe. “Bye Jeanne. Sorry hindi ko nasabing aalis na ako dito. It’s kind of urgent.” Tumango lang siya at nagpaalam na sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Just Another Ordinary Girl
Teen FictionThe ending of her story is in your hands... Who would you choose? Your bestfriend who secretly loved you, Your crush who you've been stalking, or Your mortal enemy who has a girlfriend???