“Keanne. Come on,” sabi ni Marky.
“Sandali lang, nagsisintas pa eh.” Kukunin niya sa prof ang classcard niya sa Arts and Soc. Malapit nang maglunch break kaya nagmamadali siyang makarating sa office ng prof. Pagtayo ni Keanne ay saktong nadulas ang isang babaeng dumaan. Maagap naman itong nasalo ng kaibigan.
“Thank you,” sabi ng babae sabay pa-cute.
“Ah, dude… Una na ako ah. Baka umalis si Ma’am eh.” Tumango lang si Keanne. “Hey ma’am. Kukuha po ng classcards. Mark Ian Rosales.” Naghanap-hanap muna ito habang siya ay nangialam sa mga papeles na nasa table.
“Ano to?” tanong ni Angelo kay Marky.
“Papel yan tol. Hehe. Tingnan mo na lang,” sabi niya
“Kay JR?” Tumango siya. Ngumiti ito. Address yun ni Jeanne.
“Tiningnan ko yung info sheet niya sa prof namin sa Arts and Soc. Crush ata ko ni Ma’am eh kaya pumayag. Hehe.”
“Salamat.”
“Bakit? Pinapakita ko lang yan sayo no. Akin na nga yan. Hehe. Joke lang.”
“Salamat dude.”
“Walang anuman. It’s time for me to be the one to let go, laging ikaw eh. Tsaka para mabawas-bawasan yang kadramahan mo sa buhay.”
Mabigat man ang loob niya nang umalis sa bahay nina Angelo ay tinanggap niya ng buong-buo ang pagsuko. Bahala na si Spongebob sa love life niya. At tutal, lagi namang si Angelo ang nagpaparaya sa kanya. Parang kapatid na kasi ang turingan nila lalo pa’t wala silang kapatid na lalaki.
“Wala ka talagang kwenta. You let go of the best thing that you had. Do you really think that you can find someone like Celize that will take you? Stupid!”
Pasok sa kanan, labas sa kaliwang tenga. Sanay na siyang gawin yun kapag nakikinig sa walang kwentang sermon ng walang kwenta niyang ama. Naaasar siya na ang taong nagsesermon sa kanya tungkol sa pagpili ng tamang babae, ay ang taong nang-iwan din sa pinakamabuting babaeng kilala niya, ang kanyang ina.
“Aren’t you proud of me? Like father, like son.” Yun lang at pinatay na niya ang cellphone. Hindi niya alam kung maiinis pa siya dahil sanay na rin naman siya sa panlalait nito.
Isang linggo na lang bago ang graduation nila. Nagpahinga si Marky mula sa pagja-jogging. Tinitigan niya ang oval field sa gitna ng unibersidad nila. Mamimiss niya ang madamo at mapunong lugar na yun kahit pa nga pinahirapan din siya ng apat na taon.
Pagkatapos ng graduation ay may naghihintay nang trabaho sa kanya dahil sa ama niya. Gustung-gusto niyang tumanggi pero nakiusap ang mama niya na pumayag na siya. Wala naman siyang magawa. Iiwasan na lang siguro niyang magkausap sila o kaya ay bubukod siya ng tirahan. Ayaw niyang makasama ang bagong pamilya nito.
“Dude!” Paglingon niya ay papalapit na si Angelo.
“Kamusta? Nagkita na kayo?”
Tumango ito at halata niyang malungkot ito kahit nakangiti. “I courted her and met her family and friends. They’re great. Naikukwento pala tayo ni JR sa kanila.”
“Talaga.”
“You know what, she… She really likes you.”
Nag-isip muna siya ng sasabihin dito. “Ano ka ba pare, wala yun. Natuwa lang yun na may nang-aasar sa kanya. Ikaw nga yung hinabul-habol niya dati diba?”
Ngumiti lang ito. “Wag kang sumuko.” Nagkibit-balikat lang ito.
Natapos na ang graduation at graduation ball nila. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya si Jeanne.
BINABASA MO ANG
Just Another Ordinary Girl
Teen FictionThe ending of her story is in your hands... Who would you choose? Your bestfriend who secretly loved you, Your crush who you've been stalking, or Your mortal enemy who has a girlfriend???