The Bestfriend

284 16 4
                                    

First time ko magdedicate kasi idol ko to eh at natuwa talaga ko sa isa niyang story 

"Ang bespren kong siga"

Hehe.. 

Moment ni Keanne♥

:::::::::::::::::::::::

“Wow naman! Ampogi ah!” sigaw ni Edgar, kabarkada nila mula sa high school, nang dumating si Keanne habang nakatambay sila sa bench sa field. Naka-puting polo ito na may blue lining, black pants at puting rubber shoes. Naka-gel din ang pinataas nang slight na buhok nito at hindi matinag ang ngiti.

“Matagal na kong pogi. Hinay-hinay, baka mabading ka.” Nagtawanan ang iba liban kay Marky. Hindi siya mapakali sa isiping maiinlove ang kaibigan sa katulad ng babaeng yun.

“May pinopormahan yan,” sabi niya.

Napalingon sa kanya si Keanne na nawala konti ang ngiti. “Sino?” sabay na tanong nina Jerome at Angelo.

Ngiti lang ang sinagot nito sa kanila. “Ayeeh! Binata na si totoy!”

“Lol! Inggit lang kayo. Una na nga ko. Nagyabang lang ako ng kagwapuhan.” Palayo na ito nang habulin niya.

“Dude, can I talk to you?”

“Ano yun?” tanong nito nang hindi tumitingin sa kanya. Parang nagde-daydream nang nakangiti.

“It’s that Jeanne girl right?” Tumingin lang ito sa kanya. “Celize told me. I just wanna say that… Uhm, be careful about your decisions bro. You don’t know her that much yet.”

“Dude, hindi ko pa nga nililigawan eh,” natatawang sabi nito sa kanya.

“I know. Dun din naman kasi pupunta yun eh. Syempre dahil first time mong manligaw, you know.”

“Don’t worry about me dude, I know what I’m doing.”

“And I supposed you know who she likes.”

Medyo nawala ang ngiti nito, bumuntong hininga at huminto sa paglalakad. “I’ll be fine. Hindi naman siya ang gusto ni Angelo eh… Ah… Sorry, I mean… Haayy…”

“Ayoko lang maloko ka or masaktan.”

“Wow! Hmm… I’ll be fine, I have the best teachers,” humawak pa ito sa balikat niya saka natawa sa reaksyon niya.

“Ako pa talaga ang tutularan mo.”

“Hindi. I’ll do this my way. I’ll be fine, don’t worry. And don’t get jelous too much. Mas mahal pa rin kita. Hahaha!”

Nagmamadaling bumaba sa dorm si Jeanne dahil hindi niya namalayang male-late na pala siya. Muntik pa siyang madulas kaya’t nagdahan-dahan na siyang lumakad habang nagsusuklay. Kakagising lang din niya at hindi niya alam kung nahilod na niya ang lahat ng libag sa katawan nang maligo. Kahit nagmamadali ay hindi nakalagpas sa tingin niya ang gwapong nakatayo sa gilid ng pinto ng dorm.

“Hi.”

“Hi,” nakatulala siya sa gwapong mukha nito.

“Need a ride?”

“Desperately!”

“Great!” Nagmamadali siyang lumabas pero hinintay din ito dahil naka-lock ang kotse.

“Angwapo mo ngayon ah.” Ngumiti lang ito at pinagbuksan siya ng pinto. “Grabe, life-saver ka, alam mo ba yun? Hay! Buti na lang. Hindi nag-alarm yung bwisit kong cellphone. Kainis!” Nakangiti lang ito.

“I’m glad to help.”

“Salamat, nakalibre pa kong sakay.”

“Oh! Hindi nga pala to libre, sorry.”

Just Another Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon